Red String of Fate [3]

Magsimula sa umpisa
                                        

Lumipas na ang limang minuto ngunit hindi pa rin bumabalik si Luke. Pinuntahan na niya ito ngunit mas lalo lamang siyang nayamot dahil nakita niyang kung makadikit ang babae sa kanyang kasintahan ay sobrang dikit talaga. Medyo nainis din naman siya kay Luke dahil hindi man lang nito sinasabihan o tinataboy ang katrabaho at parang hindi man lang nito naiisip ang oras at naghihintay siya. Minabuti na lamang niya na bumalik kung saan nanggaling.

Tatlong minuto pa ang lumipas saka nagbalik si Luke.

"Mika! Sorry, thanks for waiting."

Hindi pinansin ni Mikaela si Luke at naglakad lamang ito.

"Ahh.. Mika, galit ka ba?"

Hindi niya pa rin iniimikan ang kasintahan.

"Mika! Are you mad. Im sorry, trabaho kasi yun at tsaka I thought ok lang sayo."

"Trabaho?! Talaga lang ha Luke!?" Hindi na napigilan pa ni Mikaela ang inis na nararamdaman

"Wha.. Mika. Bat ka nagagalit?"

"Bakit?! Bakit di mo itanong sa sarili mo!? Wag mung sabihing hindi mo ramdam Luke! Kung makadikit yung babae sayo OA na! At ikaw naman hindi mo man lang nilalayuan!! Alam mo bang ang sakit sa mata!!!"

"Ano? Hindi ko naman.."

"Hindi mo naman ano!? Ano!? Sabihin mo!?"

"Bakit ka ba nagagalit ng ganan! Ano naman kung sobrang dikit niya nga?! ikakasal na tayo! Ano pa bang ikinagagalit mo!"

"SEE! You know kung gaano siya makadikit sayo but you just let her! Ayun na nga pati Luke e. We're getting married! Dont just let other woman get close to you!"

"Damn!! Ano ba Mikaela! Katrabaho ko nga lang yun! At tsaka bat ikaw! Hindi mo lang alam pero ilang beses kitang dinalaw sa company nio at ilang beses din kitang nakita with the same guy everytime!"

"..."

"SEE!? Aren't you guilty as well then??!"

"EWAN KO SAYO!!!"

Alas tres ng hapon nakauwi sa bahay si Luke. Hindi maikakaila na medyo nainis siya sa kasintahan. Nagbihis siya ng pang bahay at umupo sa sofa at nanood na lamang ulit ng anime. Wala pa ang kanyang kapatid dahil napasok pa ito.

kalahating oras pa lamang ang nakakalipas ng kunin ni Luke ang cellphone na iniwan sa kanyang kwarto. Wala man lang text messages si Mikaela. Sa totoo lang ay parang nawala na ang inis niya sa dalaga. Hindi niya talaga ito matiis kaya naman siya na ang tumawag dito at kahit nasa isip pa rin niyang wala talaga siyang kasalanan ay hihingi pa rin siya ng tawad dito. Inintindi na lamang ni Luke na selosa lang talaga ang kasintahan.

"Mika, sorry na. Can we meet?"

"...ok."

Saktong alas kwatro ay dumating si Luke sa resto kung saan sila magkikita. Wala pa si Mikaela kaya hindi muna siya umoorder ng pagkain. Maya maya pa ay may kumulbit sa kanya. Akala niya si Mikaela na ito ngunit hindi.

"Mae..?"

"Luke. Ikaw ulit? Haha. It's like destiny .."

"Ah.. ha..ha.." medyo ilag na ngayon si Luke sa katrabaho. Ayaw niyang baka kung ano pa uling isipin ng kasintahan kapag nakita sila.

**

Mabilis ang pagalakad ni Mikaela. Pumayag siyang makipagkita agad kay Luke dahil gusto niya din ditong magsorry. Sa totoo lang ay katulad ni Luke, hindi rin niya matiis ang lalaki.

Dahil sa nakita, hindi na nagawang pumasok pa ng tuluyan ni Mikaela sa resto. Hindi siya makapaniwalang nakahalik sa pisngi ni Luke ang parehong babae na nang abala ng kanilang date. Bago pa siya tumakbo palayo ay nagtama muna ang mata niya at ni Luke.

