Levina POV
"Levi gumising ka na dyan! Malalate ka na sa first day mo!" sigaw ni mama habang malakas na kumakatok na pinto ng kwarto ko. Sa totoo lang gising na ako nun kanina pa pero hindi ako bumangon kasi tinatamad pa ako "Levi ano na?!" sigaw ulit ni mama kaya pumikit ako at pinatigil ang oras
Oo yung ang powers ko kaya ko patigilin ang time sa oras na gusto, kaya ko rin makita at ibahin ang past at future ng isang tao. Sabi nga ng magulang ko ay maswerte daw ako at napaka ganda ng powers na nakuha ko, hindi naman ako makakatanggi kasi maganda naman talaga. Tumayo ako pero nakahinto parin ang oras at pumunta sa banyo at naligo.
Ganito paminsan minsan ginagawa ko pag late na ako tinitigil ko ang oras tapos dun ako magaayos. Nang matapos na ako ay tinignan ko pa muna ang sarili ko sa salamin at ngumiti
"Goodluck" sabi ko sa sarili ko at pumikit, narinig ko nanaman ang malalakas na katok ni mama sa pinto ko. Kaya kinuha ko yung bag ko at binuksan ang pinto ko.
"Ahh, ayos ka na pala kala ko tulog kapa. Sorry anak ko" sabi niya at tinignan ang kabuuan ko "Dalaga ka na Levi" sabi niya at ngumiti naman ako, hinawakan niya naman ang muka ko "Ang ganda ganda mo" sabi niya at niyakap ako.
Kumain lang ako saglit kasi may 30 minutes pa naman ako ewan ko ba kay mama ang aga-aga pa eh. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako kay mama ko at umalis na. Naglakad lang ako kasi tinatamad ako lumipad
At yes kaya ko rin lumipad. Dito kasi sa mundo namin ang isang tao ay may 2 kakayahan, ako kaya ko magtimetravel at i-contol ancontol, kaya ko itong patigilin sa oras na gusto ko at kaya kong lumipad ganun din sa mga ibang naninirahan dito. Oo ulit tamad akong tao halos sa lahat ng bagay tinatamad akong gawin except sa pag i-investigate ng mga misteryosong bagay.
Lagi akong nageenjoy kapag ginagawa ko ito kaya naman sobrang saya ko dahil nakapasok ako sa Golden River Academy kasi ito ang pinakakilala at pinakamagandang school dito samin, dito rin nagaaral ang kuya ko. Nang makapasok ako sa room na gagamitin namin ay nabungad agad ako ng mga istudyante.
'Mukang maaga sila'
Wala pa yung teacher namin kaya naman hindi pa ako late. Naghanap ako ng bakanteng upuan at nakakita naman ako sa tabi ng isang babae na muka namang mabait kaya naman lumapit ako
"Is this seat taken?" sabi ko habang nakangiti sakanya gumanti naman din siya ng magandang ngiti at umiling "Thanks" sabi ko at umupo lahat sila nakatingin sakin kaya naman tinuro ko ang harapan at sakto namang pumasok si ma'am at umaayos ng upo ang lahat.
"Good morning class! Ako si Ma'am Hetty Taylor" sabi nito at malawak na ngumiti
'Mukang maganda ang school year na toh'
"Ako ang adviser niyo sa school year na ito" sabi niya at kumuha ng isang papel sa table niya "Tatawagin ko kayo isa isa tapos pupunta kayo sa harap ng klase at magpapakilala, is that ok?" sabi niya habang nakangiti ulit
'Hindi natatanggal ang ngiti niya sa muka' Natawa ako sa sarili kong isip.
Nagpakilala rin kami isa isa at ngayon sasabihin na ni ma'am ang mga rules dito sa school
"Ok class ito ang mga rules natin sa school neh? Tandaan niyo pag sinuway niyo ito ng tatlong beses man magkakaroon ng mga consecuenses, are we clear?" sabi niya at tumango naman ang lahat, ngayon muka siyang seryoso
"Ok first rule, bawal kayo gumamit ng powers sa loob ng campus kaysa pinayagan kayo ng kahit na sinong teacher" sabi niya habang nagsusulat sa board at ako naman ay sinusulat ito sa aking journal notebook "Second, no bullying"
