"Why sudden mention of her name?"

Ako naman ang ngumisi. I felt him beside me, sumasabay na rin sa paglalakad ko.

"You want to move on from her, right? That's the first step, asshat. You have to be used to hearing her name even if you don't want to. Even if it's hurting you. Dadating ang panahon, baliwala na lang sa'yo sa tuwing maririnig mo ang pangalan niya."

"I hope that day really come fast," he uttered. "Have you finally moved on from your ex?"

Natawa ako. "I think so. I still think some of our memories but it's not painful anymore. Hindi ko siya kawalan, Alas."

"It's the other way around."

I smiled inwardly. It's been a week since Alas swore that he would finally let go of his feelings for Trish. Alam kong mahirap para sa kaniya ang umabante mula sa isang bagay na ayaw niya pang pakawalan pero wala siyang pagpipilian kung hindi ang sumuko. I just hope that one day, he will find himself free from all the heartaches and pain Trish has caused him.

Sana isang araw, mahanap niya na ulit ang sarili niya. Na hindi niya na kailangan pang ngumiti ng pilit, tumawa ngunit sa bandang huli ay mangungulila. I wish nothing but for happiness to find him again.

I maybe rude to him whenever we're together but I still want him to be fine. Back to whatever he is before. I'm already part of his story. I witnessed how he cried, how he bled until he surrendered the flag. Walang dahilan para hindi ko hilingin ang sumaya.

"Let's sit for a while, hun." Alas suddenly held my hand and pulled me on the bench under the tree.

Bago pa ako makaangal ay naiupo niya na ako sa tabi niya saka idinantay ang mga kamay sa sandalan. Kung titingnan sa malayo, akala mo siya nakaakbay sa akin. Uusod na sana ako nang bigla niya akong pigilan sa hita ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa ibabaw ng hita ko saka siya pinaningkitan ng mga mata kahit pa hindi naman niya nakikita dahil nakapikit siya.

"Get your hands off me, Trajano. Para-paraan ka." irap ko at ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya mula sa hita ko.

Narinig ko ang bahaw niyang halakhak dahilan para sulyapan ko siyang muli. His eyes are still close, a smirk was etched on his lips. Sumisilip ang sikat ng araw sa mga dahon ng puno na siyang tumatama ng bahagya sa balat ni Alas. It made me see his pore less skin and rosy cheeks.

Gwapo rin talaga ng isang ito.

"Hindi ka pa ba napapagod?" tanong niya.

"Makakailang ikot pa ako kung hindi mo lang ako pinipigilan."

He chuckled. "Sama ka sa akin sa gym sa isang araw-"

"May sarili akong gym na pinupuntahan-"

"Saan? Ako na lang ang lilipat sa'yo."

Kumunot ang noo ko at salubong ang kilay siyang tinitigan. Nakapikit pa rin ang mga mata niya, halatang nagpapahinga.

He looks tired... emotionally.

"Bakit ba kailangang magkasama tayo palagi? As far as I'm concerned, si Zadriel ang kakambal ko at hindi ikaw."

Humagalpak siya ng tawa dahilan para magliparan ang ilang ibon mula sa punong sinisilungan namin. He unlocked his eyes and stared at me. He seems amused by my words like he finds it funny.

Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?

"What's wrong with wanting to be with you, hmm? I'm actually comfortable being with you, Ania. Kahit na palagi mo akong dinadarag."

Natawa ako. "Ang tanga mo kasi minsan."

He rolled his eyes. Idinekwatro niya pa ang mga binti niya dahilan para makita ko kung gaano siya kabalbon. I keep my eyes off from there and just anchored it into somewhere else.

Monasterio Series #5: Risks and Chances Where stories live. Discover now