Sumalampak ng upo si Carter sa katabi kong upuan saka kinuha ang earphone na nasa kaliwang tenga ko at nilagay sa kanang tenga nito. Agad kong hinila ang earphone kaya mataray na napatingin ito sakin. Nararamdaman ko na rin ang tingin ng mga kaklase ko na hanggang ngayon ay di parin umiimik.


Binaling ko ang mata sa kanan para isenyas sa kanya that 'they are staring at us' na agad naman nitong nakuha kaya nilibot ang tingin sa buong klase.


"Yeah continue." Simpleng sabi nito at sinamaan pa ng tingin ang mga estudyante kaya nagsibalikan ito sa pakikinig. Nagsimula naring mag lecture ang prof na mukhang nagpapakitang gilas pa. Tsk.


"Why are you here?" Pasimpleng tanong ko dito.


"Because I'm not there?" Napairap ako sa sagot-tangang tanong nito.


"ha ha, funny." I sarcastically said.


Diko na sya kinausap pa at tahimik na lang na tumingin sa harap kahit wala naman akong naiintindihan sa sinasabi ng guro.


"Let's have lunch together." Tumingin ako dito at tututol na sana sa kanyang sinabi ng maduling ako sa lapit ng mukha nito sakin.


I gulped when he slowly licked his lips and smirked. Umiwas ako ng tingin dahil sobra na naman ang lakas ng tibok ng puso ko.


'Why does he have this effect on me?'

Mahina pako nitong siniko, naghihintay ng sagot.


"O-ok." I almost hit myself when I stuttered. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.


Ng mag ring ang bell ay tumayo nako at niligpit ang mga gamit ko. Nagsisilabasan na rin ang mga kaklase ko.


"Let me." Kukunin na sana nito ang gamit ko ngunit agad ko itong nilayo.


"Hindi pa tayo, ulul." Mahinang sabi ko sa kanya.


"That's why I'm insisting to carry that things, I'm your suitor." I pouted.


"San mo naman nakuha yang pinagsasasabi mo." I said.


"I've research." Muntik nakong matawa sa sinasabi nito.


"Too cheesy, not for me." Nakangising sabi ko na ikinairap nya, kalalaking tao Barbie.


"Then carry that on your own." Napatawa ako ng pikon itong nanguna sa paglalakad.


"Huy." Tawag ko dito pero di naman ako nito nilingon. Attitude na manliligaw amp.


Sumunod na lang ako sa kanya at nakisabay sa paglalakad nito. Patungo kaming locker dahil ilalagay ko ang mga gamit ko na di ko naman magagamit sa next class ko.


Ng nilalagay ko na ang mga gamit ko ay napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang pag ring ng phone nito. Kinuha nito ang phone sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag saka inangat ang tingin sakin.


Umirap lang ako, saying that he can take the call without my permission.


Napatingin ako sa isang lalaki na nagbukas din ng kanyang locker. He's familiar. Dahil sa titig ko sa kanya ay napatingin narin ito sakin. Napangiti naman ito.


"Saveena Phrix." Yeah, he's the one who saved me from Lian.


"Oh yeah, I didn't introduce myself. I'm Kian Villas." Nilahad pa nito ang kamay sakin na tinanggap ko naman. Saka tipid na ngumiti.


"Saveena Phrix." Mahina itong tumawa sa sinabi ko.


"I know, the infamous nerd." Napakunot ang noo ko saka ngmuso na mas lalo nya pang ikinatawa.


"Kidding." Saka nito binitawan ang kamay.


"Lunch together?" Magsasalita na sana ako ng may nauna ng umangal sakin.


"She can't, and she won't." Malamig na boses nito. I gasped when he incircled his arm around my waist. Di naman nakapagsalita si Kian at napatingin pa sa kamay ni Carter na nasa bewang ko.


"Um, sorry Kian, maybe next time." Paumanhin ko dito, he's nice. Not the fake one.


"Oh, I see, by the way I gotta go now, nice to see you." Pagkatapos ay umalis na ito. Tahimik naman ako at napatigil ng maramdaman ko ang paglapit ng kanyang mukha saking tenga.

"There will be no next time Phrix."

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now