Nahampas ni Jaime ang manebelang minamaniho matapos maputol ang tawag mula sa isang kasosyo nya,ang natalik nyang kaibigan na si Roman.
Itinakbo na pala nito ang natitirang pera na sanay magsasalba sa kumpanya nila mula sa pagkalugi, nalaman nyang lumipad na ito pa Dubai upang magtago matapos i withdraw lahat ng natitirang pera nila sa joint account nila sa bangko.
"Napakawalang hiya mo Roman paano mo nagawa sakin to!!" galit na galit na sigaw nya.
"Ano ba Jaime kumalma ka nga muna, baka naman may dahilan si Roman kaya nya nagawa ang ganitong bagay!" pagpapakalma naman nang kanyang asawang si Elena.
"Kahit na! ano pang dahilan nya Elena, paano nya ko nagawang trahidurin, kapatid ang turing ko sa kanya, nang dahil lang sa pera, talaga bang sisirain nya ang pagkakaibigan namin?"
"Anong plano mo!"
"Susundan ko sya kahit san pang empyerno sya magpunta."
"Saan tayo pupunta? Paano si Jade?"
"Dederetso tayo sa Airport ngayon Elena, hahabulin ko sya, bumalik ka sa bahay at mag empake na kayo ni Jade, tatawag ako nang pwede sumundo sa inyo-"
....eeekkkkkkk.... Blaaagg.....
kriiing..kriiinng..
"Hello Dad-!?"
Nabitawan ni Jade ang hawak na cellphone, hindi nya matanggap ang sinabi ng kausap nya.
Masaganang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata habang tutop ng kamay ang sariling bibig, umiiling iling syang napahagulhol.
"Hoy Jade anong nangyari sayo?" agad syang niyakap ng matalik na kaibigang si Elisse.
"Sila Dad, Bes hindi.... Ahaaahaha😭"
"Kumalma ka nga muna, ano bang nangyari kala Tito Jaime?"
"Nasa Hospital sila ni Mommy."
"Then lets go, sasamahan kita"
Napasugod naman agad si Drix nang malaman na nasa Hospital ang mga magulang ni Jade.
"Babe, dont worry everything will be okay, andito lang kami ni Elisse." agad na yumakap si Jade sa Boyfriend nya pagkakita pa lang dito.
Pagdating sa Hospital, sinamahan sila ng Nurse papunta sa Morge. halos hindi maihakbang ni Jade ang mga paa pagkakita sa pintuan ng Morge.
Pati si Elisse ar Drix pinanghinaan ang ini expect nilang nasa Hospital ito ay dahil sa naaksedente ito hindi dahil sa wala na ang mga ito.
Napahagulhol ng husto si Jade.
"Hindi.... wala dyan ang Daddy at Mommy ko, bakit dito mo kami dinala?"
Niyakap ng mahigpit ni Drix si Jade para pakalmahin ito.
"Lakasan mo yung loob mo Babe, andito lang kami."
Makalipas ang ilang minuto naglakas loob na si Jade na pumasok, grabe ang panalangin nyang hindi sana iyon ang Mommy at Daddy nya.
Nanginginig man ang mga kamay inalis nya ang puting kumot sa mukhang nakatabing sa mukha ng bangkay, matapos iyon ay dumilim na ang lahat.
"Jade...."
"Babe.."
Nang magmulat muli ang mga mata ni Jade nasa emergency ward na sya.
"Babe." naroon nag nobyo nyang napatayo pa sa kinauupuan nya.
Nanatiling tikom ang bibig ni Jade na tila walang lakas para umiyak pa.
YOU ARE READING
Romance in Darkness
RomanceHanda na sanang tapusin ni Jade ang sariling buhay nang mga oras na iyon, Sabay na namatay ang Parents nya sa isang Car Accident tapos nalaman pa nyang bankrupt na ang business na maiiwan sana para sa kanya, wala syang mga kapatid, ang tanging natit...
