Ilang minuto pa ng pag.iisip at pagtitig sa mahiwagang tali ay nakumbinsi na din si Leo na hindi nga ito nakikita ng kanyang kuya. Umaamin naman kasi agad ang kuya niya sa mga ginagawa nito base sa kanyang alaala. Muli ay napadako ang tingin niya sa may pintuan at tsaka siya lumabas para tingnan kung saan nagmumula o nakakabit ang taling iyon.
Muli na naman siyang nahiwagaan sa tali dahil nakita niya palabas pa ito ng gate nila. Tumakbo siya sa loob ng bahay papunta sa kwarto at kinuha ang kanyang jacket tsaka ulit lumabas ng bahay.
"Kuya! May pupuntahan lang ako saglit!"
Pagkalabas niya ng gate ay tuluyan na siyang nahiwagaan at nacurious sa pulang tali sa hinlilit. Hindi siya nagdalwang isip na landasin at sundan ito.
Sa bawat paghakbang niya ay siya ring pag urong ng tali. Kumbinsing kumbinsi na siya na hindi ito ordinaryong tali lamang.
Ilang oras ng paglalakad at sa wakas nakita niya ang pinanggagalingan ng pulang tali. Papasok ito sa tindahan ng mga bulaklak. Agad agad naman siyang sumugod papasok ngunit bago pa iyon mangyari ay napatigil siiya sa paglabas ng isang babae.
"Sige po tita bukas po ulit!"
"AH!"
Napatingin ang babae sa biglaang pagsigaw ni Leo. Nagtaka siya dahil nakatingin at nakaturo si Leo sa kanyang kamay. Maya maya pa sa hindi malamang dahilan ay bigla din itong nagulat.
"AH!" Gulat na sigaw ng babae. Kasunod iyon ng pagkaripas ng takbo palayo kay Leo.
"AHH SANDALI LANG!!!" hinabol ni Leo ang babae ngunit pagliko niya ay wala na agad ito. Muling nakita niya na humaba ang tali. Gusto niya pa sana itong sundan upang matunton ang babae at makausap tungkol sa tali kaso ay minabuti na lang niyang umuwi.
Tsk! Hayae na nga. Pwede namang bukas na e.
**
Kinabukasan..
"Friend...."
"Oh Fey bakit? May prob?"
"Hindi ko din alam kung problema nga ba siya kasi e--"
"Morning Aris ko."
Hindi naituloy ni Fey ang sinasabi dahil sa biglaang pagsulpot ni Xen sa harap ni Aris.
"Morning." Matamis na bati ni Aris dito.
"Hay nako ayan na pala ang boyfriend! Oi Xen ha! Wag na wag mong subukang lokohin to kundi lagot ka sakin!"
"Hahaha! Mahal ko yan kaya di ko yan lolokohin!"
"Psh.. Ei siya umalis ka na muna! May pinag.uusapan kami e. Mamaya na kayo."
Hindi papayag si Fey na hindi maikwento sa kaibigan ang gustong niyang sabihin kanina. Pinagtabuyan niya talaga si Xen kaya wala na itong nagawa.
"Haha. Grabe ka naman Fey."
"Anla yaan mo muna siya."
"So ano nga ba yun??"
"Ganto nga kasi friend. Di ba hindi na ko nakakasabay umuwi sayo? Natulong kasi ako sa shop ni Tita e."
"Talaga? Kaya pala ih."
"Oo pero bago yun. Papunta kasi sa shop ni tita may nadadaanan akong all-boys school. Nung unang beses kong pagpunta sa shop I saw this very cute guy galing dun sa school na yun. Then simula non, bago ako tuluyang pumunta sa shop ni tita inaabangan ko munang umawas yung cute guy para busugin ang aking paningin."
"Whoa. Konti na lang stalker na tawag sayo. Haha! Oh tapos? Ano prob dun."
"Anla friend kasi ganto nga.. Kahapon nung pauwi na ko galing sa flower shop ni tita. Saktong pagkalabas ko nakita ko si cute guy. Nagtaka nga ako may tinuturo siya pero hindi ko na yun pinansin kasi nung nakita kong siya nga yun e nagulat ako.. tas bigla ko siyang natakbuhan. Para pa man ding may gusto siyang sabihin."
