"Sino bang tinutukoy mo?"






"Si Rebecca.."






"Si Rebecca? Ang laki ng tiwala ng Dad mo sa kanila ni Sir August ,Oliver—-"







"Ayokong dumating yung panahon na mabalewala lahat ng pinaghirapan ni Dad Ken. Kahit sabihin ko ito ngayon kay Dad ay hindi niya ako pakikinggan at paniniwalaan. Kaya sinasabi ko ito sayo ngayon. Kaya huwag kang magtanggal ng magaling na empleyado, ang burahin mo ay yung mga bagong tao na sumusubok angkinin ang kumpanya. Alam kong hindi ko na mababalik sa akin ang posisyon, at alam kong ikaw, ikaw ang makakatulong sa Dad ko .."





"Sinasabi mo lang sa akin ito ngayon para hindi ko mapatanggal si Hector diba?" galit na sabi ko dito..




"Bahala ka , pero binalaan kita."








"Umalis ka na.."







"Alam mo bang napakawalang kwenta ng rule mo. Para mo na ring pinagkaitan yung sarili mong sumaya.." makahulugang sabi nito..






"Anong tinatawa mo?" inis na sabi ko dito.







"Wala. Naaawa lang ako sayo.."







"At bakit naman?"







"Ilagay mo kaya yung sarili mo sa posisyon ni Hector. Sa tingin mo , anong mararamdaman mo? Wala namang naging kasalanan yung dalawa, nagmahal lang sila. Sana hindi mangyari sayo iyon Ken. Sana hindi ka din dumating sa puntong kailangan mong mamili .. Yung pagmamahal at kasiyahan mo o ang trabahong unti-unting kumakain ng totoo mong kaligayahan.."























Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan kong nakahiga si Rita sa sofa.. Dinaanan ko lang ito at mabilis kong inilapag ang bag ko sa kwarto. Lumabas ako ng kwarto para maghanap ng makakain kahit na alam kong imposibleng wala.. Pero pagpasok ko ng kusina ay may nakatakip doon.. Meron. May hinanda itong ulam at kanin. Sinipat ko si Rita na natutulog parin ngayon. Nagalit ito sa akin kagabi pero nagawan pa niya akong ipagluto. Bago ito gumising ay binilisan ko na ang pagkain.






Napatingin ako sa orasan, 9pm na kaya nagpasya akong isarado na ang pinto.. Pagbalik  ko ay huminto ako sa paglalakad para tingnan si Rita na kasalukuyang tulog parin.. Kumain naman na siguro siya diba? Bago ako makauwi?







Sinilip ko si Oslo sa kwarto pero wala iyon sa crib niya. Iyon ang pinagtataka ko. Mabilis kong tinawagan si RJ at nakumpirma kong pinag-alaga muna ni Rita si RJ kay Oslo at sinabihang sa kabilang bahay muna ang bata.. Nagpasya akong gisingin si Rita para kausapin ito tungkol kay Oslo..







"Rita.."








"Rita.." hindi ito nagising sa tawag ko kaya kinalabit ko na ito.. Pero wala parin. Lumuhod ako sa carpet para mas magising ko ito pero hindi parin nagigising.. Hinawakan ko ang noo nito kung may sakit ba ito pero hindi naman ito mainit..




"Rita! Gumising ka diyan!"








"Rita!!"




F*ck! Bakit ako kinakabahan. Bakit hindi ito gumigising..







"Rita!!" tawag ko dito pero wala paring response.. Nilingon ko ang center table at may nakita akong isang maliit na bottle ng gamot..








My Perfect DisasterМесто, где живут истории. Откройте их для себя