Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again

Start from the beginning
                                    

"Sana kayo makalaban namin sa finals para sure win na kami." Pabirong sabi ni Sandro.

"Aba gago ka talaga, ah." ganti ni Oli na nakapagpatawa sa amin. "Ang pangit ng jersey ninyo sa totoo lang." paninira niya.

"Heto, puwera biro. Galingan natin. Gusto ko tayo ang magkalaban sa finals para kay Axel." Sandro said at bigla akong naging alert since wala pang alam ang team mates ko sa pag-alis ni Axel.

"Bakit para kay Captain?" Kunot-noo na tanong ni Oli.

"Uhm... Kasi ilang gabi rin nagpuyat si Captain para rito. Sayang naman 'yong effort niya kung hindi natin gagalingan." Mabilis kong dahilan at nagkatinginan kaming dalawa ni Sandro.

Napatango siya at parang nakuha niya ang sinasabi ko. "Oo, kawawa naman 'yong Captain ninyo. Lagi kong kausap sa gabi, daig pa jowa ko, siya ka-late night talk ko. Sige na, pipila na ulit kami." Umalis si Sandro at si Larkin para bumalik sa mga kasama nila.

You know what I loved the ALTERNATE and Battle Cry? Madalas kaming nagkakalaban sa bandang finals pero ang solid ng samahan ng dalawang squad. Para bang laging friendly competition lang ang nangyayari kapag ang ALTERNATE ang kalaban namin.

"Mga fans diyan, mag-ingay dahil papasok na sa dome ang ALTERNATE! Fans mag-ingay!" Malakas na nagsigawan ang mga tao sa Dome at naglakad na papalabas ng Backstage ang ALTERNATE.

Mas malakas ang hiyawan ng mga tao kumpara kanina. Sa bagay, ayon sa mga poll na lumabas ay ALTERNATE ang inaasahang mananalo ng mga tao lalo na't ang laking ambag sa team nila si Kiel, ang child prodigy ng season na ito.

Mula rito sa Backstage ay nakikita namin ang pagkaway na ginagawa nila Sandro sa mga tao sa Dome. Nakakabingi ang sigawan ng mga tao at isama mo pa ang malakas na tugtog na nagpapa-hype sa mga tao. The lightings in this dome is also on point kasi ang cool ng entrance ng mga team.

"Next na tayo!" Sigaw ni Axel at umayos kami sa pila. He hold the flag na may logo ng Battle Cry.

Bumuntong hininga ako at mula sa backstage ay ngumiti na ako. First time ko yatang humarap sa libo-libong tao.

"Mga lobo mag-ingay!" Battle Cry fans shouted that's really touched my heart. May mga supporters kaming pumunta rito para manood ng laban. "The pack of wolves are coming in the dome now! Nandito na rin ang Battle Cry!" Sigaw noong announcer at naglakad na kami papalabas.

Ginoodluck kami ng ibang team na nasa Backstage pa, especially, unang laban kami ngayong araw.

Paglabas namin sa Dome ay nakakasilaw na liwanag mula sa spotlight ang tumutok sa amin. Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao. Kumaway kami sa mga tao sa loob ng Dome, noong una ay nahihiya pa ako pero noong kumakaway naman sila pabalik ay naging komportable na ako.

I spotted my parents and friends sa Second row sa left side. Kumaway ako sa kanila at kumaway sila pabalik sa akin.

Pumila kami katabi ang ibang players hanggang sa tinawag na ang lahat ng teams.

Nagkaroon lang nang maikling opening at sinimulan itonsa prayer and National Anthem. Matapos noon ay past winners ng Summer Cup.

Double Elimination ang mangyayari sa Summer Cup. Meaning, hangga't hindi ka natatalo ng dalawang beses ay eligible pa kayo na manalo sa Summer Cup.

Bandang alas-dies ay sinimulan na ang Tournament. Naiwan na lang sa gitna ng dome ang Sparks Again at Battle Cry.

"Good luck, bro!" Sandro said to our Captain at napangiti ako kasi ang cute nang relationship namin sa ALTERNATE. "Huwag kayong babagsak agad sa Lower Bracket. Godd luck mga P're at Boss Madam." Sabi niya at ngumiti.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now