Prologue :
"Are you sure? Magpapagupit ka na?"
Si Ash na hindi makapaniwala sa gusto kong mangyari.
I stared at him and raised a brow.
"I thought you want me to do it? Matagal mo nang sinasabing magpagupit ako."
Inirapan ko na sya ngayon.
"Finally!!." He smiled and hugged me!
"Ang korni mo ha..." Napairap ako. Habang yakap parin nya, pero binitawan nya rin ako at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Im happy for you..."
Nginitian ko sya at nginuso ang sofa para doon sya maghintay saakin. Masyado nang maraming nakiki-usyuso saamin. And i don't like it.
Agad naman syang sumunod sa gusto kong mangyari.
Lumapit na rin saakin ang babaeng mag-gugupit at sinabi ko na ang gusto kong hairstyle.
Mahigit isang oras din bago natapos ang pag gupit saakin.
Nanibago ako sa itsura ko, sa tagal kong hindi nagpa putol nang buhok talagang nakakamangha na makita ang itsura ko ngayon. Tumayo na ako at nagbayad sa cashier.
"How do i looked?" Tanong ko kay Ash nang makalapit sa kanya
He stared at me for a second and smiled.
"Just like before.." sabi nya sabay kindat. Napatawa ako,
"Bolero ka. Halika na. Im already starving."
Hinila ko na sya palabas doon sa salon.. mabuti nalang nasa mall kami ngayon kaya malapit lang ang mga restaurant sa floor na ito.
Hawak ko ang kamay ni Ash nang may tumawag sa kanya kaya natigil kaming pareho sa paglalakad.
We both stared at the woman infront us.
Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan. I held my breath.
"T-tita?" Si Ash na nagulat din. Pero agad lumapit kay tita Beatrice at hinalikan ang ginang sa pisnge nito..
"How are you hijo?"
Tanong nito sa kanya pero agad na nalipat ang tingin ni Ash sa likuran ni tita Beatrice.. kaya napatingin din ako..
Nagbara ang lalamunan ko at tila nanuyo iyon. Hindi ko alam kung paano magrereact. Seeing him right now with someone else makes my knees shuddered! Agad na bumalik ang lahat nang ala-ala noon. Humapdi ang mga mata ko, alam kong anumang oras ay luluha na iyon.
Kung may nagbago man sakanya? Mas lalo yata syang gumwapo. Tumangkad at tumikas ang pangangatawan.
Naramdaman kong pinisil ni Ash ang palad ko kaya naman napabaling ako sa kanya. He smiled at me. But i know, tinitimbang nya ang reaksiyon ko.
"Okay lang po ako tita." Muling sagot ni Ash. Ngumiti sa kanya si Tita Beatrice at bumaling saakin.
"Good to know. By the way, nice to see you again Gabriella.. it's been a long time." Halos hindi ko alam kung paano sasagot. Lalo na, hindi maganda ang huling pag uusap namin! But i gathered all my strength to answered her in a nice way.
"Good eve po.. it's nice to see you too again ma'am!" Napayuko ako dahil ramdam kong nakatitig sila saakin. Lalo ngayon na nakalapit na si Vaughn at ang kasama nya sa tabi ni tita Beatrice.
Mas lalong hinigpitan ni Ash ang pagkakahawak sa kamay ko at hinila ako para mapalapit sa kanya.
"Sya nga pala, Ash and Gab. Meet Clara. Vaughn's girlfriend." Paglalahad ni tita sa babaeng nasa tabi nang kanyang anak. Kaya naman nakipag kamayan ako at nginitian sya. She was indeed pretty. A full grown woman. Sopistikada at halatang sosyal kung gumalaw at elegante tingnan!
Mas narealize ko na tama lang ang ginawa ko noon.
"So saan kayong dalawa?"
"Ahmm.. we're planning to watch a movie tita.. you know. A date." Si Ash na ang sumagot para saakin.
Hilaw na ang mga ngiti ko pero hindi ko pinahalata iyon caused i know. He was staring at me.
"Ganoon ba... Good for the both of you.." ngiting ngiti si tita Beatrice.
"Playing around i guess?" Biglang sambit ni Vaughn na singlamig nang yelo ang boses at nakatuon ang atensyon saaming dalawa ni Ash.
"Not this time my Big Brother." Si Ash iyon at tinapik ang balikat ni Vaughn bago bumaling kay tita Beatrice
"We're going tita. Baka hindi kami umabot sa movie." Pag papaalam nya kaya naman ngumiti nalang ako at tumango. Sa kanilang tatlo kahit na para na akong matutumba sa kinatatayuan ko.
Nang makalayo kami sa kanila. Automatic na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Masakit parin pala talaga hanggang ngayon. Akala ko hindi na ganoon kapag nagkita kami...
Nagkamali ako.
Kung gaano kasakit ang pag iwas ko noon.
Mas masakit pa pala ang makita at malaman na may girlfriend sya.
