"First, pumasok siya sa bahay ko at ginulo ang interior nito.. Second, ang ingay-ingay niya, Third, matapang na empleyado.. I remember na clumsy din ito, nahulog yung reports na hawak niya sa sahig.. Doon ko nalamang isa siya sa magiging staff ko. Ang liit ng mundo diba? Well, Sa halip na tulungan ko siyang pulutin iyon, hindi ko ginawa.." natawa ako sa sinasabi nito ng maalala ko iyon at nag flip ako ng hair para mapakalma ang sarili ko.
Nagulat ito sa pagtawa ko at seryoso paring nakatingin sa akin.









"Natawa kasi ako sa kinuwkwento mo. Sige tuloy mo pa.."











"I remember, she lied to me na magpapadala siya ng pera sa magulang niya pero nalaman kong nakipagdate lang pala ito sa dati niyang boss, anak ng may-ari ng kumpanya.." nagulat ako. Teka, date? With Oliver? Sinamahan niya lang ako para ma-interview si Miss Anne nun eh! Date ka diyan! Hmp..







"We lied sa harap ng mga magulang nito at hanggang ngayon ay hindi parin sinasabi ang totoo about sa situation ng bahay..See? Pati ako ay dinamay sa pagsisinungaling.." okay. Guilty ako..











"Enough. Ang bigat na pala talaga ng kasalanan ng babae na yan. Ayokong mapunta sa posisyon ng babaeng yan. Baka ma -haggard lang ako.." sabi ko dito.











"Wag mo ng asamin to be in that girls place. Matigas ang ulo nun." sabi nito at ngayon ay inirapan ko si Ken..









"Maganda naman." sagot ko dito ng hindi parin tumitingin sa kanya..














"Gusto kong magtiwala. Gusto kong ibigay ng buo yung tiwala ko. Pero sa tuwing susubukin kong magtiwala muli, may maling sitwasyon na nangyayari. Hindi parin mabuo-buo yung tiwala ko.. Kasi everytime when she choses her friends, kung ano yung nakikita niyang mali, she always kept by herself. Hindi niya iniisip na posible akong masaktan.." napatingin ako sa mga mata nito at nakakakita ako ng lungkot.. May trust issues siya. Malinaw na malinaw. At kahit sa akin ay hindi niya kayang mabigay ang buo niyang tiwala. Para namang nababasag ng maliliit na piraso tong puso ko. He didn't trust me.











"Ang bigat ng comparison. Hindi ako pwedeng pumili. Mahalaga sila. Mahalaga ka rin" pag-amin ko dito.









"Her friend violated the most important rule of the company and hide it to the boss. Hmm.. Instead of advising them and tell everything, she chose to hide it... Rita, kung ikaw ba ang nasa posisyon ko? Pagkakatiwalaan mo pa yung mga tao na iyon? Yung tao na iyon?"
tumango ako.










"Oo naman. Magtitiwala ako sa tao na iyon. Kung alam ko naman sa sarili ko na kilala ko ito."










"Well, hindi ako katulad mo, katulad niyo na mabilis magtiwala sa isang tao.." seryosong sabi nito. Kinuha ko ang mga kamay ni Ken at hinawakan ito. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandidito lang ako. Alam ko, nararamdaman kong may mabigat itong problema na dala-dala, kung ano man iyon, tutulungan ko siya na malagpasan iyon..






















"Bakit lumipat ka ng sofa?" tanong ni Ken sa akin ng mapansin nitong naglakad ako palapit sa kabilang sofa..











"Hindi naman sa ayaw kitang katabi at guilty ako ngayon dahil sa nagawa namin sayo, may mga gusto lang akong itanong sayo at mas okay tong position parang Tonight with Boy Abunda lang.." natatawang sabi ko dito.









My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now