"Wala na si Yesha na patay na patay sayo. Nagising na sya. Wala naman daw syang mapapala." Sagot ko.

"Pero pwede pa namann sigurong matulog ulit. Para naman malaman mong pwede ko din iparamadam sayo yung pagmamahal na kaya kong ibigay." Nahinto ang pag swing nya.

"Tapos ano? Gigising na naman ako para malaman na isa lang palang panaginip ang lahat?"

"Kaya kong patunayan na totoo yun .." napatingin ako sa kanya.

"Ruki gusto ko ng mag give up, pero eto ka naman binibigyan mo na naman ako ng dahilan para umasa. Ano ba talaga?"

Tumingin lang din sya sa mga mata ko at sinimulan punasan ang mga luha na pumapatak.

"Bigyan mo lang ako ng chance."

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko o hindi .. pero nagdadalawang isip pa din ako hanggang sa maramadaman ko ang labi nyang dahan dahan lumalapit sa akin. Yung malambot nyang labi, yung kamay nyang nakahawak sa bewang ko, yung mabango nyang hininga.

"I love you Yesha." Panaginip ba'to? o talagang totoo na?

Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong masabi. Nakatingin lang sya sa akin. Hanaggang sa huli nasabi ko na lang na ..

"Pag iisipan ko." Ngumiti sya sa sinabi ko.

"Mas ok na ako dyan kesa sabihin mong suko ka na."

"Paano kung sumuko na ako?"

"Ikaw lang ang sumuko pero hindi ako."

Okay. Kinikilig ako. Leche.

"Eherm. Kanina pa kayo hinahanap. Baka gusto nyo naman magpakita sa mga bisita." Hay nako si Vanny talaga kahit kailan. Panira ng moment.

"Tara?"Aya nya sa kin sabay hawak sa mga kamay ko.

Naunang maglakad si Vanny sa amin kaya naman ng masalubong nya yung babaeng kasama ni Ruki kanina ay huminto sya. Paanong hindi sya hihinto, malayo pa lang ay nagaapoy na ang mga mata nung Norika habang nakatingin sa akin.

Lumapit agad yung babaeng samin ni Ruki.

"Ruki .."

"Rika, si Yesha. The one I'm telling you. Yesha si Norika, my ex-wife."

"Hindi pa naapprove ang annulment natin so hindi mo pa ako ex wife!" biglang sumigaw yung Rika sabay tingin ng masama sakin. Teka ha, ayoko ng gulo, kaka hot oil lang ng buhok ko. Excuse me mahal magpa hot oil.

"It seems that there's little misunderstanding here. Pasensysa ka na Ruki ha? Pero kukunin ko muna si Yesha dahil baka madamay pa sya sa gulo nyong dalawa. Halika na Darling." Sabay tanggal ni Vanny ng kamay ko sa pagkakahawak ni Ruki.

Ayaw ko man silang iwan ay wala na akong nagagawa. Kilala ko si Vanny, kung kaya ngayang umiwas ng gulo, gagawin nya, pero pag nag umpisa na, hinding hindi sya papayag na matalo. Kaya habang nakakaiwas pa, kami na ang lalayo.

Saka sayang ang bagong hot oil kong buhok no.

Nakarating kaming dalawa sa mesa nila Twinnie. Aba't iba na ang feeling ko sa kanila ni Peter ah. Naupo kami magkatabi ni Twinnie. May isang available seats pa sa pagitang naming ni Vanny. Para kay Ruki ba?

Pero nakak curious talaga yung Rika ah. May Lander na nga sya tapos gusto pa ng Ruki? Ano ba talaga? Yung totoo? Nag cocollect ba sya ng mga lalaki? Bakit hindi na lang sya pumili ng isa tapos pkawalan nya yung isa.

"Hi is this seat taken?" napatingin ako sa lalaki. Okay. Ang POGI nya. With the capital P-O-G-I. mukha syang Kpop star.

"No."

"May I seat?"

"Su-"

"NO." biglang lapit ni Ruki samin sabay akbay sakin. Ok. Ang haba ng hair ko. "Maraming bakanteng upuan Lander. Pwede ka sa iba. not this seat. Not beside My Girl."

Not beside my Girl? Oh taray kelan pa nya ako nging babae? Hmm 1 minute ago?

Saka Lander? Omg. Sya ba yung Lander na lalaki nung Rika? Taray telenovela ang peg. Love square na kami dito.

"My dear cousin hindi ko alam na nakahanap ka na pala agad ng papalit kay Rika."

"Hindi ako humanap. Destiny ang tawag samin."

Oh kabugin nyo ang destiny namin ni Rukibabes! Destiny daw.

"By the way, she's beautiful." Nakangiting sabi sakin ni Lander. "I'm Lander. Ruki's cousin." Nag offer sya ng handshake. Pero agad na binaba ni Ruki ang kamay nya.

"And Rika's other man."

Nag smirk naman si Lander.

Haba naman ng hair nung Rika na yun. Dalawang fafable ang nagaagaw sa kanya. Ay teka di pala nakiki agaw si Ruki sa kanya.

"Kung wala ka ng kailangan. Umalis ka na." ang BV ni Rukibabes sa Lander na yun ah. Sabagay kung ikaw ba naman makaharap mo ang lalaki ng asawa mo ewan ko lang kung di ka pa manapak.

Pero bigla naman akong naging bitter. Naiinis si Ruki dahil nandito si Lander, kasama siguro sya ni Rika. Kaya ba lumalapit si Ruki sakin ngayon para gawin akong panakip butas? Para pagselosin yung asawa nya?

Ano ba? Naguguluha na ako .. tss buti pa tong mga kasama namin kung magchismisan parang walang kasama.

Si Miyu kung makangiti habang kausap si Peter parang mapupunit pa yung mukha. Eto namang dalawa na to, este isa tapos yung isa half lang pala, ah ewan ang gulo. Mukhang nilalandi na ni Vanny si Jac ah. Nakakuha ng fafa.

"Naiiinis ka ba dahil di mo nakausap si Lander?"

"Paki ko sa kanya.

"That's Lander Park. Korean celebrity."

"So?"

"Every girls drooling on him."

"Not me. Baka yung Rika mo lang."

"Then stop looking at him. Nagseselos ako."

Ano daw? Pakiulit nga?!

Aragon Empire : deja vuWhere stories live. Discover now