"Ken, malapit na daw tayo.." paggising ko kay Ken at unti-unti na itong nag-ayos ng upo.. Tinanggal nito ang shades niya at tumingin sa akin..






"Hindi mo ako ginising kanina.." seryosong sabi nito.








"Bakit kita gigisingin? Ang sabi mo kagabi hindi ka sasama! Tapos nandidito ka ngayon? Nalaman mo lang yata na kasama yung Rebecca eh.." sabi ko dito.. I heard na nauna na si Rebecca sa mismong location .. Ewan ko ba kung bakit sumama iyon, hindi naman ito empleyado.









"Rebecca texted me last night na sasama nga ito. She was invited by Sir Greg.."







Ewan ko ba. Bigla na lang akong naiirita kapag naririnig ko mula sa bibig ni Ken yung pangalan ng babaeng iyon.






















Nang makarating na kami sa location, nauna ng bumaba si Ken at ang secretary nito. Ako, inantay ko pa si Iza , Camille at Tosh na nasa bandang dulo nakaupo..







"Te? Dora? Is that you?" Daming dala hah!" pang aasar ni Tosh.






"Ewan ko ba, napadami ang dala ko eh."






"Excited?"








"Oy! Syempre! Alam niyo namang bawat Team building natin, madami tayong naiipong magagandang memories!" nakangiting sabi ko sa kanila at napatingin ako kay Camille..







"Yakapin mo na te! Tama na yung tampuhan.." rinig kong sabi ni Iza at ako na ang unang yumakap kay Camille.. Gumaan ang pakiramdam ko sa yakap na iyon at napansin kong napangiti si Camille..






"Amoy GM ka! Mga nasa ilang percent yung kilig mo ng makatabi mo si Sir Ken?" pang aasar ni Camille sa akin at pinanlakihan ko ito ng mata..








"Hoy! Your mouth! May makarinig sayo hah!!" sabi ko dito..









"Tara na! Bumaba na tayo!" naeexcite na sabi ni Tosh.. Kami na lang kasi ang naiwan sa loob ng bus at nagsipuntahan na ang lahat sa holding area..









Pagbaba namin ng bus ay sinalubong kami ng nakangiting si Oliver.. Oy! Mukhang good mood na hah? Okay na kaya siya?












"Good Morning to my favorite team!" nakangiting sabi nito habang papalapit kami sa kanya..








"Himala yatang sumama ka ngayong Team Building? At mukhang happy ka hah?" sabi ko dito..









"Actually, napilitan lang ako dahil nag insist si Dad na magsupervise ako dito.."








"Hindi makakapunta ang Dad mo? So walang 10K ang group winner ngayon sa team building?" biglang sabi ko at nagtawanan sila..










"10K lang pinunta niya talaga!" natatawang asar ni Tosh sa akin.









"Alam niyo naman na ang team ko ang laging nakakakuha nun diba?" nakangiting sabi ko sa kanila.










"Ang competitive kasi ng team leader natin!" sabi ni Iza at ngumiti ako..





















Maganda at maaliwalas ang panahon ngayon at talagang nakikisama ito sa mga magiging ganap namin.. Nakapaikot kaming lahat sa gitna ng maputing buhangin sa napakagandang resort na ito.. Nasa gitna ng malaking bilog si Ken at Oliver.. Na para bang silang dalawa ang mag iinstruct sa aming lahat..











My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now