Computer Shop Part 2

13K 203 248
                                    

Sorry poe sa mga nabitin sa 1st story ko ... 

Medyo Busy Po Kasi Ako This Days ..

Eto na nga ..

2:00 in the morning ...

Ako nalang ulit sa loob ng Computer Shop , Magsasara na kasi ako ...

Hindi na bumaba ung amo ko kasi pagod , kaya iniwan niya nalang sakin ung susi ...

Lalabas na sana ako kaya pinatay ko na ung ilaw ...

Nung isasara ko na ung pinto narinig ko may nalaglag sa may bandang Server .. 

Bumalik tuloy ako , nakita ko nalaglag ung Keyboard .. 

Inangat ko ito at lumabas na nga ako  ..

Maya maya narinig ko may tumawag sa pangalan ko ...

"Ivhie!"    Boses lalaki kaya akala ko ung amo ko yun ..

Nagantay ako sa baba kasi akala ko bababa siya ..

Matagal tagal na rin akong nagaantay , wala pa ring bumababa ...

Umakyat ako sa bahay ng amo ko .. 2nd floor kasi ung Computer Shop at 3rd Floor ung bahy ng amo ko .. 

Pagakyat ko kumatok ako at pinagbuksan ako ng anak niya ..

Tinanong ko kung bat ako tinawag ng papa niya ,..

"Anong tinawag?! Tulog Na kaya si papa"  Sagot niya ..

Hindi ko nalang pinansin yun dahil antok na ako at gusto ko na ring umuwi ...

Naging Madalang na ang mga naglalaro dahil sa nagkalat na mga Piso net , kaya madalas ako lang magisa sa loob =((

Marami akong naranasang pagpaparamdam sa Haunted Computer Shop na yun ...

Minsan Nga andyang kusang gumagalaw ung Mouse , o kaya naman namamatay bigla ung computer un pala natangal sa saksakan .... Pag nga nagpapatugtog ako gamit ung Speaker mabagal magload ung kanta ...

Pero ang di ko talaga kinaya ay yung hindi na sila nakuntento sa pagpaparamdam lang ... 

NANANAKIT NA SILA ! 

5:00 ng hapon nun .. Nagmemeryenda ako at walang naglalaro ...

Nagbabasa ako ng message sa Facebook ko ng biglang may bumato sakin ng upuan na hindi ko alam kung saan nanggaling ....

Syempre natakot ako kasi ako lang ang tao dun at imposible namang hinagis nung upuan ung sarili niya~ 

Sa takot ko tumayo ako at lumabas .. Umakyat ako sa bahay ng amo ko , kunwari kukuha lang ako ng tubig .. 

Pagbaba ko nakita ko nandun sa Cumputer shop ung anak ng amo ko .. Kagagaling lang ng School at sa Computer Shop ang diretso ..

Salamat naman may kasama na ako~ .. =)

Nagkaroon na rin ng mga manlalaro kaya nawala na rin ung takot ko .. 

Ilang araw din ang lumipas na hindi na sila nagparamdam, kaya panatag na ako .. 

Kala ko kasi tapos na .. Un pala nagsisimula pa lang ang mga lagim nila ~ 

Nasa bahay ako ng amo ko para kumain ng hapunan.. Ako lang magisa , kaya binuksan ko ung TV .. 

Habang kumakain ako biglang namatay ung ilaw , pero nakabukas ung TV kaya may nakikita naman ako .. 

Hinanap ko ung Switch , nakita ko nandun sa may gilid ng pinto .. Pinindot ko , bumukas ung ilaw ..

kaso pag bukas nung ilaw ung TV Naman ang namatay .... Grabe na kaba ko , kaso di ko alam gagawin ko nanlalamig ung mga paa ko at di ako magahakbang ... Ung parang may nakahawak sa paa ko ..

Pumikit ako , habang umiiyak nagtaaasan na kasi ung mga balahibo ko .. Di ko alam gagawin ko , ilang saglit lang bumukas ung pinto , dumating na ung panganay na anak ng amo ko ..

Pagpasok niya niyugyog niya ung balikat ko .. 

"Hoy Ivhie anung nangyayari sayo??"   Sigaw niya ...

Wala na akong naalala simula nun .. 

Nagising ako nasa bahay na ako .. Hinimatay daw kasi ako , at mataas daw ang lagnat ko ...

Ilang araw din akong di pinapasok ni mama sa trabaho , magpahinga lang daw ako ... 

Kwinento ko sa kanya ung nangyari pero di siya naniwala , sabi niya mataas lang daw ang lagnat ko kaya kung ano ano lang daw ang pumapasok sa isip ko .. 

Hindi na lang ako sumagot .... 

Dalawang linggo din akong hindi nakabalik sa trabaho .. 

Nung nakabalik na ako , Medyo nawala nawala na din sa isip ko ung mga nangyari .. 

Puno na ulit palagi ung Computer Shop kaya di na ako naiiiwang magisa .. 

Pangatlong araw ko nang makabalik ako sa trabaho , 1:00 ng madaling araw wala nang naglalaro kaya balak ko na sanang magsara .. 

Nang biglang marinig ko na bumukas ung pinto .. 

May lumapit saking lalaki , maglalaro ata ! 

Tinanong ko siya kung ilang oras..

Tinaas niya ung hintuturo niya kaya akala ko 1 Hour lang .. 

Hindi siya tumutingin sakin , nakayuko lang ang ulo niya .. 

Akala ko nga nung una lasing siya~ 

Naupo siya sa Unang computer sa tabi ko .. 

Ilalagay ko na sana ung oras niya , ng paglingon ko nawala siya !!

Tumayo ako tinignan ko kung nasa banyo , wala din siya dun ... 

Kinilabutan ako kaya nagmamadali akong bumalik sa server .. Di ko na nilogout ung Computer hinugot ko nalang sa saksakan .. 

Walang ibang pumasok sa isip ko kung di ang makalabas lang ako dun ng mabilis ..

gRAbe Sumobra na sila .. Di ko alam kung anong nagawa ko sa kanila at ginaganun nila ako ... 

Ayoko na ! Baka sa susunod mapatay na nila ako .. Nagawa na nga nila akong saktan ee .. 

Hindi na ulit ako Bumalik sa Haunted Computer Shop na un .. 

Akala ko nga ung Computer Shop lang ang pinamamahayan , Buong Bahay pala na yun Meron .. 

Kaya pala walang naglalakas loob na pumasok na kasambahay o bantay ng computer shop ay dahil nga sa may namamahay dun .. 

tOTOO Pala ung mga sinasabi ng mga anak niya !! 

Ngaun eto ako nagtatyaga sa piso net . .

Nakaka trauma naman kasi sa Computer Shop eh .. 

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ito na po ang ending ng story ko .. 

Hope you all liked it .. 

THANKS FOR READING =)) 

Computer Shop Part 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon