Binuksan niya ang pinto ng bahay at nakita niyang papalabas pa ito ng gate. Hindi na niya sinubukan pang lumabas imbis ay tinawag niya ang lola.
"Lola! Lola!"
Shit.. ano tong taling to? bat ayaw matanggal??
Alalang alala naman ang lola niyang kakalabas lamang ng banyo.
"Apo anong nangyari sa iyo?"
"Lola! Ano po tong tali .. ayaw pong matanggal bakit ganon? Wala naman po ito kanina e bigla bigla na lang nakita ko nakatali na dito."
"Ha? Anong sinasabi mo apo?? Ikaw bay may lagnat at nadidiliryo ka?"
"Lola naman... ito nga po.." natakot naman si Reen dahil nakukuha na ng isip niya na baka hindi ito nakikita ng matanda.
"Alin apo..?? Alin?? Anong meron sa daliri mo..??"
(>.O)
"Wa..wala po lola.."
Bumalik siya sa kwarto na medyo natatakot.. Sa palagay niya talaga ay hindi ito nakikita ng kanyang lola. Nawala naman ang isip niya sa katext at muli lang naalala noong tumunog ulit ang kanyang cellphone.
Ay shit. Si Wey!
// Weylan:
ui..di ka na nagreps.
busy ka ba?//
//ah hindi sorry..kasi..
may sasabihin ako kaso
baka pagtawanan mo lang e.//
//Weylan:
depende. Haha!
Ano ba yun?"//
Nag isip pa muna ulit si Reen kung sasabihin ba niya kay Weylan ang tungkol sa pulang taling biglabigla na lamang sumulpot sa kamay niya na ayaw matanggal at hindi nakikita ng kanyang lola. At sa huli ay ikinuwento pa din niya ito sa binata.
//Weylan:
Whoa.. astig!
hahaha.//
//Ihh! Di ka naniniwala noh?//
//Weylan:
hmm.. naniniwala :)//
//Weh. Tinatawanan mo
nga ako e.//
//Weylan:
hehe. Yang tali ba parang
may pinangagalingan?//
Nagulat naman si Reen sa tanong ng katext dahil tama naman ito.
//Oo..pano mo nalaman?//
//Weylan:
hahaha. Nanghuhula lang
ako!//
Akala talaga ni Reen na naniniwala nga si Weylan at nakakita na din siya nito. Pero napawi agad iyon.
//Hmmp. Sige
lokohin mo pa
ko. galit na ko.//
//Weylan:
Ui.. sorry.. di
naman kita niloloko.
naniniwala talaga
ako. (^,^)//
Tumingin siya sa orasan at mag aalas dose na pala. kailangan na niyang matulog dahil may pasok pa kinabukasan ngunit bago yon ay sinabi na muna niya kay Weylan ang talagang punto niyang sabihin.
YOU ARE READING
Red String of Fate[One Shot Collections]
RomanceA collection of One Shot stories about love and Fateful encounters of different people who are connected to each other.
Red String of Fate [4]
Start from the beginning
![Red String of Fate[One Shot Collections]](https://img.wattpad.com/cover/3508493-64-k306443.jpg)