Ayetch Pyrex's Point Of View
" Ako! Ako si Aphrodite! Ang magiting na anak ni Zeus. Ang reyna ng kagandahan at pag-ibig~ "
Reyna daw ng pag-ibig XD Students day ngayon at kanya-kanyang trip ang mga estudyante. Sa ngayon may declamation na nagaganap. Bigla namang may lumipad na kamatis~
" Boooo! Bumaba ka na dyan! Hahahaha " guess who? Edi si Demon My Loves ♡ Sakto namang tumama sa mukha ng babae yung kamatis. Ayun! Nagsitawanan sila. Psh. Ang sama! Pero keribells lang ;) Pogi pa din naman si Ma'loves.
" Sa lahat nga pala ng stalker ko dyan! Pupunta ako sa stage. Tatambay lang. "sigaw ni Demon na nasa harap nakaupo. Lumakad na siya at sumunod naman ang kagrupo niya. Maliban kay Vam. Si Vam na walang alam, jk. Si Vam na papalapit na sakin. Sakin. Sa akin. Sa akin talaga!
" Nakita mo ba si Cy? " medyo pabulong niyang tanong.
" Idk. Hindi ko siya nakita eh. Babushh~" sabi ko sabay takbo sa shed. Naupo ako sa grass area, na nakaharap sa stage. Sa stage kung saan nakatambay si Ma'loves ko. Ewan ko nga ba kung bakit ko yan nagustuhan. Oo, gwapo siya masama naman ang ugali. I really don't know why.
Teka?! Si Ysuke at si Teeshiya ba 'yon? Aba aba. Nakachain pa. Oh edi wow! KoreanxxKorean. Mukha pa namang aso't pusa ang dalawang yan dati. (Ysuke and Teeshiya are on Transferee Crush's story)
From Tell Me What You Want To Say Booth:
Message for Miss Ayetch Pyrex ..
Tapos biglang napatingin silang lahat sakin. Lahat ng mga tao na dumadaan at napapadaan sakin ay napapatingin.
Message from Demon De Vil
Waaaa! M-message from him!? Parang lalabas na ang atrium ko sa sobrang kilig. Minention pa naman yun sa stage. Dinig na dinig ng lahat yan. Waaaa <3
Napatayo ako sa sobrang proud na may message ako galing kay Demon De Vil ♡
" Hi! Ako si Ayetch! Hello! Ako si Ayetch. " sigaw ko habang masayang naglalakad sa grass area :"> wala eh. Masaya talaga ako
Hoy Miss ang panget mo sobra pfft. Kahit sinong langgam o engkanto hindi papatol sa'yo! Whoaaa!
Sigaw ni Demon sa microphone. Dinig na dinig ko pa ang hiyawan ng mga kabarkada niya. Ganyan na ba talaga ako ka panget? Na kahit langgam o engkanto hindi papatol sakin? Sa sobrang hiya, nagtago ako sa cr. Iyak ako ng iyak sa sobrang kahihiyan. Pwede naman niyang sabihin sakin yun ng harap-harapan pero hindi :(
" Ayetch? " pamilyar na boses na nagmumula sa labas ng cr. Hinayaan ko yun. Wala akong mukhang ipapakita. Panget na nga ako, nawalan pa ng dignidad sa mundong ito.
"Ayetch oh. Panyo, wag ka ng umiyak. " sabi ni Vam. Lesheng lalaki 'to. Cr girls to eh. Well, medjo sweet huehuehue talandee mo Ayetch. Be loyal to Demon yo'loves. Lumabas ako ng cubicle.
" Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba nakikita? Girls Comfort Room to. Baka masabihan kang bakla. " ngumiti siya at sumandal sa pader.
" Wala akong pakialam. I'm here to comfort you. Kaya nga comfort room diba? " sabi niya while giggling. Ohh Lorddd! Magkakasala na talaga ako neto. Please make him stop.
" Makaka-encounter ka talaga ng mga taong ganyan. They maybe many as you think they are, but you'll gonna face them and let them know that you can. " natouch ako sa sinabi niya. Minsan lang kasi ang mga lalaking ganito. Counted na lang sila kunbaga. TURNON101: Mga lalaking magaling mag-advice (y)
" Bakit niya pa kailangang gawin 'yon? Does he have a heart? " Medjo naiinis na tanong ko kay Vam habang bumibili siya ng Smart C dun sa caf. He laughed and faced me.
" You'll gonna understand it when you two talk ;) " medjo naguluhan ako sa sinabi niya. Is there any possibilties na magkakausap kaming dalawa?
YOU ARE READING
Diary Ng Tanga
RomanceMakakamit nga kaya ni Ayetch Pyrex (Pronunce as: Aish Pierex) ang pagmamahal na inaasam-asam niya mula kay Demon De Vil? Paano kaya siya matutulungan ng kaibigan niyang si Cy Clops? At ano naman kaya ang maitutulong niya kay Vam Pire? #DiaryNgTanga
