"Anyway Andra, anong nangyari sainyo ni Iñigo kagabi? Bakit bigla kayong nawala?" Biglang namula si Cassandra sa tanong ni Reghie. Mapapansin agad dahil sa pagiging mistisa nito.

"You're blushing, why? Oh my god! May nangyari ba sainyo?" Mapanuksong tanong ni Reghie kaya lalong nataranta si Cassandra at  Biglang tumayo.

"Aalis na ako." Agad ding  tumayo ang dalawa at pinigilan siya.

"You can't leave.  We need the detailed information." Mga pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalawang niyang kaibigan.

"Para kayong baliw, detailed information talaga." Aalis na sana siya pero hinawakan siya ng dalawa sa magkabilang braso niya.

"May nangyari sainyo? Ano masarap diba?" Excited na tanong ni Reghie.

"Shut up! We were just kissing,  that's it." Tuloy-tuloy niyang sagot na medyo namimilog ang mata dahil sa pag-taranta. Hindi rin talaga siya titigilan ng dalawa pag hindi niya sinabi.

"Aahhhh! Dalaga na uli Andra." Tili ng dalawa.

"Wait Andra, I'll teach how to scream at kung papano ang tamang pag ungol, para mas lalong ganahan si Iñigo." Sabi ni Reghie na talagang  mababakas ang excitement sa tinig at mukha nito.

"SHUT UP! Ugghhh! Kainis kayo." Bulyaw ni Cassandra at nagpumiglas ito para makawala sa pag-kakahawak ng dalawa.

Nang makawala siya,  tuloy-tuloy siyang lumabas. Narinig pa niyang tumawa ng malakas ang dalawa.

"Grabe talaga silang mang trip." She uttered.

Lumabas siya ng office niya at tumuloy siya sa kotse niya at agad na sumakay.

Pupunta siya ngayon sa condo ni Miguel para sa ipapagawa nitong kwarto.

****

Nasa tapat ngayon si Cassandra ng pinto ng unit ni Miguel. Tinawagan niya ito at hiningi niya ang address. Bumukas ang pinto at half naked na Miguel ang bumungad sa kanya.

"Hi Cassy! Pasok." Masiglang bati ni Miguel. 

"Hi" She greets him back at pumasok sa loob.

"Tignan ko na ang ipapaayos mo. Kailangan ko rin kasing makaalis agad eh." She says

"Don't be so hurry Cassy. Halika ka sabayan mo muna akong mag breakfast." Hinawakan nito ang wrist niya at hinila siya sa maliit na dining table. Umupo na lang din siya.

"Ano gusto mo coffee, juice or me?" Tinukod nito ang kamay sa table at nakangiti kay Cassandra.

"Ahahaha! Just kidding. So what do you want?" Sabay bawi nito dahil  nanlisik agad ang mata ni Cassandra.

"Coffee. Mag coffee ka din wala kang nerbyos sa katawan eh." Sabay irap niya dito.

"Ang cute mo pag naiinis." Nag-tungo ito kitchen at kumuha ito ng kape sa coffeemaker.

"Black or with cream." Tanong nito na nakatingin sa kape.

"With cream." Sagot niya.

Naglagay ito ng cream sa kape at dinala sa kanya. Umupo ito sa Kabilang side ng square table.

"Don't you know how to wear proper cloth kapag may bisita ka? O sanay ka talagang naka hubad lang pagbabae ang kaharap mo?" Tanong niya dito sabay higop ng kape. Ngumiti naman ito sa kanya.

"Sorry, kakatapos ko palang kasing mag workout pag dating mo." Humigop din ito ng kape.

"Tsaka babae ang naghuhubad sakin pag binibisita ako." Dagdag nito pag katapos humigop ng kape.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now