// hehe.de jinojowk
lang kita.. uhmm..
Wey.. siguro pwede
na tayong magkita?//
Shit. Naeexcite ako.. kyaa!
//"Message! Message!"//
//Weylan:
Ah..Sorry..ayoko.//
EH? Ayaw niya???
//Bakit naman.. ayaw mo??
pwedeng pwede na tayo
magkita di ba? Iisa na yung
lugar natin.//
Hindi alam ni Reen kung bakit ayaw makipagkita ni Weylan sa kanya. Hindi na niya nalaman ang dahilan dahil hindi na nagreply pa ang lalaki. Dismaya at lungkot ang naramdaman niya bago siya makatulog. Tila nalimutan na rin niya ang mahiwagang tali sa daliri.
**
"La bye po. Papasok na ako."
"Nako ingat apo. Ay teka..alam mo na baga ang papunta sa eskwela mo? Baka ikaw ay maligaw na naman."
"Ah.. hehehe.. Siguro naman po pwede akong magsakay na lang kung sakali.." Natatawa tawang sagot niya sa matanda. Sa totoo lang ay pinangangamba din yun ni Reen.
"Ay jusko. Magsasakay ka pa sayang ang pamasahe. Kalapit lapit ng school mo dito."
"E lola kasi.."
"Ay jang ka laang.. hintayin mo ko."
Habang hinihintay nga ni Reen ang kanyang lola ay hinihila niya ang mahiwagang tali. Ilang beses na niya yung ginawa mula ng magising siya kanina ngunit ang resulta ay napapagod lang siya. Maya maya pa ay bumalik na ang matanda na may hawak hawak na papel. Iginuhit nito ang daan papunta sa ekwelahan ni Reen at ipinaliwanag pa niya bago ito ibigay.
"Wahh.. Tenkyu lola! Lovelots!!"
Agad na lumabas na ng bahay si Reen at sinundan ang drawing ng kanyang lola. Habang naglalakad naman ay hindi niya maiwasang isipin si Weylan at kung bakit ba ito tumangging makipagkita sa kanya.
Nakarating siya ng school sa tulong ng kanyang lola. Papasok na siya ng gate ng mapansin niya ulit ang mahiwagang tali na nakita niyang nanggagaling sa bago niyang school.
Whoa..ano ba talaga to??
Tuluyan na siyang nacurious sa pulang tali kaya naisip niya na sundan ito at alamin ang pinanggagalingan nito. Nakarating siya sa second floor ng building kung nasaan din ang kanyang klase.
Dalwang room mula sa kinatatayuan niya kung saan doon din ang silid ng kanyang section ay nakita niya ang paglabas ng isang lalaking may bitbit na mga papel. Nagulat siya ng makita ang hinliliit ng lalaki na may nakatali ding pulang tali. Lalapitan niya sana ang lalaki ngunit bigla naman tumunog ang bell na senyales na mag.uumpisa na ang klase.
Hindi nahirapan makisama si Reen sa mga bagong kamag aral dahil palakaibigan naman siya kahit medyo may pagkamahiyain. Nung nagtanghalian ay sinubukan niyang pumunta sa room ng lalaking nakita kanina dahil sobra talagang nahihiwagaan siya.
Sinilip niya ang room at nakita ang lalaki, nakatalikod ito at may kausap na isa pang lalaki.
"Haha. Bat ka naman mahihiya?? Dude.. dapat di mo tinanggihan. Siguro nalungkot yun."
"Sa tingin mo talaga?? tsk. Palibhasa kasi sanay ka na sa mga chicks e."
"Hindi ah.. tsaka isa na lang ngayon ang babae sa buhay ko, si Aris. Dalwa kung isasama si mama. Haha.Pero lam mo sa tingin ko gusto ka talaga makita nun."
أنت تقرأ
Red String of Fate[One Shot Collections]
عاطفيةA collection of One Shot stories about love and Fateful encounters of different people who are connected to each other.
Red String of Fate [4]
ابدأ من البداية
![Red String of Fate[One Shot Collections]](https://img.wattpad.com/cover/3508493-64-k306443.jpg)