"MIKA!"

Kahit gano pa kabilis ang takbo ni Mikaela ay nahabol pa din siya ni Luke.

"Mika. Mali ka ng iniisip!!"

"Oh yeah!? It's great Luke! Just great!! She kissed you and you let her! AGAIN!!"

"No Mika!"

"NO?? Ano tingin mo sakin bulag??"

"Hindi nga. Hindi ko alam na gagawin niya yu--"

"Talaga lang ha!? Lagi naman e! katulad ng kanina!! Alam mo Luke ?! Bat kaya di na lang kayo ang magpakasal!?

"Shit.. FINE!! Mas mabuti pa ngang wag na natin ituloy ang kasal! Mika I had enough of this!!"

Nagulat naman si Mikaela sa sinambit ng binata. At dahil doon ay hindi na niya nagawa pang pigilin ang pagtulo ng luha. Kasunod niyon ang muli niyang pagtakbo palayo sa kasintahan. Subalit sa pagkakataong ito, hindi na siya sinundan pa ni Luke.

"Shit."

**

Takbo lang ng takbo si Mikaela habang patuloy pa din sa pag agos ang kanyang mga luha.

*Blagh!*

"Aray..."

Dahil sa hindi nakatuon ang atensyon ni Mika sa dinadaanan ay hindi niya napansin ang kasalubong na babae kaya nagkabangga sila at nabitawan ng babae ang malaking bagahe na bitbit nito.

Agad na tumayo si Mikaela at nagpatuloy sa pagtakbo. Hindi na niya nagawang humingi ng paumanhin sa nabanggang babae dahil iyak na iyak siya at ayaw niyang humarap sa kahit na sino.

**

Mag aalas dyis na at hindi pa din makali si Luke. Sobrang pinagsisisihan niya ang nasabi sa kasintahan. Sobrang naguguluhan ang isip niya at hindi malaman kung ano ang tamang gawin. Maya maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello?"

"Luke hijo.. kasama mo ba si Mika?"

"Hi..hindi po bakit??"

"Jusko hijo. Wala pa siya sa bahay.. wala din siya sa bahay ng mga kaibigan niya at kahit sa opisina.. kung di mo siya kasama nasan ang anak kong iyon.. juskopo."

Hindi na nagdalawang isip pa si Luke at agad siyang lumabas ng bahay. Alam niyang kasalanan niya kung bakit wala pa din si Mikaela sa kanila. Ang kinatatakot pa niya ay baka may nangyari na ditong masama. Pinuntahan niya lahat ng alam niyang pwedeng puntahan ni Mikaela ngunit nabigo pa din siyang matagpuan ang dalaga.

"Shit.. Lord dont do this.. Nagsisisi akong nasabi ko yun sa kanya. Mahal na mahal ko po si Mika.." matapos ihilamos sa mukha ang mga kamay ay nagulat na lamang siya sa pagsulpot ng pulang tali sa hinliliit ng kaliwang kamay. Agad niya namang naalala ang sinabi ni Mikaela..

"Kasi Luke. Meron ditong nakataling kulay pulang tali.At alam mo bang sayo din meron? Ang totoo nan magkadugsong sila. Siguro ito yung nagsasabing para talaga tayo sa isa't isa."

Hindi niya man sigurado ang nangyayari pero sinundan niya ang pulang tali. Nang marating ang dulo nito ay nakita niya nga ang kasintahan na nakaupo at nakatakip ang dalwang kamay sa mukha. Hindi man niya maintindihan kung anuman ang mahiwagang taling iyon ay nagpasalamat na lang rin siya dito.

"Mika.."

"..."

"Mika.. Im sorry.. Hindi ko sinasadyang sabihin yun. Alam mo namang mahal na mahal na kita.. Mikaela Paez.. Im sorry.. Im really really sorry.. For the second time, Mika..

Will you marry me?"

Tumunghay si Mika at agad na hinagkan ang kasintahan. Pagkasambit niya ng salitang nagpasaya at nagpaluwag sa mga damdamin nila ay siya ring pagkawala ng  pulang tali.

Red String of Fate[One Shot Collections]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon