Chapter 37: Welcome home

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang sarap sa pakiramdam na kahit na gaano na katagal ang relasyon namin ni Candice, hindi pa rin nawawala ang kilig sa aming dalawa. Para sa akin malaking pundasyon 'yon ng kahit na sinong magkarelasyon o mag-asawa.

Sa likod ng kotse kami nakaupo habang papunta kami sa bahay namin. Pinatong ni Candice ang ulo niya sa balikat ko habang hawak hawak ko pa rin ang kamay niya. Mukhang napagod siya kanina. "Matulog ka na, gigisingin na lang kita."

"Natatakot ako na baka pag gising ko, wala ka sa tabi ko. Na baka panaginip lang pala lahat ng to."

"Pag gising mo, nandito pa rin ako sa tabi mo. Hinding hindi na ako aalis sa tabi mo." bulong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa 'kin pagkatapos pinikit niya ang mata niya.

Habang tinitignan ko si Candice, hindi ko na rin maiwasan na mapatingin sa tiyan niya. Malaki na si Dwayne at tatlong buwan na lang, lalabas na siya. Sa totoo lang, excited na akong makita siya. Kamukha ko kaya siya? Magiging ka ugali ko kaya siya? Napapangiti na lang ako habang naiisip ko 'yon.

"Alam mo bang ang takaw takaw niyan ni Candice?" mahinang sambit ni Sabrina. "Halos halughugin namin ni Marky ang Manila para lang makahanap ng durian."

"Salamat sa pag-alaga n'yo kay Candice. Salamat kasi pinunan n'yo ang mga bagay na dapat ako ang gumawa. Salamat kasi palagi kayong nandiyan sa tabi namin, mula pa noon."

Pareho silang naging malapit sa akin. Si Sabrina ang tumulong sa akin noon ng luamayas ako sa 'min, siya ang umalalay sa 'kin habang nagta-trabaho ako sa coffee shop at hanggang ngayon nandiyan pa rin siya sa 'kin. Si Marky naman ang best friend ko. Sa kanilang tatlo, si Troy man ang palagi kong nakakasama pero mas mabigat ang naging samahan namin ni Marky. Tingin pa lang namin sa isa't isa, alam ko na ang ibig sabihin. Kapatid na nga ang turing ko sa kaniya simula pa lang no'ng bata kami.

"You two will always be my best friends," dagdag ko.

"Palagi kaming nandito ni Sabrina para sa 'yo at para kay Candice. That's what best friends are for," sambit ni Marky.

"Thank you, best friends."

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay. Dahan-dahan kong ginising si Candice. Pababa pa lang kami ng kotse, nakikita ko na agad ang hinanda nila Mom na banner para sa pagdating ko.

"Jeydon, anak!" sigaw ni Mom at agad siyang lumapit sa 'kin para yakapin ako. "I can't believe you're walking again. I'm so happy. I missed you so much," naiiyak pa niyang sabi.

"Mom, andito na ako at hindi na ako aalis," sambit ko. "Hindi ko na kayo iiwan," nakangiti ko pang sabi.

Lumapit na rin sa akin si Ate buhat buhat si Marion. May kakaiba kay Ate ngayon, hindi ko lang masabi kung ano ba 'yon. "Welcome back. By the way, here's my son, Marion."

Binuhat ko si Marion at tuwang tuwa siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Kahit na hindi talaga namin siya kadugo, tunay na pamangkin pa rin ang turing ko sa kaniya.

Lumapit sa akin si Troy para kunin si Marion. "Welcome back, bro," sambit niya. Kagaya ni Ate, may kakaiba din sa kaniya. Ang awkward.

Pumasok kaming lahag at dumiretso kami sa dining room kung saan naghihintay si Dad at Jayshin.

"Hyung!" sigaw ni Jayshin. Lumapit siya sa 'kin. "Welcome back. Grabe, nakakalakad ka na ulit!" masigla niyang sabi.

"Welcome back, son." singit naman ni Dad.

Lumapit ako sa kaniya. "Thanks, Dad."

Lahat kami masayang nag salo-salo sa handang pagkain. Akala mo may fiesta sa 'min. Ang dami nilang kwento sa akin. Mukhang madami na akong na-miss habang nasa US ako.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon