"Ilan kayong magkakapatid?" muling tanong nito.. Napatingin ako kay Rita ng maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko mula sa ilalim.. Paraan nito para sabihing okay lang kahit hindi ko sagutin. Yes, it's too personal.. Hindi ko alam na mas malala palang mag ask ng questions ang Daddy ni Rita compared sa kanya.. Yung tapang ni Rita sa pag iinterview ay nakuha niya sa Dad niya, for sure.








"Dad, tama na.." pakiusap ni Rita..










"Okay, wag mo ng sagutin." sabi ng Daddy nito.









"Dalawa po. Isang step sister and step brother. My father side.." sagot ko dito..











"So your—-"







"Lumaki po akong Mommy ko lang ang kinagisnan kong magulang. Pero when I entered college, pinakilala na ni Mommy ang totoo kong Daddy. Lihim siyang sumusustento sa amin ng Mommy ko mula pa pala noon, then ng makilala ko siya, he offered na siya na ang magpaaral sa akin sa college. That time, wala akong magawa. Kailangan kong pakisamahan ang Daddy at mga kapatid ko. Yes, may ibang pamilya ang Dad ko. Kami ay pangalawang pamilya lang nito.. When I finished college, pinapasok niya ako sa family business namin, sa sarili nitong kumpanya. I worked for him for almost 6 years bago ko naisipang umalis at humanap ng bagong kumpanya.."








"In good terms naman kayo ng Dad at mga kapatid mo? Anong reaction niya na mas pinili mong umalis sa family business niyo at maglingkod sa ibang kumpanya?"









"He respected my decision. Wala naman akong balak makihati sa kumpanya ni Dad. Ibibigay ko na iyon sa mga kapatid ko. Naniniwala naman akong kaya kong mag grow and success na hindi nakasandal sa pangalan at yaman ng Daddy ko.. Lahat ng meron ako ngayon ay pinagtrabahuan ko. Totoo iyon. "









"So your Dad must be proud of you.."











"I hope so.."











"Where's your Mom?" ngayon ay napalingon ako sa Mommy ni Rita na ngayon ay siya naman ang nagtatanong. Ngumiti ako bago magsalita.








"Wala na po siya, inampon na po siya ng langit.."










"I'm so sorry—"







"Okay lang po. Alam ko namang pong kahit saan ako magpunta, lagi parin akong ginagabayan ng Mommy ko." okay , medyo nagtutubig na ang mga mata ko kaya napayuko ako para hindi nila makita.. Emotional talaga ako kapag Mommy ko ang pinag-uusapan. Naramdaman ko muling hinawakan ni Rita ang kamay ko at lumingon ako dito..









"Hoy Ano ba yan! Maghuhugas pa tayo ng pinggan!" biro nito kaya natawa ako..










"Alam mo Ken, idea ko itong dinner na ito. Gusto ko kasing makilala kayo, ikaw, si Rj at si Lola. Gusto ko kasing makilala yung mga tao na nakakasama ng anak ko sa araw-araw. Kayo ang madalas na makasama ng anak ko ngayon..  Kami, malayo kami sa kanya.. Gusto kong magpasalamat sa inyo.. For taking care of her. Na kahit malayo kami ay alam kong napapadama niyo sa kanya na may pamilya siya.. "





"She's a good employee.. Magaling siya. Mabuti din siyang kaibigan, kapitbahay.. Wala po kayong dapat ipag-alala sa anak niyo kasi napakatapang niyan. Lahat kinakaya." napangiti si Rita sa sinabi ko.









"Workaholic talaga yan. Hindi maiwan ang trabaho. Nagpumilit ngang tumira mag isa dito sa Manila dahil sa trabahong mahal na mahal niya.." sabi ng Dad nito at natawa si Rita at napasandal sa upuan nito..



















My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now