Isa si marie sa kasama sa camping papuntang probinsya ng San Agustin para libutin ang Lugar at mananatili sa isang lumang bahay na pansamatala nilang paglalagian.
Kinabukasan na ang kanilang camping.
Excited itong makapunta sa lugar na iyon.
"Anak matulog kana maaga kapa bukas dadaanan naman kayo ng bus sa paroroonan niyo,"ani ng inay niya.
"Oho inay ,"sagot ni marie
~~~~~.~~
Kinabukasan maaga si marie dala dala ang kanyang bag na laman ang ilang personal na gamit.
Nagtaka siya kung bakit wala pa ang bus na susundo sa sa akin.
Tinawagan niya ang kanyang mga kasama.
Napag usapang ng kanilang grupo na sabay sabay na mag abang nagkita kita ang anim sa isang kanto malapit sa kakahuyan.
Nag umpisang maglakad si marie papunta sa meeting place nila.
Madilim ang kalangitan alas dos pa lamang ng madaling araw.
Umihip ang hanging pang madaling araw nanunuot ito sa balat na nagbibigay kilabot sa kanyang katawan.
Nakarinig ng kaluskos ang dalaga naging hudyat ito ng kanyang paglakad at takbo.
Nanginginig ang katawang pilit pinapatatag ang loob.
Pangkaraniwan na lamang iyon sa kanya sapagkat madalasan na siyang makakita o makaramdam ng kakaiba lalo na sa mga nakikita niyang hindi nakikita ng pangkaraniwang mata.
Nakahinga siya ng maluwang ng matanaw ang mga kasama na sina marco, leo ,sandra ,judith at james.
Ang ipinagtaka lamang niya ay ang ibang mga kasama nila.
"Kanina pa kayo riyan,"tanong ni marie
"Kanina pa bat kaya wala pa yung masasakyan natin,"maarting tanong ni judith
"Baka natraffic lang love,"sagot naman ni leo
Nagpahid ng pulang kulay sa labi si Judith.
Ilang saglit lang isang bus ang dumaan na hindi pangkaraniwan para itong makalumang sasakyan.
Nag unahan ang mga ibang taong naririto.
May mga naka business attire nakadress at mga pangkaraniwang pang suot panlakad.
"San pupunta yung mga yun,"naibulalas ni marie
"Ewan ang weird nila,"banggit ni leo
Akala niya siya lang nakakita sa kanila nakahinga siya ng maluwag sa pagkakaalam niya multo ang mga yun tao palang tunay.
Napatingin siya sa umandar ng bus.
Ang kulay ng bus ay parang krima hindi ito tulad ng ibang bus na sarado at sa bintana lamang makikita ang nakasakay.ang bus na yaon ay malalaki ang bintana kita ang katawan ng tao lalo na ang upuan na nasa loob malalaki ang bintana na walang salamin.
Nakapagtataka man inisa niyang sinulyapan ang pasahero nabigla si marie ng mapagmasdan ang ilan namumutla at puting puti ang kanilang labi biglang napaharap ang isang lalaki gumuhit ang ngiti nitong nakakakilabot.
Napakapit ito kay james na nakita rin iyon.
"Wala na atang balak ang bus na siputin tayo,"naiinis na sabi ni sandra.
"Makisakay na lang tayo dun sa bus mga sampo lang naman ang nakasakay,"suhestiyon ng binatang si marco
Sumang ayon ang iba maliban kay marie.
"Anong drama mo bakit ba kasi sinama niyo pa iyan,"malditang sabi ni judith
"Napaka killjoy mo marie,"sabad naman ni leo na nobyo ni judith.
Sumama ang loob ni marie pero hindi niya pinahalata.
Napilitan siyang sumang ayon pero takot ang bumalot sa kanyang sistema.
Nakarinig siya ng boses.
"Marie wag kang sumakay pigilan mo sila marie may mangyayaring masama sa inyo pumigil ka makinig ka sakin,"anas ng isang tinig babae nangilabot siya.
"Ahhhhhhhhh,"bumalot ang ingay ng sigaw ni marie sa katahimikan ng madaling araw bumagsak ang katawang nawalan ng malay .
Nag alala ang kanyang mga kaibigan hindi lingid sa kanilang kaalaman na nakakakita diumano ito ng kababalaghan.
Napairap na lamang si judith ayaw nitong paawat sa camping na kanilang pinag usapan.
Binuhat ni james si marie hawak naman ni sandra ang dala nitong bag.
Sinakay nila ito sa bus na halatang hinintay silang makasakay.
Nagtataka ang ilan na kanina pa ito pinaandar pero hindi naman umalis umusad lang ito ng makasakay sila.
Nagising ang dalaga na lulan na ng bus.
Nanginig sa takot ang dalaga...
