"Kumalma ka nga! Edi sasamahan kitang sabihin sa kanila.. Ipaliwanag natin. Madali lang yan.."
















"Ken! Hindi madali! Hindi! Hindi ko pwedeng bigyan ng problema at iisipin ang Mommy at Daddy ko. Lalo na ang Daddy! May komplikasyon sa puso si Daddy!! Mabibigla yun! Ayoko sabihin! Hirap nga akong magpaalam sa kanila noon na bubukod na ako ng tirahan dahil nga sa bahay na binigay ni Lolo. Pero sinigurado muna nila na safe tong bahay sa akin bago ako lumipat kaya magtataka ang mga iyon na may problema pa pala itong bahay at lupa.."















"So paano na? Paano kanina? Nakita nila akong nagbukas ng gate ng bahay mo. Kung ano ng iniisp nila Rita."

















"Hindi ko pwedeng aminin sa kanila na may problema itong bahay. Ayokong madissappoint sila sa akin. Ken! Anong gagawin ko?"














"Anong gusto mong gawin natin?"













"Hindi ko alam!"










"Alam mo, umamin na tayo sa kanila! Sabihin na natin ang totoo. Bago pa tayo makagawa ng kasinungalingan na naman. "









"Balak ko namang sabihin sa kanila na dalawa tayong nagmamay-ari ng bahay pero hindi pa ngayon. May sakit pa si Dad. Ayoko."











"So anong gagawin natin? Don't tell me, magpapanggap kang anak mo si Oslo?"










"Sa tingin mo maniniwala sila? Kilala nila ako. Hindi sila maniniwala kapag yan ang sinabi ko.."










"Ganito na lang, magpapanggap akong anak ko si Oslo at hmmm, ako ang nag-aalaga sa bata dahil parehong missing ang mga magulang niya? Then kaya ako nandidito sa bahay mo ay dahil, hmmmm, Shit! Wala akong maisip !! Paano?"









"Nasa bahay ka dahil, tumutulong ka sa General cleaning?" sagot ni Rita.








"Hindi kapanipaniwala eh."










"Nandito ka dahil——-"










"Dahil kukunin ko si Oslo sa bahay mo dahil hiniram mo nga ito para laruin? at magpapanggap akong nakatira sa kabilang bahay kila Lola!!! "









"Pwede! Pwede! Kaso bakit ang aga-aga ko namang lalaruin si Oslo eh may nag gegeneral cleaning sa bahay!! Mali!! Mali!! Shit! Bakit ngayon pa ako walang maisip na idadahilan. Tsss.." halata sa mga mata ni Rita na natetense ito. At ganoon din naman ako.











"Tara!" biglang sabi ni Rita at hinatak niya ako papasok ng kwarto ko.







"Teka, may binabalak ka ba sa akin?" biro ko dito pero hindi ito natawa sa biro ko dahil ramdam kong tense parin ito.






"Hakutin mo ang lahat ng gamit mo sa buong kwarto na ito.. Bilisan mo!! Ako ng maghahakot ng mga gamit ni Oslo sa kwarto ko. Akin na yung susi ng kotse mo, doon ko ilalagay sa loob lahat!"













"Teka, saan mo naman ako balak patulugin?"







"Bahala na. Akong bahala.." sabi nito kaya ginawa ko naman ang sinabi nito. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko sa kwarto , lalo na ang sipilyo, towel at mga wax ko sa buhok na nasa banyo..


















My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now