"Ken, yung halik sa Isla, Ken.. Naalala mo ba iyon? Ken——"















"Yung halik? Pucha, wala lang iyon Rita!!!"





















.
.
.


Napatitig si Rita sa akin. Yung galit na expression ng mga mata niya kanina ay napalitan ng blankong mga titig. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil mabilis na nilukob ako ng guilt dahil sa sinabi ko.













Ngayon ay hindi umaalis ang titig nito sa akin hanggang sa may bumagsak na luha sa mga mata nito..


















"Kung alam ko lang na ang halik na iyon ang susunog sa kaluluwa ko ngayon, sana hindi na lang iyon nangyari. Sana hindi mo na lang ginawa.." tumalikod ito at akmang papasok na siya sa room niya ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan.. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero napatingin ako sa kamay kong siya na mismo ang nagtanggal. Tuluyan na itong pumasok sa room niya..



























Rita's POV



ANG BIGAT-BIGAT ng nararamdaman ko. Parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang sakit..








Yung inaakala ko sanang pinaka espesyal na gabi ng buhay ko na iyon ay balewala lang sa kanya. Sana hindi na lang niya ginawa. Sana hindi na lang niya pinaramdam sa akin na espesyal ako..










Humiga ako sa kama at panay hikbi. Pinipilit kong pumikit. Gusto kong matulog na lang, gusto kong matulog at managinip dahil sa panaginip ko, masaya kami, sa panaginip ko nararamdaman kong espesyal ako sa kanya.. Gusto kong matulog. Ayoko ng gumising...





































Ken's POV

Wala akong ganang pumasok ngayon pero kailangan. Umalis ako ng bahay ng hindi pa gumigising si Rita. Mas mabuti na iyon, kesa usigin na naman ako ng guilt ko dahil sa nasabi ko kagabi..








Pagpasok ko sa office ko ay nadatnan ko si Oliver sa loob..












"Bakit?"








"Ken, hindi mo pwedeng gawin kay Camille at Hector yun.."






"They violated my rule Oliver."







"Magaling na empleyado si Hector!"





"Magaling? Ang simple ng rule ko, hindi nasunod! Magaling?"






"Ken! Performance ang tinutukoy ko! Wala pa man yung lecheng rule mo, maganda na ang pinapakita niya sa kumpanya! Alam mo, madaming nagsasabi sa akin na sana nga bumalik na lang ako sa posisyon ko eh, para bumalik—-"




"Babalik? Walang tiwala sayo ang sarili mong Ama Oliver! Ipinagkatiwala niya sa akin ang posisyon mo dahil pinabayaan mo ang kumpanya at hindi yan alam ng subordinates mo!"



"Oo , nagkamali ako!! At aminado ako diyan! Dahil nabilog ang ulo ko ng babaeng lumilingkis ngayon sayo!" kunot-noo kong tiningnan si Oliver. Anong ibig niyang sabihin.





"Anong ibig mong sabihin?"





"Kung ayaw mong matulad sa pagbagsak ko, kilalanin mo yung tao na umaaligid sayo, baka unti-unti na rin niyang nabibilog ang ulo.."




My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now