PROLOGUE
Breigh
Tahimik akong kumakain sa loob ng restaurant na pagmamay ari ni Tita Gorgia. Nang may magsalita sa harapan ko.
"Hi Breigh, How are you?" Bati sakin ni tita sabay upo sa kaharap kong silya.
"I'm always fine tita, and medyo busy, coz I have a new book to release" I answered with genuine smile.
Hindi ako palangiting tao, 98.99% sa buong buhay ko ay nakaseryoso lang ako at pagminsan namay tulala at minsan naman basta, kung ano pang reaction maliban sa pagtawa at pagngiti.
Tanging kay tita lang ako ganito at sa harap ng laptop ko kung saan ko isinasatitik ang mga istoryang nabubuo sa aking imahinasyon. Ewan ko ba kung bakit ako ganito pero simula ng naranasan ko ang lupit ng mundo tila nakakatamad ng maging masaya.
"wow, you're a great writer talaga hija. Don't forget that I'm your number one fun hah"
Napangiti ako sa sinabi ni tita. Since my Mom died she always by my side, palagi niya akong sinusuportahan at iniintindi kahit na matigas ang ulo ko. I can say that she's my hero.
"I know tita.. you're always my number one fun" sagot ko sa kanya ng nakangiti saka ako nagpatuloy sa pagkain.
"Kaya if you need anything let me know," nakangiti ring sabi niya.
"thanks tita., Nga pala, Do you have any book about past life? Or do you know some story about those thing?"
Lalong lumawak ang ngiti ni tita, Ewan ko kung bakit. Ask nyo sya. Hmp.
"I guess you're writing about past life?"
"Yeah, ngayon ko lang naisip na It's kinda interesting po."
"oh, I have a book, Maybe it can help you."
"Thanks tita, your the best po talaga."
Saglit na napatawa siya sa sinabi ko, "Sus nambola pa. Eat up. I will ask Adler to lend it to your house tommorow."
Tumango nalang ako at napangiti bilang tugon sa sinabi niya at bumalik na muli ang atensyon ko sa pagkain.
After kong kumain I decided to walk dahil trip ko lang bakit ba. Hmp!
But seriously hindi ko din maintindihan pero gustong gusto ko na naglalakad habang pinagmamasdan ang paligid, ang mga taong may kanya kanyang buhay, ang mga pangkaraniwang eksena sa araw araw.
Nitong mga nakaraan naninibago ako sa sarili ko. Bigla nalang papasok sa isip ko na parang nangyare na yung mga bagay na ginagawa ko.
A ' deja Vu'
Pero dahil sa naniniwala ako sa past life, naiisip ko na baka naaalala ko lang yung mga nangyari sa past life ko.
Alam kong imposible yun dahil kathang isip lang ng tao ang past life past life na yan pero basta. Wala pakialaman, hahah. Malay ko ba prinsesa pala ako sa past life ko, or isang pinaka mataas na namumuno sa bansa. Wah I like it, balik nalang tayo sa nakaraan.
Payag ako Basta sa past life nyo Isa kayong kulangot na nakadikit sa pader. Hahaha!
Anyways, I always had that weird dream of a man holding the dead body of my sister in his arms. Napakaweird dahil sa loob ng isang buwan may sampung beses ko ata yung napapanaginipan, at oo, hindi naman Yun totoong nangyari nung nawal ang kapatid ko.
Nang makarating ako sa bahay ko agad akong pumasok sa office sa loob lang din ng bahay ko. Hindi mo masasabing office sya dahil mas mukha syang library dahil sa napakadaming libro na maayos na nakalagay sa matataas na bookshelves. At the center of the room naroon ang lamesa ko kung saan komportable nagsusulat ng mga libro ko.
YOU ARE READING
Summons Of Lang Syne
RandomUnderworld, Reincarnation, Love. Once they mixed it might end up stirring their miserable story. Photo not mine. Credits to the rightful owner.
