Red String of Fate [1]

Start from the beginning
                                        

 Sa totoo lang ay hindi niya din ito agad napansin nung bumangon at naligo siya. Siguro ay dahil nga sa inaantok pa siya.

Ano ba to? Bat kasi ayaw matanggal!? san ba papunta tong tali na to?At tsaka Hindi ba talaga nila to nakikita ? Imposible!

Bumaba na si Aris at kumain na ng almusal. Maya maya pa ng konti ay umalis na ang ina niya upang ihatid si Ami sa eskwelahan nito. Sabay sila ng papa niya na umalis gamit ang kotse nito tutal nadadaanan naman ng kanyang ama ang kanilang eskwelahan.

Nakatitig pa din si Aris sa kanyang hinliliit habang nasa loob ng kotse. Noon siya nakumbinsi na hindi nga nakikita ng iba ang pulang tali sa kanyang daliri. At ang mas pinagtaka pa niya ay nung lumabas siya ng bahay ay nakita niyang mula sa labas nanggagaling ang mahiwagang tali. Kung bakit hindi ito napuputol kahit gano pa sila kalayo magpunta ay hindi niya alam.

"Bye Pa."

"Bye Aris. Sige na pasok ka na."

Habang papasok si Aris sa kanilang building ay hindi niya maiwasang lingunin ang pulang tali na patuloy pa rin sa paghaba. Minsan ay tinitingnan niya din ang mga tao kung may makakapansin ba dito ngunit ni isa ay wala.

"Good morning Aris!!"

"Good morning Fey."

Napansin naman agad ng kaibigan ni Aris na para bang may bumabagabag sa kanya.

"Aris may problema?? Agang aga problematic? Haha!"

Alam ni Aris na kahit dinadaan sa biro ni Fey ang lahat lahat e totoo itong concern kapag sa mga ganong bagay.

"Wala naman Fey.. Ahh.. May assignment ba tayo?"

"Ayun! Dont worry te wala. Wag ka nang kabahan. Malamang nagpuyat ka na naman sa panonood ng mga movies aney?"

"Haha. Edi kaw na ang manghuhula!"

Hindi maiwasang mapatingin ni Aris sa lalaking kakapasok pa lamang ng room. Matangkad ito, maputi at gwapo.

"HOI! Baka naman matunaw si Xen!"

"HUH!? Anung matunaw ka jan!" (>///<)

"Eysos. Kunwari ka pa friend. E mula nung pumasok hanggang maupo e nakatitig ka na sa kanya."

"Shh! Oo na wag ka na maingay! Alam mo naman kung bakit e."

Si Xen ang matagal ng crush ni Aris. Ngunit bukod sa kaibigan niyang si Fey at sa kanya ay wala ng ibang nakakaalam nun. Ayaw niya din naman sabihin pa sa iba niya pang kaibigan dahil mga maloko ang mga ito. Ayaw niyang malaman ni Xen na may gusto siya dito dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya ang balibalita na playboy ito. Alam niyang wala siyang pag asa dito dahil laging madaming babae ang nakapalibot sa kanya.

Ngunit kung bat niya nagustuhan ang kaklase ay dahil yon sa isang pangyayari kung saan tinulungan siya ni Xen. Simula non ay nakaramdam siya ng kung ano at di nagtagal tagal ay inassume niya na na paghanga.

**

"Aris uuna na ko. May pupuntahan pa ko e."

"Ah sige."

Na naman? Nitong mga nakaraan lagi na siyang di nasabay sakin pauwi. San kaya siya napunta? Sa isip ni Aris.

Habang nasa klase kanina si Aris ay hindi niya na muna pinansin ang pulang tali sa daliri at ngayong tapos na ang klase nila lang ulit niya to napagtuunan ng pansin.

Hmm..Kung sundan ko kaya tong tali na to? Saan kaya ako makakarating. Gusto ko makita kung saan ang kabilang dulo nito.

Buo na ang desisyon ni Aris na alamin kung saan at ano ang nasa kabilang dulo ng tali. Inisip niya na lang rin ng kapag napunta na siya sa lugar na di niya alam ay dun na lang siya titigil at uuwi na lang. Mabilis niyang inayos ang mga libro at nagpunta sa may locker para ilagay ang mga ito.

"Matagal na akong may gusto sayo kaso hindi ko lang masabi dahil nahihiya ako. Kaya nga isinulat ko na lang ang nararamdaman ko sa papel na to. Sana balang araw mapansin mo din ako..."

Agad na isinara ni Aris ang locker at tiningnan ang taong nagbabasa na alam niyang nasa may tabi niya lang. Nagtaka siya kung bakit pa kailangang ilakas ang pagbabasa ng kung sino man iyon.

Laking gulat niya naman ng makita kung sino ang nagbabasa at mas lalo siyang nagulantang ng ipagpatuloy ng lalaki ang pagbasa.

"Mahal kita Xen...  From: Aris Damian"

(O.O)

Nakatingin at nakangiti ang lalaki kay Aris. Hindi alam ni Aris kung ano ang gagawin. Hindi din siya makapagsalita sa sobrang nerbyos at hiya kahit alam niyang hindi naman sa kanya galing ang 'Love Letter' na iyon. Tila napako siya sa kinatatayuan at nakatingin lamang sa sahig.

"Aris. Totoo ba to?"

Inipon ni Aris lahat ng lakas ng loob niya.

"Hi..hindi ah! A..asa ka pa!"

"Talaga.. E bat ka namumula at kinakabahan??" maloko lokong tanong ni Xen.

"Huh! K..kapal mo. Hindi nga sakin yan e."

"Talaga lang huh."

Tila hindi pa din kumbinsi si Xen sa pagtanggi ni Aris. Nakapamulsa ang kaliwa niyang kamay habang hawak naman ng kanan ang papel at muli siyang tumingin dito.

"Hindi talaga yan sakin galing!"

"E bat Aris Damian ang sabi? Ikaw lang naman ang Aris Damian dito ah."

"Ewan! EWAN KO! BASTA HINDI NGA AKO YAN!!"

Nagulat ang lalaki at maging iilang estudanteng dumadaan. Maya maya pa ay tumawa na lamang si Xen.

"HAHAHAHA!! Sorry. Sorry na. Wag ka magalit haha!"

Hindi naman nagsalita si Aris. Tila halong inis, hiya at nerbyos ang nararamdaman niya.

"Aris."

Sa biglaang seryosong tono ng pagsasalita ni Xen ay napatingin si Aris sa kanya. Nakita ni Aris na seryoso na din ang expression ng mukha ni Xen. At ang ikinagulat pa niya, nung itinakip ni Xen ang kaliwang kamay sa mukha ay nakita ni Aris ang pulang tali sa hinliliit din ng lalaki.

"Aris." muling sambit ni Xen.

hindi alam ni Aris kung makikinig muna o magtatanong tungkol sa pulang tali. Ngunit ginusto niya mang magtanong e hindi na siya nakapagsalita dahil sa sumunod na sinabi ng binata.

"Ang totoo nan gusto kita. Ako talaga ang may gusto sayo."

"H..huh??"

"At tsaka ito." ipinakita ulit ni Xen ang hawak na papel."Ako lang talaga ang sumulat nito."

"Eh? Bat..bat mo naman gagawin yun."

"Hanggang maaari kasi, ayokong ako ang magtatapat sayo. Nagbakasakali lang naman ako na baka gusto mo ko at pag ginawa ko to umamin kang iyo nga to. At tsaka ko sasabihing gusto din kita.Kaso di naman tumalab."

Muling nagulat si Aris sa pag amin ng lalaki. Sa loob niya ay natatawa at natutuwa siya. Sa labas ay nahihiya naman siya kahit pa nagtapat na si Xen.

Muli naman niyang naalala ang pulang tali. Sa pakiwari niya ay hindi din ito nakikita ng binata. Mula sa kinatatayuan ni Aris ay sinundan niya ang pulang tali upang malaman kung tama ba ang hinala niya.

"Teka Aris. San ka pupunta?!" takang tanong ni Xen dahil bigla na lamang tumalikod at naglakad si Aris.

"Xen! Diyan ka lang. Hintayin mo ko."

Nagtatakang naiwan si Xen sa kinatatayuan. Nilandas naman ni Aris ang daan kung saan papunta ang pulang tali Nakababa na siya ng 2nd floor at patuloy na sinundan ang tali. Muli ay napunta siya sa hagdan pataas ng 2nd floor ngunit sa kabilang parte naman ng building. Tumaas siya at sinundan ito at mula sa di kalayuan ay nakita niya ang nakatalikod na si Xen. Sa daliri ng binata nakakabit ang kabilang dulo ng pulang tali..

"So ito pala ang silbi mo?" nakangiti na sabi ni Aris sa tali.

"XEN!! GUSTO DIN KITA! OO MAHAL NGA KITA!"

Pagkarinig ni Xen ay tumakbo siyang masaya palapit kay Aris. Sabay naman niyon ang paglaho ng pulang tali sa kanilang daliri.

Red String of Fate[One Shot Collections]Where stories live. Discover now