"Nye. bat ka tumakbo? Malay mo magtatapat pala siya sayo na gusto ka niya. Hahaha!"
"Lahay. Tigilan mo ko! Pero ano kaya talaga yung sasabihin niya noon."
**
Hindi mapakali si Leo sa kinauupuan niya. Isang oras pa bago sila umawas at hindi na talaga siya makapaghintay. Gusto na niyang umawas at pumuntang muli sa flower shop kung saan niya nakita ang babae upang tanungin ito tungkol sa mahiwagang tali.
Pagkatunog na pagkatunog ng bell ay dali daling lumabas ng room si Leo. Sa sobrang curiousity na nararamdaman ay nakalimutan niya na na cleaner siya ng araw na yon.
Mabilis siyang naglalakad palabas ng gate. Muli na naman ay napasigaw siya dahil nakita niya ang babae sa kabilang parte ng kalsada.
"Ikaw! AH TEKA LANG!"
Tinakbuhan na naman siya ng babae na nagulat ng husto ng sigawan at ituro pa niya. Hinabol naman niya ito at alam niya pati kung saan ito pupuntahan kung sakali.
Nasa labas na siya ng flower shop at kita niya ang babae mula sa loob dahil glass wall ang style ng shop. Minabuti niyang huwag munang abalahin siya dahil sa nakikita naman niya ay nagtatrabaho ito. Pinapanood niya lang ang babae mula sa labas.
Whoa.. ang cute niya..
Namagnet na lang ang tingin niya sa babae at di niya namalayan na nakalipas na pala ang dalwang oras. Natauhan lang siya ng lumabas na ang babae mula sa pintuan ng shop. Agad naman niya itong nilapitan at hinawakan sa braso upang hindi na to makatakbo.
"EHHH!?? A..anong kailangan mo??" gulat at di mapakaling sabi nito.
"Pwede ka bang kausapin?"
Pumayag naman ang babae at sumama sa kanya hanggang sa makarating sila sa isang playground.
"Yung tali." Sabi ni Leo.
"H..huh?? Tali??"
"Yang tali sa hinliliit mo at sakin. Bat ayaw matanggal ? At tsaka bat magkadugsong?"
"HUH??!" Kunot na kunot ang noo ng babae sa sobrang pagtataka.
"Huh?? ito ngang tali.."
"Ano bang tali? Anong sinasabi mo?"
Nagtaka naman si Leo sa nirereak ng babae.. Ilang sandali pa ay naisip niya na maaaring hindi din nakikita ng babae ang pulang tali.
"Ano ba yan.. So ako lang talaga ang nakakakita nito??"
"Alam mo.." Tumingin naman si Leo sa babae."Ku..kung may gus..gusto ka sakin.. sabihin mo lang.. hindi yung ..kung anu ano pang sinasabi mo."
Nagulat si Leo sa sinambit ng babae at maya maya bigla siyang nahiya at namula. Kung tutuusin nga naman ay parang niloloko niya lang ito tungkol sa tali dahil hindi naman niya to nakikita at may iba siyang intensyon.
Dedepensahan niya sana ang sarili ngunit ng makita niya ang pulang pula ding mukha ng babae ay hindi niya maiwasang isipin na cute ito. Maya maya pa ay lumabas na lang sa kanyang bibig ang hindi niya inaasahang sabihin.
"Pwede ko ba makuha number mo?"
Hindi alam ni Leo kung bakit parang ang saya niya ng pumayag ang babaeng ibigay ang number nito at hingin din ang kanya. Habang tinatype niya ang number sa cellphone ng babae ay tsaka lamang niya napansin, naglaho na ang pulang tali sa kanyang daliri at gayon din ang sa babae.
YOU ARE READING
Red String of Fate[One Shot Collections]
RomanceA collection of One Shot stories about love and Fateful encounters of different people who are connected to each other.
Red String of Fate [2]
Start from the beginning
![Red String of Fate[One Shot Collections]](https://img.wattpad.com/cover/3508493-64-k306443.jpg)