꧁CHAPTER SEVEN꧂

5 4 0
                                    

Shauna
P.o.V.

Tatlong linggo na ang nagdaan 'ay hindi na muli inaatake si Sean ng kanya'ng ULCER.. Isinasama ko na siya sa trabaho ko upang mabantayan ko siya ng maayos

May mga puntong sasakit ang t'yan niya pero mawawala din kapag naka-dumi na siya..

si Lucas naman ay madalang ko na lang din nakikita.. madalang na din siya bumisita sa bahay namin

Habang nagluluto ay nakikita ko si Sean na naglalaro ng mga laruan niya'ng dinala ko upang hindi siya mabored

"Bakla, alam mo ba ang chika?" Mula sa likuran ko ay nagsalita si Hendra

"Ano?" kunot noong tanong ko dito..

"Pasasabugin na daw ang bunganga mo sabi ni Presidente.." Baklang baklang singhal niya.. "Pag talaga chika ang paguusapan, biglang magiging big ang tengshi mo.." pagtutukoy niya sa tenga ko

"Hayssshh! Ano nga kasi?"

"Ganto kasi, Natatandaan mo ba yung sumabog nitong mga nakaraan araw dun sa Mall?" Tanong ni Hendra

"Oo, ano ba meron?"

"Alam mo bang isang daan ang namatay tapos nobenta pataas ang naghihingalo? Grabe I can't believe that.. ngayon lang ako nakaranas ng ganito.." iiling iling pang ani'ya.. "At saka alam mo ba? Ikakasal na daw yung pinsan ko at ang Ex mo, sinabi ni Kira sa akin na i-invite daw kita.. At sa Next week na yun, Linggo" malungkot pang dagdag niya

"Naku, h-hindi na.." pilit ang ngiting sagot ko

"Hanggang ngayon ba, Bakla ay mahal mo padin siya?" Tanong niya na sinagutan ko ng tango.. "Ay Gurl.. Wag mo na lunudin ang sarili mo sa kanya, Humanap ka na ng iba.. Shaun, tutulungan kitang maka-move-on.. kailangan mo na siyang kalimutan dahil paniguradong nakalimutan ka na rin niya.. Shaun.. bilang kaibigan mo, gusto kong tulungan ka sa kahit anong hingin mong tulong mula sa akin,..'' nakangiting anas niya.. "O sha.. maiiga na yung sinigang oh, Sige na... Hello po Maam, Pasensya na po kung matagal.. wag po kayong magalala bibigyan po namin kayo ng libre pang inumin.." rinig ko pang paumanhin niya sa mga costumer na kanina pa naghihintay

lumipas ang ilan pang mga araw at sabado na.. nagiisip ako kung pupunta ba ako dun o wag nalang dahil bukas na iyon..

Yun ang bagay na pinagiisipan ko ngayong day off ko.. naisip kong tawagan si Reign

~🍒Reigna🍒~

"Hello Reign.. punta ka sa bahay, bigyan mo ako ng advice.." sabi ko nung sagutin niya ang tawag

"Bakit, Shaun? May problema ba?"

"Oo kaya dalian mo na.."

"Sige.. sandali lang magbibihis lang ako.."

tinapos niya na ang call kaya naman bumuntong hininga ako at tumingin sa lumuluha na namang kalangitan

sandali pa akong naghintay ng naghintay hanggang sa marinig ko na ang busina ng kotse ni Reign kaya tumayo na ako upang labasin siya

"Reign!" Sigaw ko ng buksan ko ang payong para sunduin siya

bumaba siya at sumukob sa akin.. nagmadali kami sa pagpasok sa bahay at isinara ang pinto

Last Song You SingМесто, где живут истории. Откройте их для себя