Chapter 4

3 0 0
                                    

Aira's POV

"We have a problem" bungad ni Kendra sa akin

Kasalukuyan akong naglilinis ng condo ko nang sabihin iyon ni Kendra. Galing sya sa school para mag-enroll

"What is it?" tanong ko, itinabi ko muna ang basahan na ipinipunas ko sa mesa at umupo sa set, katabi nya

"Hindi na tayo tinanggap sa DU" walang gana niyang sabi

"Bakit naman?"

"Puno na daw, madami nang studyante. Sa kabila na lang daw tayo" sabi niya at tila ba pagod na pagod humiga sa set

"Grabe naman iyon, bakit? Mas inuna nilang tanggapin ang transferees kesa sa ating mga regular student na ng Deighton University?" tanong ko at umupo habang nakasamdal sa sofa

"Oo daw, para daw maka-experience naman na mag-aral doon ang iba. Sabi ng Guidance Councilor"

"Madami tayo na hindi tinanggap?"

"Oo, halos kalahati ng bawat section"

"Tanginang 'yan, saan naman nila tayo pag-aaralin? Mga buwisit sila"  inis kong bwelta sa hangin

"Sa LU na nga lang daw tayo cous" sambit ni kendra

"Ayaw ko nga doon! Alam mo namang ang daming gangsters do'n! Ayaw ko ng gulo!" pagma-maktol ko pa

Kringggg kringgggg kringgg

"Hello? Yes dear?  Napatawag ka?"

"Mom" sabi ko na parang paiyak na

"Why? What happen" nag-aalalang tanong naman niya

"Hindi na kami tinanggap ni Kendra sa DU, naubusan na daw ng slot. They prioritized the transferees! Ang unfair nila!"  rant ko sa kaniya

"Ohh, that one. Dear, sorry I forgot to tell you, nag meeting na kami about diyan and all parents and guardians agreed on the principal's decision"  paliwanag niya

"I already enrolled you in LU, I can't  go there with you tommorow baby, I'm kinda busy" sabi niya pa

At doon na ako tuluyang nawalan ng gana, wala na pala talaga akong magagawa

*/sigh

"Anong sabi?" tanong ni Kendra nang maibaba ko ang phone ko at pabagsak na inihiga ang katawan ko sa sandalan ng sofa

"Papasok na tayo sa LU bukas"  walang gana kong sabi at  tumayo na para maglinis ng katawan

Pagkalabas ko sa banyo, pumasok ako sa kwarto ko para magpahinga

Humiga ako sa kama ko at nag-isip ng mga bagay na pwedeng mangyari sa Lockser's University bukas

*/yawn/  7:08 pm

Nakatulog pala ako, lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig

"Oh gising ka na pala, sakto kakain na tayo" sabi ni Kendra nang makita akong pumasok sa kusina

Umupo na ako at nagsalin ng tubig sa baso na nasa harapan ko. Hinintay ko siyang makaupo at saka kami sabay na kumain

"Paano? Gisingin na lang kita bukas?" tanong ni Kendra nang matapos kaming kumain, nililigpit na niya ang pinagkainan namin

"Oo, baka tanghaliin tayo kapag hinintay mo pa akong magising" sagot ko

"Sige, ikaw na ang maghugas tutulog-tulog ka e"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Untold Pain -Wattpader Series #1(On -Going)Where stories live. Discover now