Prologue

5 1 1
                                        


Everything is perfect, the light the roses on the floor and the perfect table good for two. Wala na akong hihilingin pa sa buhay ko.
Naramdaman ko ang hininga ni Keane sa leeg ko.
"Hope you like it" bulong neto sa akin sabay yakap mula sa likod ko.
"Lahat naman ng mga pinag hirapan mo maganda at gusto ko" Humarap ako sakanya at hinaplos ang makinis niyang mukha na para bang kinakabisado ko ang bawat detalye sa mukha niya, Ang singkit niyang mga mata at makakapal na kilay pababa sa matangos niyang Ilong at maninipis niyang labi.

"You know how much I love you Naice," ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha at naamoy ko rin ang mabango niyang hininga.

"I love you more than myself I will do anything for you" Hinaplos niya ang pisnge ko damang dama ang init ng kayang palad,

"Remember when we first met?" nakangiti niyang tanong sa akin at pinaharap ako sa madilim na kalangitan.Ramdam ko ang pagyapos niya sa akin at ang init ng kayang katawan. Ayoko ko ng matapos ang lahat ng ito.

"Mga bata pa tayo noon at hindi ko akalain na ikaw na pala ang mamahalin ko habang buhay" kahit nakatalikod ako sakanya ramdam ko ang mga ngiti niya,. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Patay na patay nga ako sayo noon eh tapos ikaw wala kang pake sa akin dahil pag aaral lang ang inaatupag mo  noon, Hanggang mag high-school tayo hindi mo parin ako pinapansin" Nakangiti ko ring kuwento sakanya at masayang Inaalala ang lahat.

Narinig ko ang mahina niyang tawa at niyakap ako ng mahigpit.

"Tapos ngayon ako na ang patay na patay sayo" hindi ko mapigilan ang ngumiti sa sinabi niya.

"You know Naice I want you to become a mother of my children, I want you to be the first person who I see every morning and before I sleep at night, I want you to be a part of my life forever." kumalas siya ng pagkakayakap sa akin. Kahit nagugulohan ako sakanya.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

" k- Keane "nanginginig ang mga kamay ko at ang mga labi ko.

" Naice Cuevas, be my wife, will you marry me? "sabay pakita ng isang napaka gandang singsing. Nag liwanag ang kalangitan at sabay sabay nag putokan ang fireworks. Hindi ko alam ang gagawin ko nanginginig ang mga kamay at paa ko.

Agad ko siyang pinatayo na agad kinakunot ng noo niya.
" N-naice? "naiiyak niyang banggit sa pangalan ko,

Ang kaninang nagbabadyang luha sa mata ko ay bigla nalang tumulo.

" Makinig ka Keane  I love you, I really love youu but I'm not yet ready, At hindi ako ang nararapat sayo I'm sorry Keane. " Tama ang desisyon kung iwan nalang siya. ayoko ng lumingon dahil ayokong manguna nanaman ang aking puso.

Sorry Keane I Really love you but we are not meant to be,. Bye my love.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wedding planerStories to obsess over. Discover now