Tamang pagibig winasak ng daigdig

13 0 0
                                        

Ang ating pagmamahalan ay tama,

Ngunit hindi tayo pinagbigyan ng tadhana.

Perpekto na ang ating pagsasama,

Wasto ang salitang nararapat para sa isa't isa.

Ngunit ang panahon na ang ng husga,

Tinapos nito ang nakasanayan nating dalawa.

Ang pagiging kontento — pag mamahal sa isa't isang tapat at totoo,

Sa isang iglap ay bigla na lang nahinto.

Natapos na lang ang pagikot ng ating mundo,

Hindi inaasahan — di man lang tayo naka preno.

Binawi ka agad sakin ng pagkakataon,

Ngayon tuloy hirap ng makaahon.

Tinitiis ang sakit,

Pinipilit tanggapin ang pagkawasak ng ating tamang pagibig.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Whisper of the HeartStories to obsess over. Discover now