OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 1

13.9K 374 102
                                    

CHAPTER 1

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

"Walang-hiyang buhay 'to oo, unang araw ng klase LATE ako!"  

Wala akong magagawa dahil nga naligaw ako ng building.

Maling building pala yung napuntahan ko. Hindi pa kasi ako ganun kapamilyar dito sa bagong University na pinapasukan ko.

Oo Bagong University, transferee student kasi ako. Buti nga at na-credit yung mga subjects ko before.

Buti nalang talaga.

*sigh*

Tumutulo na ng husto ang pawis ko kakatakbo dahil 20 mins. ko ng hinahanap ang building namin.

"Kanina ko pa hinahanap yung building namin di ko pa din makita! WTF?! Tamang University naman 'tong pinuntahan ko." saka ako nagpalinga-linga sa paligid.

Naglakad-lakad muli ako at narating ko ang Gymnasium ng school.

May isang magandang babae akong nakita doon, nakaupo sya sa bleachers, hindi ko alam kung studyante din sya dahil hindi naman sya nakauniporme dahil nga first day palang naman ng school.

Napagpasyahan kong lapitan ito para magtanong. "Excuse me Miss, pwedeng magtanong?" 

"But...You're already asking." pagkasabi nya noo'y ngumiti siya. "Ano yun?" mabilis na dugtong pa nito.

Natawa lang ako sa una nyang sinabi. "Saan ba yung Building ng I.T. (Information Technology)? hindi ko kasi makita eh, naliligaw na yata ako." saka ako napakamot ng ulo.

Tinuro naman nya yung building sa kanan ko.

"Salamat Miss." pagkasabi noo'y nag bow lang ako sa kanya. "Alis na ko, late narin kase ako eh. SALAMAT ulet!" Pagkasabi ko noo'y dali dali na akong umalis at hinanap ang room ko.

Syete! Kanina ko pa nadadaanan 'tong building na'to, eto lang pala yun!

WTF?!

SA WAKAS! AFTER A LONG SEARCH NAKARATING NARIN AKO SA CLASSROOM KO. Buti nalang wala pa yung professor ko.

Umupo ako dun sa bakanteng upuan sa likuran, at pinagmasdan ang mga bagong mukha nang mga classmates ko.

After 10 mins. may pumasok na lalaki, ewan ko kung yun yung professor namin ang bata pa kasi ng itsura nya, siguro 20-21 years old palang sya.

Fresh graduate lang siguro. 

"GOOD MORNING, I'm MR. JET ANGELLANO, i will be your adviser and your Programming 4 Teacher. Well, this is my first time na magtuturo dahil nga fresh graduate lang din ako. Be good ok? Sa ngayon wala muna tayong lesson and I would like you to introduce yourself so that makilala nyo naman yung isa't isa." pagkasabi no'n ngumiti lang sya saka lumingon sa amin.

"SIR WAG NA! Kilala naman na namin ang bawat isa eh!" sabad ng isang grupo ng mga lalaki.

Pero wala silang nagawa dahil batas ni Mr. Angellano ang masusunod.

Natapos na lahat magpakilala at ako nalang ang natitira.

"Good Morning, I'm John Karlo Santiago 20 years old, a transferee student . I love playing guitar. Nice to meet you all."

 

"Kaya pala di pamilyar yung itsura nya eh, tranfer student pala." bulungan ng mga classmates ko.

"Oh, ayan class huh, may transfer student pala dito, be good to him okay? Mr. Santiago Pls. take your seat. Next meeting nalang tayo mag-didiscussion and magbasa kayo about sa vb 6.0 okay? Okay class dismissed." Pagkasabi nun ni Mr. Angellano naglabasan na yung mga classmates ko. Ako nman naiwan lang mag-isa doon sa room dahil wala pa nman ako kakilala sa kanila.

Mamayang 1pm pa next subject ko.

Napagpasyahan kong umuwi nalang muna ng bahay.

Nang makarating ako sa Gymnasium ng school ay may umagaw ng aking atensyon.

 

"Teka, sya yung babae kaninang pinagtanungan ko ah? Andito pa rin pala sya. Wala kaya syang pasok ngayon at di parin siya umaalis sa kinauupuan nya?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili.

Pero bakit ganun nalang ang itsura ng kanyang mukha? Mababakas mo ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Lalapitan ko na sana sya ng may biglang umakbay sa'kin.

END OF CHAPTER 1

* * * * *

[A.N]

Pagpasensyahan nyo na kung masyadong maiksi ang chapter 1. Bago palang kasi ako dito sa wattpad at hindi pa masyadong sanay. Don't worry, susubukan kong habaan yung mga susunod na chapters. 

Sana hwag nyo munang husgahan itong story ko. First chapter palang naman to e.

MARAMING SALAMAT!

- Mayco / TheGoodForNothingBoy

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Where stories live. Discover now