Parang bata itong nagpa ikot ikot ng kanyang upuan. Nahilo na si Jema sa kanya kaya sya na ang pumigil sa hita ni Deanna.

"Stop it Deans. Masama na ang tingin ng bartender sayo oh. Baka paalisin na tayo." she said.

"KJ mo talaga haha." Deanna replied.

"Back to the topic, wala pang kasiguraduhan ang merger. Ang sabi lang nila ay mag uusap. Let's just wait kung ano ang maging pasya. I can't wait to watch live games again. Makita ang mga palo nila Valdez at Galang." sabi ni Jema.

"Yup, me too. I miss the players, the atmosphere and the crowds. Yung kantyawan na harmless naman. Sarap manood pag kasama mo ang mga friends mo tas isang team lang sinu support ninyo." Deanna said.

"After the game, sisiksik at maghihintay pa sa exit just to get a glimpse of our idols. Magpa picture sa kanila haha. At yung food na din, isama mo na pala." nagre reminisce na sagot ni Jema.

"Indeed. Food is life." Deanna said.

"Hopefully, when you watch again, I'm with you na." Jema said while looking intently to her.

Ganado na silang nag discuss about their favorite sport when Jema's phone rings. Her phone is on the bar kaya kitang kita ni Deanna kung sino ang caller nya. Tinignan muna ito ni Jema kung sino bago tumingin kay Deanna.

"I have to get this or else hindi sya titigil." sabi nya

"Go ahead." tipid na sagot ni Deanna.

Maingat na bumaba sa stool nya si Jema at lumabas ng bar para sagutin ang tawag ng kanyang girlfriend, si Frankie.

Agad na ininom ni Deanna ang natitirang beer.

======================================================================

JEMA'S RECENT POV

Mabilis ang takbo ng oras ngayong araw. Kanina ay kasisimula ko pa lang magtrabaho pero ngayon ay almost lunch time na. Hindi pala ako nakapag break kaya kumakalam na ang tiyan ko.

Ulcer ang aabutin ko nito kung araw araw na ganito. I looked at my watch, it's quarter to 12. Hindi bale, another 15 minutes then I can have my lunch.

I stood up to print some documents, pumunta ako sa xerox room at nakipila. May dalawang staff ang nasa unahan ko but they want to give way when they saw me. Nahiya naman ako at saka I don't want to jump the queue.

"Ma'am Jema, kayo na po ang mauna." sabi ni Pringles.

"No, I can wait, thanks." sagot ko habang nakangiti sa kanila.

Nasa tabi nya si Lalaine. Mag tropa ang dalawang ito, laging magkasama tuwing nakikita ko. Sabagay they're both from the Finance department kaya siguro ganun.

"Hindi po, kayo na tutal hindi naman rush ang pini print namin." Lalaine insisted.

"Oh well, sige na nga. Thanks." I replied.

Pinilit nila ako kaya okay lang na mauna sa kanila.  Mabilis ko naman itong natapos kaya nakabalik ako agad ng lamesa ko. Tumunog ang intercom pagkaupong pagkaupo ko.

Yes, I work here as a secretary.

"Jema, please come to my office." sabi ni boss.

"Yes boss." sagot ko.

I secured the files I'm holding at pagkatapos ay tumayo na naman para pumasok sa loob ng office nya na ilang hakbang lang.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Nag angat ng ulo si sir na busy sa pagbabasa.

One ShotsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin