Part I: Mahal Kita

2.3K 36 29
  • Đã dành riêng cho sa mga walang date sa V Day HAHAHA kasangga nyo ako mga kapatid :D
                                    

Pinaka-masarap daw na feeling sa mundo ay ang mainlove. Pero para sa'kin mas masarap pa rin ang kumain. Wala akong panahon sa love-love na 'yan, busy akong tao at subsob sa pag-aaral. Mas ramdam ko pa ang malakas na kabog ng puso ko kapag biglaang graded recitation or surprise quiz kaysa sa pag-acrobat nito kasi inlove ako. No way. No time for love. Studies first. Boys later.

Pero mukhang napagtripan ako ng tadhana at biglang nagbago ang pananaw ko nang makilala ko SIYA nang lubusan. Classmate ko siya sa ibang subject kasi irregular student ako (transferee kasi). Deadma lang ako noong una, mas masarap magbasa kaysa makipagtitigan sa mga gwapo kong kaklase. Oo karamihan ng mga kaklase ko ay heartthrob kaso WALA NGA KASI AKONG PAKI kung gwapo sila dahil mas importante sa'kin ang makinig sa prof ko at mag-take down notes.

Nakakaloko talaga. Nang bumagyo yata ng kakulitan sa mundo ay para siyang DAM na sinalo lahat. Anak ng tokwa, wala na siyang ginawa kundi kulitin at pestehin ako kapag History class na.

Iniikot ko ang paningin ko sa classroom. Inayos ko pa ang salamin ko na muntik nang malaglag dahil sa paghilamos ko ng kamay ko sa mukha dahil binato nya ako ng crumpled paper tss.. At dahil History subject na, ayun mga bored ang mga classmate ko. Ako lang yata ang nag-eenjoy sa subject na 'to dahil magaling magturo si Prof Ian. At ang kutong-lupa na si Jaidon ay nag-eenjoy sa pambabato sa'kin. Sasapakin ko na 'to. Isa pa!

Marahas akong bumuntung- hininga at dahan-dahang lumingon sa pwesto nya with matching killer eye. Kung nakamamatay man ang tingin ko baka nagbigay na kayo ng libreng pa-kape at pa-biskwit.

"Problema mo?!" syempre pabulong ko lang sinabi 'yan pero may diin. Baka kasi marinig ni Prof Ian ay mapalabas ako sa klase nya.

"Basahin mo 'yung nasa papel," pabulong din na sabi nya sabay turo sa nilamukos na papel na ibinato nya sa'kin.

Inirapan ko siya at padabog na binuklat ang papel.

Ariadne,

Will you be my Valentine date? Yes or Yes?

P.S. I won't take NO for an answer.

Jaidon Astig \m/

Inis na nilamukos ko ulit ang papel. Kung hindi ba naman may saltik ang lalaking 'to. Nagtanong pa tapos YES lang ang option? Kasora.

Isang madiin na "No" ang isinagot ko sa kanya sabay irap. Upakan ko na 'to e.

Nabasa nyo naman di ba? Ariadne here at Jaidon naman ang kutong-lupa kong classmate.

Okay sige formal introduction na. Ariadne Sandoval, bookish-slash- no-time-for-love-and-boys. Siya naman si Jaidon Louderback rocker-slash-campus-heartthrob- na-kutong-lupa. Pasensya na paulit-ulit 'yong kutong lupa kasi naman nakakaasar talaga siya argh!

BREAKTIME.

Lumabas ako ng classroom to get some 'fresh air' dahil nakaka-pollute ng kapaligiran ang aura ni Jaidon. Plus the fact na halos mabaliw na ang mga babae sa campus kapag naglalakad siya sa hallway.

Speaking of 'pollution', siya agad ang nakita ko pagkalabas na pagkalabas ko papuntang hallway. Kapag minamalas ka nga naman. Buti na lang at ilang metro ang distansya namin. Thank heavens.

Na-stuck pa yata ako ng ilang minuto sa pagkakatingin sa kanya habang kausap nya si Anica Morissette Marfilia, his gorgeous singer-slash-fashion designer to-be cousin. I let out a shy smile kasi ang cute-cute nilang tignan na mag-pinsan na mukhang nagkukulitan. Sakto naman na napatingin sa gawi ko si Jaidon and he winked at me. Bigla tuloy akong nag-shift ng paningin at nagdecide na pumunta na ng cafeteria para kumain.

*****

"That's all for now. Prepare for a long quiz on Monday. Class dismiss!"

Dali-dali namang nagsilabasan ang mga kaklase ko at mukhang gigimik pa dahil Friday ngayon at weekend na bukas. Ang siste ay kaming dalawa tuloy ni Jaidon ang natira sa classroom kaya mabilis kong inayos ang mga gamit ko para hindi nya ako maabutan para kulitin.

Mahal kita. Break na tayo... Okay lang ako!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