Fifteenth of February (One-Shot)

54 3 2
                                    

My calendar became February 11,12,13,16,17... since he left me. I can still smell the pink roses he left on the right side of my bed 3 years ago. Where are you now? Why did you left me on a 15th of February?

3 years.. For others, 3 years may be just 3 years. Pero para sakin, feeling ko parang napakatagal at napakahaba ng nagdaang 3 taon. It seemed like I've waited for someone who isn't there, who isn't really there. Sabi nga sa kanta ni Yeng, ''Madali namang magsabi ng Babay, Madali namang magsabi ng Babay, B-A-B-A-Y'' Oo nga madali lang. Limang letra lang naman yun kung tutuusin, but you didn't say any. Bigla kanalang nawala, pati mga rosas na binigay mo sakin bago moko iniwan, namatay na rin kakahintay. Pilit ko ngang binubuhay ang mga bulaklak na iyon, pero kagaya ng puso ko pilit na rin syang sumusuko.

February 14.. I just wished you didn't make me the happiest person that day if you'll just leave me the day after. The day after which supposed to be my birthday.

''Ayesha ok kalang?'' Nagising nalang ako sa wisyo ko ng bigla akong kalabitin ni Hannah. Buti nalang wala pang prof. Eto na naman ang buwan ng Pebrero. Ang dami na namang sumasagi sa isip ko. I just stared blankly at her. Alam naman na nya yun.

''Kanina pa may nagtetext sayo, tulala ka naman.'' She said. Kinuha ko yung phone ko sa tapat ko at binasa yung sinasabi nyang mga nagtext.

''Where are you now? Can we meet?''

''O sino naman yan?''

''Si Miss Dianne, yung organizer. Baka may ipapasa na naman saking event kung sakali.'' I'm a 4th year college student but I work as a part time organizer ng mga events. Di ko naman gano tinuturing yun na trabaho kasi parang hobby ko nalang naman yun. Trip ko lang talaga mangialam ng desisyon ng iba at makigulo sa mga events na inoorganize ko. HAHA

''Ah raket? Then go. Para narin maging busy ka at makalimutan mo yang mga iniisip mo.'' sabagay tama naman siya, ilang taon narin akong tulala tuwing sasapit ang pebrero, feeing ko bumabalik lahat ng nangyari nuon.

I went to Miss Diane's office after my class. Magwa-1 year na rin akong nagtatrabaho kasama nilang mga event organizers kaya nasanay narin ako sa ganitong mundo. Yung tipong nagseset-up ka ng mga perfect events para sa ibang tao pero mismong sarili mo di mo maorganize.

''Pre-nuptial party? I even shouted. Bakit naman po ipapasa nyo sakin tong event nato?'' First time ko palang magoorganize ng pre-nup party kung sakali. More on debuts and sweet sixteen parties palang ang nahahawakan ko.

''Ok lang, sayo ko nalang ibibigay. I trust you. I know you can make it. Kesa naman sa iba ko pa ibigay. Marami rami din kasing event ngayung february. So ano? Kukunin mo?''

''Sure. Ok lang. Just give me the numbers of my client.'' After kong makuha yung number nung pagoorganizan ko, umuwi nako agad. Siguro mas okay narin talagang maging busy ako kesa naman sa magdrugs ako ngayong february sa sobrang kabitteran at kalungkutan ko. HAHAHA

Tinawagan ko agad yung magiging client ko ng pre-nup party na ioorganize ko. Ngayun lang ata ako naexcite sa pre-nup thingy.

''Hello, this is Ayesha Dela Cruz, ako yung organizer na naassign sa pre-nup party na pinasched nyo.'' I said when I heard a voice from another line.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fifteenth of February (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon