Chapter 1

11 2 0
                                        

Evon's Pov

"No dad! I wont marry a man who I don't even know!"malakas na sigaw ko sa aking ama. Sino ba naman ang hindi mapipikon kung malalaman mo nalang na ikakasal ka nalang sa isang tao na di mo naman kilala? Ni wala nga akong jowa? Tapos ikakasal agad? No! No! No! This can't be!

"Don't shout Fanie!"balik sigaw ni daddy sa akin. Di daw ako pasisigawin tapos siya sumisigaw? Kahit anong gawin nila di ako papayag!

"Di ko masusunod ang pinapagawa mo sa akin dad. I'm sorry but I won't marry whoever that fvcking prince he is."mahina munit may diin kong sabi sa kanya. Nababakas na sa mukha ni daddy ang pagkafrustrate dahil sa pagmamatigas ko.

"You're a princess for God's sake, fanie. So please! Please! Magpakasal kana kay Prince Desmond gaya ng napagkasunduan namin."halos luluhod na si daddy sa harapan ko ngayon sa pagkumbinsi na magpakasal lang kay ano nga ba yon? Prince Desmond? Ang panget naman ng pangalan na yon. Seryoso ka ba author na pang prinsipe yang pangalan na yan?

A:gaga! Wag kanang choosy character lang kita na ginawang prinsesa. Ikaw kaya gawin kung lola basyang ang pangalan ha?

Oh tama na ang propaganda! Back to story.

Kahit anong gawin mo dad sorry to say di ako magpapakasal sa Prince Demon na yon! Este Prince Desmond!

"Ayaw ko ok? At saka kayo ang nakipagsundo diba? Kaya kayo din ang magpakasal dun."pagmamatigas kong sabi. Kaya mas lalong nag usok ang ilong ni dad. Sana all parang trambotso umuusok!

"Either you like it or not magpapakasal ka parin kay Prince Desmond!"sigaw ni daddy at iniwan akong mag isa sa sala ng palasyo.

Napatulala pa ako saglit. Di to maaari kailangan ko nang umisip ng paraan malusotan lang ang kasunduan 'kuno'. Bakit pa kasi ako naging prinsesa! Bakit hindi nalang ako naging anak ng ex-con, bakit di nalang ako naging anak ng isang mafia boss o di kaya ng isang druglord! Bakit sa isang hari pa? Di nga talaga natin madidiktahan ang tadhana. But I guess we can change it through our decisions.

Napabuntong hininga nalang ako saka umakyat na sa aking silid. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng aking kwarto ng marinig ko ang aking mga magulang na nag uusap sa library room malapit sa kwarto ko.

"Napakatigas ng ulo ng batang yon. Mahihirapan tayong kumbinsihin siya."naririnig kong sabi ni mommy. Matigas ang ulo? Matic na yong ako ang topic nila kaya sa halip na papasok sa kwarto ay lumapit ako ng kunti sa pintuan ng library at pinakinggan ang mga pinag uusapan nila.

"Yeah! Yeah! I know that my queen but di na natin mababago pa kung ano ang nakasaad sa propesiya na sinusunod nating mga may dugong bughaw."nagpapaintinding sabi ni dad at para bang sa pagkakasabi niya ng mga salitang yon ay di na talaga niya kayang baguhin. At saka ano na namang propesiya na yan!? Hays na naman? At ako pa talaga ang napagtripan ng propesiya propesiya na yan no? Hanep eh!

"Hays sana nga maisakatuparan yang propesiya na yan. But I'm more than worried to our princess. Lumaki siyang alam ang propesiya na yan but knowing her personality susuway at susuwayin niya kahit na ano pa man yan dahil sa katigasan ng ulo niyang batang yan."hays bakit pa kasi may propesiya? My parents know me well ah. Tama ka mommy handa akong suwayin kahit ano pa man yan.

Akma na sana akong babalik sa kwarto ko ng magsalitang muli si daddy.

"Sabi ng propesiya sa ikalabing-walong taong gulang ng prinsesa ng Anvile ay kailangan itong maipakasal sa prinsipe ng mga Roan."tika! I'm now 17 at mag 18 ako sa susunod na buwan! So it can't be! No! Ayaw ko pang makasal! Agad-agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko ng maramdaman kong papalabas na ang mga magulang ko.

Agad akong napaupo sa gilid ng kama dahil ayaw paring tanggapin ng utak ko ang huling narinig ko sa pag-uusap ng aking mga magulang. Kailangan ko na talagang makahanap ng paraan para lang di maisakatuparan ang litseng propesiya na yan! Ayaw ko pa talagang makasal ng maaga at lalong lalo na sa di ko man lang kakilala! Baka anong gawin sakin ng lalaking yon. Baka mapatay ko pa siya!

Nasa ganuong sitwasyon ako ng biglang pumasok si Nanny Dida-siya ang nag-alaga sakin simula bata palang ako. Nasanay na ako na di man lang ito kakatok at bigla nalang susulpot.

May dala itong isang basong gatas as usual.

"Uminom kana ng gatas Evon."at one thing that I like her is di niya ako tinatawag na mahal na prinsesa. Tinatawag niya talaga ako mismo sa pangalan ko.

"Nanny I want to hear what's your opinion about those damn prophecy."nanggigigil na sabi ko kaya bahagyang napatawa si Nanny Dida. Btw mga nasa 60 na ang edad niya. And siguro naman akong alam niya ang mga propesiya na yan dahil mahigit kalahati na ng kanyang edad siya naninilbihan sa amin. At siya ang nagsabi sakin tungkol sa mga propesiya.

"Haha nako Evon. Ikaw talagang bata ka uminom ka nalang ng gatas at matulog."halatang pilit iniiwas ni Nanny Dida ang usapan tungkol sa propesiya. Ang layo ng pinadpad ng salita nitong matandang to ah.

"Argg! Nanny! Sige na! They said that I need to get married pagka 18 na ako. Pero alam niyo naman siguro na ayaw kong magpakasal ng maaga eh. Nanny I need your advice!"parang bata kong sabi kay Nanny. Para kumbensido talaga hehe.

"Hayaan mo nalang ang nakatakda Evon."nadismaya naman ako dahil sa naging sagot niya. So hayaan ko nalang na ikasal ako dun sa Demon--este Desmond na yon?

Napasibangot ako at aalis na sana si Nanny ng bigla akong tumili ng mahina dahil sa ideyang naisip ko.

"Susmaryosep! Ano ka ba naman Evon! Bakit ka bigla nalang titili diyan?"halatang nagulat si Nanny dahil may pa hawak-hawak pa ito sa dibdib niya. Sana all may dibdib!

"Nanny! Hali ka nga dito! Lumapit ka may sasabihin ako sayo! Hahahaha."masaya ngunit mahinang sabi ko dahil baka may makarinig pang iba.

Agad namang lumapit si Nanny saka pinaupo siya sa kama.

"Nanny promise me you won't tell it to anyone especially to my parents ok?"nakangiting sabi ko sa kanya. Naniniguro lang ako dahil baka ipahamak pa ko nitong matandang to. At mabulilyaso pa itong idea na naisip ko hahahaha.

"Oh eh ano ba yan ha?"

"Ganito kasi Nanny hahaha. Ahm ganito kasi ano hahaha t*ng*na naman oh!"tinampal ni Nanny ng mahina ang mukha ko dahil di ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil panay ang tawa ko. Ikaw ba naman makaisip ng paraan para hindi matupad ang propesiya di ka ba sasaya ha? Haha

"Dalian mo na nga! May gagawin pa ako eh. "Naiinip ng sabi ni Nanny kaya tumigil na ako sa pagtawa at sumeryoso.

"Nanny tulungan mo kong makaalis sa palasyo at lumayo sa lugar na ito."seryosong sabi ko kay Nanny with matching pahawak kamay pa. Bumakas ang pagkagulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Nababaliw ka na ba Evon? May lagnat ka ba?"kinapa pa niya ang leeg ko kung may lagnat ba talaga ako.

"Nanny I'm serious. Tulongan mo ko please? Please nanny?"sabi ko with pakyot effect para talaga makumbinsi ko si Nanny. Napabuntong hininga naman si Nanny dahil sa hiling ko na alam kong mahirap para sa kanya.

"Evon pag tayo nahuli ng mga magulang mo sigurado akong tayong dalawa mismo ang matsutsugi."

"Hindi yan Nanny. Sige na? Please Nanny!? I just don't want to get married at the early age eh!"

"Hays! Oo na! Oo na! Pero pag talaga nahuli tayo! Nako lang talaga!"

"Yes! So can you suggest a place where no one knows me?"

"Doon sa lugar ko nasisiguro akong walang ni sinuman ang makakakilala sayo. At malayo yon dito sa lugar niyo."napayes naman ako dahil sa sinabi ni Nanny. Sa wakas! Woah! Freedom!

Maaalis na rin ako sa lugar na ito. And I'm excited with the thought of it! Bukas na bukas bye bye palasyo and welcome to lugar ni Nanny!

Matapos ang pag-uusap namin ni Nanny tungkol sa planong pag-alis ko sa palasyo ay agad akong nag impaki saka plinano ko na kung saan ako dadaan. Everything was settled!

Masaya akong humiga sa aking kama dahil bukas na bukas ay ang pagbabago ng aking buhay.

To be continue...

The Austere PrincessWhere stories live. Discover now