Red String of Fate [4]

Magsimula sa umpisa
                                        

"Lul! Pero sige.. salamat Xen.Kung gusto niya talaga ako makita.. may naisip ako.. Haha!."

Gustong lapitan at kausapin ni Reen ang lalaki ngunit nahihiya siya kaya wala na siyang nagawa kundi tingnan na lamang ang lalaki at makinig sa kanilang mag.usap.

Dumating ang awasan at iniisip pa rin ni Reen kung kakausapin pa ba ang lalaki. Maya maya ay tumunog ang kanyang cellphone.

//Weylan:

 gusto mo ba talaga

 akong makita?//

Natuwa naman si Reen ng mabasa an mensahe ni Weylan ngunit naisip niya rin na para namang iniisip ng lalaki na siya lang ang gustong makakita sa kanya. Pero dahil gusto naman niya talagang makita ito ay sinabi na rin niyang oo. Pero sa muling text ng lalaki ay nagulat si Reen.

//Weylan:

 O sige. Kung gusto

 mo talaga.. hanapin

 mo ko :P//

//Huh? Hehehe.

 anong hanapin?

 pano kita hahanapin?//

Seyoso ba siya.. ?

//Weylan:

 ayaw mo para may

 thrill pagkikita natin?

 haha! Bibigyan kitang clue.//

Whoa..teka..teka..

Ngunit bago pa man makapagreply si Reen sa lalaki ay nakatanggap na ulit siya ng mensahe dito.

//Weylan:

 mula dito..

 nakikita ko ang

 malaking puno sa gitna

 ng yellow park.//

Ano?? Yellow park.? Wait.. malay ko nga kung saan yung yellow park na yun e. Ah! alam naman niyang bago lang ako dito.

(-_-')

Di nagtagal ay nagsimula na rin naman maghanap si Reen. Nagtanong tanong siya ngunit dahil sa 'sense of direction' niya na wala naman talaga ay halos maligaw ligaw pa siya. Halos isang oras ang lumipas  bago siya makadating sa parke ngunit di pa rin niya alam kung nasaan ang lalaki. Madaming establishimentong nakapalibot sa parkeng yon kung saan pwedeng makita ang malaking puno.

Maya maya tumunog na ulit ang cellphone niya.

//Weylan:

 Kita na kita. :P

 Next clue.. Mula dito

 nakikita ko ang

 buwan.//

Buwan?? Maliwanag pa ah. Wala pang buwan. Anong sinasabi niya.

Tinext niya si Weylan ngunit hindi ito nagrereply sa kanya.

Shit anu bang buwan! Ah naiinis na ako. Para namang ayaw niya talaga makipagkita sakin.

//Weylan:

 suko na?//

Ah.. nakakainis talaga! Gusto ko talaga siyang makita pero..!!

//another clue?//

Nakatayo lamang si Reen sa gitna ng parke habang hinihintay ang reply ni Weylan. Gusto niya talaga makita ang binata kaya nagtitiyaga siya sa kalokohan nito.

Kung hindi ko lang siya mahal at di ko siya gustong makita di ko na ginawa nung una pa lang e.. Hayy.. bakit nga ba kasi nahulog pa ako sayo??

//"Message! Mesage!"//

//Weylan:

 Last clue..

 meron nakataling

 pulang tali sa

 hinliliit ko.//

"EH??"

Pagkabasa niyon ay agad naalala ni Reen ang pulang tali sa daliri niya na nalimutan na niya mula nung umalis ng eskwelahan. Naalala niya rin ang lalaking nakita sa school. Noon ay alam niya na kung paano makikita ang lalaking gustong gusto niyang makita.

Sinundan ng kanyang paningin ang mahabang tali hanggang marating nito ang isang stand na tindahan ng siomai at siopao. Unti unti siyang lumapit dito at mula sa harapan ng tindahan na yon ay makakakita siya sa kanan ng isang dress shop na may pangalang Fashion Night at may crescent moon na logo.

Lumakad pa siya ng kaunti para makapunta sa likod ng tindahan kung saan patuloy pa din ang taling kulay pula. Doon ay nakita niya ang lalaking nakangiti sa kanya.

"Kumusta Reen. Nice to meet you."

"Hello Weylan.Napagod ako pero.. Nice to meet you too."

Napansin na lang nilang wala na ang pulang at mahiwang tali nung sila ay nagkamayan.

Finish.

Red String of Fate[One Shot Collections]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon