Red String of Fate [3]

Depuis le début
                                        

Hindi na siya nagulat na nasa hinliliit pa rin niya ang pulang tali. Inisip niya na lang na hindi naman to nakakaabala sa kanya kung hindi niya papansinin at marahil ay mawawala na lang din ito kinalaunan.

Pagkarating niya sa lugar ng kanilang tagpuan ay hindi niya inaasahang makikita na niya agad doon si Luke.

"Luke!"

"Mika!"

Hinagkan nila ang isa't isa. Tila sabik na sabik sila sa pagkikitang iyon.

"Mabuti't nagkasabay na tayo ng rest day, Mika. Namiss kita."

"Asus.. Ako din naman e. Pero malapit na naman tayong ikasal di ba? Malapit na tayong magsama."

"Hindi na nga ako makapaghintay e."

Humiwalay na sila pareho sa isa't isa. Laking gulat naman ni Mikaela na nung kunin ni Luke ang kanyang kanang kamay ay nakita niyang may tali ding kulay pula sa hinliliit ng kaliwang kamay nito. Noon niya nadiskubre na ang tali sa daliri niya at  sa daliri ng kasintahan ay magkadugtong.

Pumunta sila sa theme park at inilaan ang ilang oras sa pagsakay sa iba't ibang rides. Enjoy na enjoy ang magkasintahan. Pakiramdam nila ay iyon pa lang ang una nilang beses na nagdate.

Dumating na ang tanghali at minabuti muna nila na kumain dahil pareho na silang nagugutom.

"Oh hinay hinay Luke. Di ka naman talaga gutom ano? Hehe."

"Hindi talaga. Haha."

Natapos na sila sa pagkain at nagpatuloy sa pamamasyal. Muli ay napansin na naman ni Mikaela ang pulang tali sa kamay.

"Luke."

"Nakikita mo ba to?" ipinakita ni Mikaela ang hinliliit niya.

"Oo naman. Anong meron sa hinliliit mo?"

Nakutuban na ni Mikaela na baka nga hindi din nakikita ni Luke ang pulang talin iyon kaya naman hindi na siya nagulat pa sa reaksyon nito.

"Hindi yung hinliliit ko. Hehe."

"Huh? E ano?"

"Kasi Luke. Meron ditong nakataling kulay pulang tali." Itinuro niya ulit ang hinliliit."At alam mo bang sayo din meron? Ang totoo nan magkadugsong sila. Siguro ito yung nagsasabing para talaga tayo sa isa't isa."

*Poink!*

"Aray. Bat ka naman namimitik sa noo?"

"Haha. E kung anu ano kasi ang sinasabi mo. Alam mo Mika ko, kahit pa wala nang kung anu man yan na nag.uugnay sa tin. Basta sinabi kong tayo e tayo talaga ang para sa isa't isa!"

"Haha. Sabi mo e."

"Hm.. ah Luke!"

Napatingin naman si Luke at Mikaela sa boses na tumawag sa pangalan ni Luke. Hindi kilala ni Mikaela ang babae pero sa palagay niya ay katrabaho ito ng kasintahan.

"Mae.. Anong ginagawa mo dito??"

"Luukkee.. buti nakita kita dito.. yung pinapagawa ni boss satin, pinaaga ang deadline.. we really need to discuss this kahit 5 minutes lang."

"Ah.. pero kasi Mae.."

"Oh it's alright Luke. 5 minutes lang naman e I can wait."

"Ah is it really ok.."

"Come on Luke. Let's discuss this over there."

"Mika tara.."

"It's ok. I'll wait here."

"Luke come on!"

Pinagmamasdan lang ni Mikaela ang papalayong si Luke kasama ang babae. Sa totoo lamang ay ayaw niya talagang pumayag pero baka isipin naman ni Luke na masyado siyang clingy. Isa pa, medyo naaasar siya dun sa babae dahil kung makahawak ito kay Luke ay akala mo'y kasintahan siya nito.

Red String of Fate[One Shot Collections]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant