Prologo

19 3 6
                                        

Lakad- takbo ang aking ginawa makalayo lamang sa mga humahabol sa akin. Hindi ko mawari kong saan ako patungo sapagkat ako'y tumakas lamang sa mga malulupit na kamay ng mga sundalong hapones na humahabol sa akin.

Papatayin nila si Ama sa hindi ko malamang kadahilanan ngunit bago ako tumakbo sa kagubatan at hinahanap nila ang susi, susi saan? Sa karsilyas? Kayamanan? Ngunit kanino naman? Bakit ganoon na lamang kahalaga para sa kanila ito at handa silang pumatay.

Pinaghalong pawis, luha, uhaw at hinagpis ang aking nararamdam sa kasalukuyan. Puro galos narin ang aking braso at mga binti dahil sa mga matutulis na bagay na tumutusok sa akin habang tumatakbo at ipinangsawalang bahala ko na lamang iyon.

Ang mahalaga ay makalayo ako, ang kaninang mahabang saya ko na hanggang talampakan ang haba ay hanggang tuhod na lamang dahil nagula-gulanit ito. Idagdag pa ang paghihirap ko dahil naka yapak lamang ako.

Ako ay nag-aalala sa kay Ama. Gusto ko syang balikan ngunit mahigpit na ibinilin niya sa akin na huwag ko siyang alalahanin sapagkat kaya niya ang sarili nya na syang duda naman ako dahil kasalukuyan itong pipilay-pilay ngayon.

Napilayan ito nang naglalakad kami papunta sa bayan dala ng mga palay na pasan nya. Nalaglag ito sa isa sa kahon ng palayan, namali ang tapak nito kaya ganun ang nangyari.

Bata pa naman tignan ang aking Ama na nasa edad na trenta'y otso at maraming nagsasabing magandang lalaki daw ito ay hindi ko naman makita kung saan banda.

Karamihan sa mga kababaihan aming maliit na sitio ay may napipintong pagtingin kay Ama kahit ang iba sa mga ito ay may kasintahan na. Mas mabenta rin sya sa mga matatanda at byuda na.

Malimit din siyang pagselosan ng mga kalalakihan sa amin na pinagtatawanan at pinagsasawalang bahala nya lamang. Hambog na Tatay!

Hindi ko na naintindihan ang buong detalye ng sinabi ni Ama ngunit ang alam ko ay kailan kung tumakas at magtago sa ligtas na lugar dahil pag ako'y kanilang nahuli siguradong hindi nila ako iiwan ng humihinga.

Payapa lamang kaming kumakain ng hapunan kanina ng biglang sinabi ni Ama na lumabas ako at magtago sa gubat.

Tinapon ko ang aking hawak na lampara sa sapang aking nadaanan upang hindi nila ako madaling makita gamit ang liwanag nito. Balak ko sayang uminom ng kahit kaunting tubig ngunit alam kung wala na akong pahanon dahil ramdam ko na ako'y malapit na nilang maabutan.

May inabot sa akin si Ama kaninang maliit na supot na naglalaman ng kung a anong dinikdik na dahon na hindi ko alam kung para saan.

Naririnig ko parin ang mga boses ng mga sundalong humabahol sa akin tanda ng malapit lang sila.

Nakapabilis nila, hindi bababa sa bilang na sampo ang humahabol sa akin.

Napakalakas din ang pang- amoy nila maging ang mata nila ay nakakakita sa dilim na hindi kaya ng mga normal na tao lamang at nakalabas din ang kanilang mga mahahaba at matutulis na pangil.

Tama, sila ay mga bampira sa pamumuno ni General Zen o Zenishi Takashi at kanang kamay nitong si Aaron na isang ngiti palang nito sayo ay siguradong mangingilabot ka at mandidiri dahil narin sa ngipin nito na akala mo ay sampung taon ng walang sipelyo.

Kilala si General Zen sa aming buong bayan dito sa La Trinidad bilang isang malupit na heneral at pananamantala sa mga nakakababa rito higit lalo na sa mga alipin.

Dati ay hindi ako naniniwala na sila at totoong nabubuhay sa mundong ito dahil madalas ko itong naririnig kay Ama sa tuwing hindi ako natutulog ng sa tamang oras.

Tinatawan ko lang ito dahil akala ko ay tinatakot lamang ako nito ngunit ng makita ko kung paano sila kumilos at lumusob kay Ama ay walang dudang kakaiba nga at napakalakas nila.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 05, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu Biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Japanese Time: 1941Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora