"Ito ang kwarto mo, binilin ng senyorito na dito ka patuluyin, sige na at ayusin mo na ang mga gamit mo. Bukas ko na ituturo sayo lahat ng gagawin. Magpahinga ka na muna, ako'y bababa na at marami pa akong aayusin"

"Sige po manang, maraming salamat po ulit."

Nginitian niya lang ako at tumalikod na. Pinihit ko na ang pinto at namangha na naman ako sa aking nakita.

Inilapag ko sa sahig ang aking dalang bag at itinapon ang sarili sa malambot na higaan.

Ansarap pala mahiga sa ganto kalambot na higaan, napaka sarap matulog.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at nagpatangay sa antok

________________________________________

⚠️ Warning  ⚠️

(MEW)

Tangina, bakit ba napakatanga ng mga tao ngayon? Napaka simple ng inuutos mo di parin masunod ng maayos!

"JHAIMELYSSA, ASAN NA YUNG REPORT NA PINAPAGAWA KO!"

nakakapang init ng dugo, umagang umaga puro katangahan agad ibubungad sakin.

"SIR-RR di ko po kase natapo-"

"Fuckkkk- ano? Di mo natapos? Ano bang sabi ko kahapon? Diba sabi ko na kailangan na yan ngayon! Sabi mo tatapusin mo! Tas ngayon idadahilan mo sakin na hindi mo natapos! PUTANGINA"

Nanginginig na sa inis ang kamay ko, kahit ano mang pilit na pagpipigil ang gawin ko ay di ko parin magawa.

Kusa na lang tumayo ang mga paa ko at lumapit sa kinaroroonan ng aking sekretarya.

Shittt!! di ko talaga mapigilan ang sarili ko. Nagtatalo ang aking isip at katawan. Ayaw man ng utak ko ngunit parang may sariling utak ang katawan ko na lumapit sa kanya!

"Sir- pasensya na po"

"Pasensya, tch. Alam mo ba na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang mangangako ngunit di rin naman tutupadin."

"SIRR-RR SOR-RRY"

Di ko talaga alam ang nararamdaman ko, nangangati ang mga palad ko na sakalin siya.

"Sir-r nakalimutan ko lang po kase"

"SHUT UPPPPPP!! Ayaw ko na marinig ang boses mo"

"Sir sir plss nasasakal na po ako"

Nakasakal na pala ang kamay ko sa kanya. Halos mataas na ang pagitan ng mga paa niya sa simentong tinatapakan niya kanina.

Ayaw man ng utak ko na saktan siya ngunit naibalibag ko na siya kung nasaan ang aking mesa.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Sir tama na po"

Tumama ang likod niya sa kanto ng lamesa kaya namamalipit siya sa sakit habang nagmamakaawa sa akin.

"Ayaw ko sa sinungaling" madiin na sabi ko.

Pinatayo ko siyang muli habang hila hila ko ang kanyang buhok.

"Tayo, TUMAYO KA JAN O LULUMPUHIN KITA"

Nang makatayo na siya ay hinawakan ko siyang muli sa leeg. 

Nagmamakaawa ang mga mata niya pero wala akong maramdang awa. Nandidilim ang paningin ko. Gusto kong magwala, gusto kong manakit!

"Sir di po ako makahinga"

"Sir pakiusap, di napo mauulit"

"Si-"

"Sinabi nang ayaw ko marinig ang nakakarindi mong boses..."

Mr.PsychopathWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu