Chapter 5 - Meet Up 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hey! Stop looking at me like that!" sabi nya sabay hawak sa baywang.

"H-Huh? Ah." ito lang ang nasabi ko at mabilis na iniling ang ulo. Kanina ko pa pala sya tinititigan. Hindi kasi ako makapaniwala. Nakakasuka kasi ang mga pagmumukha ng mga bakla sa amin. Pawang mga kargador na naglagay ng mga eche bureche sa mukha. Naatim pa nilang magsuot ng sleeveless kahit pa nakalabas ang mga muscles nila at ang mga kili-kili nilang ang iitim o 'di kaya'y may mahahabang bubuhok! Eew na eew!

"Eew! Para kang mongoloid dyan! Well, I'm here kasi magpapahinga ako, kaya umalis ka na" sabi nya na tinaasan pa ako ng kilay. Maldita!

"Ano?!"

"Mongoloid na, bingi pa!"

"Anong mongoloid at bingi?!" angal ko. Akala nya siguro hindi ko sya lalabanan. Palaban yata 'to!

"Tss. Bobo rin pala. Ineng, ang dapat na tanong ay sino, 'Sinong mongoloid at bingi'. Pero syempre sasagutin ko na, at ikaw 'yun. Haaay! Pagod ako kaya umalis ka na." sabi nya at lumapit na talaga sa akin. Agad naman akong tumayo, pero hindi para sundin ang sinabi nya.

"Aba! Taray mong baklang ka ha?! Ako nauna rito no!" harap-harapan kong sabi sa kanya.

Medyo matangkad pala sya sa akin. At dahil medyo napalapit ako sa kanya ay napalapit rin ang mukha ko sa kanya. Napakakinis ng mukha nya. Alagang alaga siguro. Ang gaganda rin ng mga mata nya, kaso may mascara at eyeliner. Ang pupula rin ng mga pisngi nya at ewan ko kung blush on ba 'yun o natural talaga. Matangos ang ilong nya. Amoy na amoy ko rin ang... pambabae nyang pabango. Mas babae pa talaga sya sa akin. Wala kasi akong eche bureche sa mukha at katawan. Ganun ako kasimple.

"Baka gusto mong itanong kung kailan ako nagsimulang tumambay dito?" tanong nya sabay taas na naman ng kilay nya. Dahil sa pagsasalita nya ay naamoy ko ang mabango nyang hininga. Nahiya tuloy akong magsalita.

~~So honey now... Take me into your loving arms... Kiss me under the light of a thousand starts... Place your head~~

Mabuti na lang nagring ang cellphone ko. May tumatawag kasi. Na-save ako sa pagsasalita.

"Hello?" sagot ko agad matapos ko itong kuhanin mula sa bag ko na nakalapag sa may ugat ng puno.

"Ling! Asan ka na ba? Kanina pa kita tinitext." sabi ni Zinc mula sa kabilang linya.

"Wow lang ha?! Ako kaya 'tong kanina pa text ng text sayo! Ni isang reply wala nga akong natanggap mula sayo!"

"Alam ko! Pero nagreply na ako no!"

"Wala hoy!"

"Nagreply nga ako! Kung 'di pa ako tumawag ay aakalain kong lowbat ka."

"Ay! Nakavibrate nga lang pala ang setting ng message ko. Hehe, sorry ha? Pwedeng mag sorry?!"

"Tsk! Kita mo 'to. Oh, andito ako sa building nyo. Di ba dito rin ang unang klase mo sa hapon? Halika na. Dito na lang tayo tambay."

"Ay! Sige, sige! Punta na ako dyan. Bye!"

"Bye"

Pagkababa ko sa linya ay kinuha ko agad ang bag ko. At pagharap ko...

"Ah. Sige. Alis na ako. Sayo na 'tong lugar na 'to!" sabi ko bago patakbong umalis.

Edi sa kanya na! Lamunin sana sya ng lupa dun!

Pagkarating ko ay nakita ko naman sya agad na nakaupo sa may lobby.

"Hoy!" sabi ko sabay batok ulit.

"Aray! Kahit kailan ka talaga!" sabi nya sabay himas sa batok nya.

"Anong kahit kailan ka talaga? Ikaw nga dyan eh! Kanina pa ako naghahanap sayo!"

"Kahit kailan sinasaktan mo pa rin ako."

"Wooshoo! OA nito. Ang hina nga lang nun. Gusto ma-try ang mas malakas pa dun?"

"Hindi naman 'yun."

"Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko hindi na! Tara dun!" sabi nya sabay hila sa akin papunta sa kabilang lobby na wala masyadong nadaan.

- - - - - - - - - - - - - - -

"Anong nangyari dyan sa buhok mo?" tanong nya. Nakaupo na kasi kami sa kabilang lobby.

"Edi pinagupitan! Eng-eng nito!" sagot ko naman.

"Tuleg! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. I mean, bakit pati buhok pinagdiskitahan mo?"

"Syempre" malumanay na sagot ko. "Kasama sa bagong buhay"

"OA mo naman. Parang grabe naman ang nangyari sa buhay mo."

"Nakaraang buhay" pagko-correct ko.

"Okay. Nakaraang buhay." napipilitang sabi nya

"Tss"

"Anong nangyari sa kanila?"

"Ewan ko. Umalis na agad ako eh."

"Sira ka pala eh!" sabi nya sabay suntok sa braso ko pero mahina lang. Magkatabi kasi kaming nakaupo.

"Aray! Bakit naman?"

"Nagdesisyon ka kaagad. Pinangunahan mo agad. Hindi mo man lang hinintay ang mga mangyayari. Malay mo ikaw--"

"Imposible yan." pagpuputol ko sa sasabihin nya. "Klaro na sa akin ang mga mangyayari. Kaya bakit ko pa hihintayin? Para masaktan lang?" sabi ko na medyo naluluha.

"Hindi ka pa ba nasaktan sa lagay na yan?"

"Nasaktan no! Nung naisip ko pa nga lang ang desisyon ko... ang sakit sakit na." lunok lang ako ng lunok habang pinpigilan ang pagluha ko.

"Tama nga ba 'yung desisyon mo?"

"O-Oo naman. Alam ko naman ang mangyayari."

"Sus. Pinangunahan mo naman eh. At ikaw na rin ang nagsabi kanina na hindi mo alam ang nangyari. Bakit hindi mo kaya itanong?--Aray!" daing nya matapos ko syang batukan.

"May sira ka ba sa utak?! Bakit ko naman gagawin 'yun?!"

"Joke lang. Ako kasi ang magtatanong."

"Bahala ka."

"Babalitaan kita."

"Kahit wag na noh!!"

"Weh? If I know--Aray! Bakit na naman?" binatukan ko kasi sya ulit.

"Hindi nakakatuwa ang mga jokes mo!"

"Hindi naman 'yun joke eh--Aray! Ikatatlo na 'yun ha!"

"Wag mo kasi akong inisin!"

"Okay hindi na. Pero wag kang mag-alala. Suportado ako sa mga naging at magiging desisyon mo. Hindi ka rin manghihinayang sa pagbabagong buhay mo sa school na ito. Makakalimutan mo rin 'yun. Hindi kita iiwan dito. Tsaka maraming gwapo dito. Pero syempre, ako ang pinakagwapo sa lahat!"

Eh? Sabay ganun?

"Nagkalokohan na! Alis na nga ako!"

"Hahaha! Totoo naman ah!"

"Ewan ko sayo! Wag mu nga akong sundan!" paakyat na kasi ako papuntang room ko na nasa third floor pa.

"Uy feeler much ah?! Sa second floor ang klase ko!"

"Whatever!" pahiya naman ako.

"Hahaha!"

Aish! Ginulo naman nya ang pag-iisip ko. Hindi ko naman kasi maiwasang isipin kung ano nga ang nangyari pakatapos ng nagdesisyon. Tama nga kayang desisyon ko. Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? Haaays.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon