"Hi Peter the Nerd." Natatawang sabi ko.

"Hindi ka pa din nagbabago." Nakangiting sabi nya.

"Ganon talaga Dyosa always be a Dyosa. "

"Mayabang ka pa din .." tukso nya na nagpatawa sa aming dalawa.

Yeah mayroon kaming past ni Peter. Past as in past secret. Hindi naman talaga naging kami. Sa tingin siguro ng iba. pero ang totoo, kay peter ko nahanap yung isang tao na makikinig sa mga problema ko.

Ewan ko ba. Kasi diba minsan sa buhay natin masarap maghinga ng sama ng loob sa isang taong hindi mo kilala. O hindi mo pa gaano kilala. Dati talaga ayaw na ayaw ko sa kanya for my twinnie, pero pagkatapos namin magkausap at nakilala ko sya ng lubusan, para sakin, mas karapat dapat na maging sila ni Twinnie.

"Oh paano iiwan ko muna kayo ha .. I just need some fresh air .." natatawang paalam ko.

"Fresh air o Rukibabes mo?" tanong ni Vanny sakin.

Hindi ko na lang sila sinagot at naglakad na palayo.

Sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung anong gagawin ko, should I keep loving him, fight for him o tama na? ilang taon na din naman na. baka nga hanggang dito na lang siguro yung love story namin ni Ruki. Kung love story ngang matatawag to.

Nang dumaan ang waiter ay kumuha ako ng isang baso ng wine at naupo sa swing kung saan madalas kaming magkasama ni Ruki noong bata pa kami. Lagi ko kasi syang pinupuntahan para lang Makita, para bantayan, para makalaro, para iremind sa kanya na kami lang forever.

Lintik na forever yan! Wala naman yatang forever eh.

Mauubos ko na ang wine ng marinig ko ang mga boses sa bandang garden.

"You don't need to go here Rika. We are settled."

"No Ruki. Please." Umiiyak ang boses ng babae. Pero ang ganda nung boses. Nakakainis. Ayun ba si Norika? Siguro. Bakit naman siya umiiyak?

OMG. Baka nakikipagbreak na si Ruki Babes sa kanya kasi narealize nyang ako pa din ang mahal nya.

"Rika I had enough. Sinubukan kitang intindihn. But this time that's too much. Having an affair with him is considered cheating. You cheated on me. Ginawa ko ang lahat para mag work ang relationship natin. But I guess that's enough. Sarili ko naman ang iintindihin ko. Buhay ko naman ang aayusin ko."

"Ruki please, Dad will be mad at if he knows about it."

"Hindi nya malalaman ang tungkol sa inyo ni Lander, you can't change my decision. That's final." Saka lumabas mula sa matataas na halaman si Ruki, patong patong na paso kasi ang mga nakaharang sa garden at mini play ground ng bahay nila.

Nakita nya ako, at tiningnan.

"Knaina ka pa dyan?" he asked me.

Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy ang pagsi-swing ko. Wala akong paki alam sa kanila.

"Ruki." Sabay pa kaming napalingon sa babae.

"Umalis ka muna." Taray naman nitong si Rukibabes makapag paalis.

Rinig ko pa ang hikbi nung babaeng haponesa, di ko sya tiningnan kasi ayokong ma insecure, kasi buti pa sya, pinag effort-an ni Ruki na magwork ang relasyon nila.

Eh ako? Kahit anong pagpapansin ko hindi nya ako binigyan ng effort.

Ganun talaga. Weather weather lang yan.

"You heard us?"

"Wala naman akong paki alam." And I take another sip of my wine.

"Hindi yan ang Yesha na kilala ko. Dapat nasisimula ka ng magtanong ngayon. Hanggang sa mapaamin mo ako .." nakatayo sya sa gilid ko at tinutulungan akong mag swing.

Aragon Empire : deja vuWhere stories live. Discover now