Chapter 29: Meeting the Dragon

Magsimula sa umpisa
                                    

"May match sila 'di ba? Para magsi-kilos agad 'yang mga 'yan." Nakangising sabi ni Kuya London at cinonnect ang phone niya sa bluetooth ng speaker.

Napailing na lang ako. Forte 'to ni Kuya London, eh... Ang mambuwisit.

"Anong papatugtugin mo?"

"Kill this Love ng Blackpink. Nakakagulat 'yong intro no'n 'di ba?" Tanong niya at napatawa ako.

He opened the door at mahimbing pang natutulog ang apat. Si Dion at Renshi ang magkatabi sa kama na nakatalukbong ng kumot samantalang si Gavin at Oli ang nasa sahig. Dito mo talaga makikita kung sinong Battle Cry members ang parating nabu-bully, eh.

Tinodo ni Kuya London ang volume at pinlay ang kanta. Ni-ready ko ang cellphone ko para i-video ang reaksiyon nila.

Dun dun dudun dun dudun... Yeah
Blackpink in your area

"Putangina naman, oh!" Malakas na sigaw ni Gavin at pinahid ang tulo laway niya.

Tawang-tawa kaming dalawa ni Kuya sa ekspresyon nilang apat dahil ramdam ko 'yong pagnginig ng katawan nila na halatang nagulantang ang kaluluwa nila, eh.

"Gumising na kayo." Mangiyak-ngiyak sa tawa na sabi ni Kuya London at pinause ang kanta. "'Di ba nagising kayo haha! Putangina, nakakatawa 'yong reaksyon ninyo."

"Parang mga gago." Kumakamot sa ulo na sabi ni Oli. "Ano ulam?"

"Meatloaf, Corned beef, hotdog." Paliwanag ko. "Sumunod na kayo sa kusina."

Isa-isa silang bumangon at naglakad papalabas ng guest room. Si Dion ang huling lumabas. Napangiti ako noong maalala ang ekspresyon niya kanina.

"Nakakatawa 'yon?" Masungit niyang tanong.

Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Hindi ko naman idea 'yon. Si Kuya London nakaisip no'n."

"Tumawa ka pa rin."

"Kasi ginigising ko na kayo kanina ayaw ninyo pang bumangon." Dahilan ko.

"Ewan ko sa 'yo."

Humabol ako sa paglalakad ni Dion. "Hala siya, nagalit siya. Sorry na."

Umupo si Dion sa bakanteng upuan at ngumiti kanila Mom at Dad. "Good morning po." Nawala ang ngiti niya noong napatingin siya ulit sa akin.

Magkatabi kami ni Dion kumain at nakikinig lang kami sa kuwentuhan nila Dad. Siyempre bida-bida pa rin si Oli, daming kuwento about sa competition.

Kinalabit ko ang kamay ni Dion at napatingin siya sa akin. "Sorry na."

Hindi pa rin kumibo si Dion at nagpatuloy sa pagkain.

Nilagay ko sa pinggan niya 'yong ulam.

"Oh ayan, sa 'yo na lang 'yong hotdog ko." Bulong ko.

Napaubo si Dion at napabuga ng ilang kanin. "Milan!" Malakas niyang nasigaw at napatigil sila Dad sa kuwentuhan.

"M-May problema ba, Dion?" Tanong ni Dad. Oo nga, may problema ba sa sinabi ko? Kailangan ko yatang mag-mental note na hindi dapat sapilitang ginigising si Dion sa umaga dahil ang lakas ng badtrip niya.

"W-Wala po, Tito." Sagot ni Dion at uminom ng tubig. Masamang tumingin sa akin si Dion. "Umayos ka nga, Milan, kung ano-ano 'yang sinasabi mo."

"Sorry na. Idea ni Kuya London 'yon."

"Oo na." Sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos namin kumain ay unang naligo sina Gavin at Renshi (dalawa lang ang CR sa may baba) at tumambay kami nila Dion sa sala.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon