Chapter 40: Mini Celebration

Magsimula sa umpisa
                                    

Mas lumakas ang tugtog dahil pumasok na ang Optimal Aces para maghanda sa laban nila.

Lumapit si Dion para mas marinig ko ang kanyang sasabihin. "Magpaalam ka kay Sir Greg." Itinuro niya si Sir at Coach na nag-uusap habang hinihintay ang sunod na match.

"Game." Lumapit ako kanila Coach para magpaalam.

Coach agreed with my request pero sa isang kundisyon, sasama siya para raw maprotektahan kami papaano ni Dion.

Magkasunod kami ni Dion na naglakad sa upper box. Sumigaw ang mga fans ng Battle Cry sa tuwa at maging ang ibang fans ng ibang team ay napapatingin sa amin.

"Hello!" I greeted the supporters at may ibang nagpa-picture agad.

"Milan, kailan ka lalaro sa tourna?" Tanong noong isang lalaking fan na feeling ko ay nasa edad Fourteen.

"Hindi ko alam kung makakalaro ako this Tourna. Our lineup is pretty good already, manalig kayo sa Battle Cry. We will win this." I assured them.

Ang weird lang dahil ang kapal ng mukha ko kapag kaharap ko ang supporters ng Battle Cry. Maybe, I want them to be happy since they are those people who are rooting for us.

I keep talking to them for about three minutes. Si Dion, kausap niya ang mga baby bra warriors niya, buti na lang talaga at hindi nagsungit ngayon si Boy Toyo.

Lumapit sa akin si Dion. "Milan, may mga gustong magpa-picture sa 'yo na fans ng ALTERNATE," Itinuro niya 'yong mga lalaki na sa tingin ko ay ka-edad namin. "Lapitan mo na."

"Sure." sagot ko kay Dion at lumapit ako sa kanila.

Matapos naming makipag-interact sa mga supporters ay naglakad na kami ni Dion papasok sa SM North.

"Heto na susunod na nga kami," sabi ko habang kausap si Oli sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang sigaw ni Shannah sa background at mukhang enjoy na enjoy sila sa bowling. Kanina pa sila doon pero mukhang wala silang alisan doon. "Kakain lang kami saglit tapos punta na kami diyan sa Annex."

"Sumunod kayo, Kumare, ha! O-order kaming Pizza. Pasabi kay Dion, siya magbayad. Thanks!" He ended the call at magkasabay kami ni Dion na naglakad habang naghahanap nang makakainan.

"Alam mo, first time ko gawin 'yon," sabi ni Dion habang nakapamulsa. By the way, nagpalit na rin kami ng damit before we leave the dome para hindi na takaw pansin sa mga tao sa mall. Nakasuot siya ng sumbrero habang ako ay tinanggal ko lang ang makeup ko, bahala na kung may makakilala sa akin.

"Alin?"

"'Yong makipag-usap sa fans kanina during the Tournament. Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig 'yong reaction nila about sa game." sabi niya habang nakangiti.

"Ang brainy and thoughtful ko sa part na 'yon, 'no?" Itinuro ko siya habang natatawa. "Sabihin mo, salamat master sa napakagandang idea."

"Ulol mo."

Natawa ako. "Bilis na! Isa lang, hindi ko ire-record, promise."

"Kilala ko lahi mo. Kumain na lang tayo." sabi niya. KJ talaga kahit kailan.

Saglit lang kaming kumain ni Dion sa Jollibee at sumunod na agad kami kanila Oli sa may Annex para mag-bowling.

"Hay naku, inuuna pa kasi ang bebe time kaysa sa barkada," reklamo ni Gavin pagkarating namin.

"Baliw." Naiiling kong sabi at ipinatong ko 'yong duffle bag ko sa seats nila. "Matatapos na kayo? Sali kami."

"Malapit na." Sagot ni Liu.

Nagpalit na kami ng sapatos ni Dion para sumali sa kanila.

"Sanay ka ba niyan?" tanong ni Dion.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon