Kaya simula nun lagi na akong pinag iinitan at pinag titripan ng hinayupak na prinsipe ng mga alien na yun. Gumaganti lang ako pag nasa mood ako, masyadong mahalaga ang oras ko para i-aksaya sakanya.



-------------------------------------------------------------------------


Nag order ako ng burger at pumunta sa pinakadulo saka doon kumain. Natigil ako sa pag nguya nang maramdaman kong may pumunta sa harap ko. Ibinaba ko ang pagkain ko saka uminom at nagpunas ng labi.

"Gurang! Ba't mo ako tinakbuhan kanina ah!"

Hindi ko siya singot, tumayo nalang ako at umalis. Hindi dahil sa duwag ako, ayoko lang talaga ng gulo.

Pag katapos ng klase ay dumiretso ako sa coffee shop ng tita ko at nag unpisang magtrabaho.

"Oh ito yung sahod mo, dinagdagan ko pa yan" nakangiting sabi saakin ni Tita Marie at inabot sakin ang sobre.

"Thank you tita, muntik na akong mapalyas kanina hahaha" sagot ko naman

"E bakit kasi hindi ka pa umuwi-"

"Tita.." pag puputol ko sa sasabihin niya.

"Ok fine, kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa 'kin"


"Ok tita, thank you" nakangiting sagot ko saka kami nag lakad palabas ng coffee shop at isinara ito.


------------------------------------------------------------------


"Oh aling sonya, yan na yung bayad ko, kompleto yan"


"Hm.. Magaling, teka—" sagot nito at may kinuha sa loob ng bahay niya "Oh, ulam mo" nakangiting sabi niya at iniabot saakin ang isang mangkok na may lamang sinigang na bangus.

"Naks naman, may paulam pa ah! Salamat po" nakangiting sagot ko saka tumalikod

Pagkatapos kong kumain ay humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko, at nag basa ng mga text.


From: Inang araw
check your credit card


Pagkabasa nun ay pinatay ko na ang cellphone ko saka ako pumikit at natulog.

-----------------------------------------------------------------




"Ang aga ah!" bati sakin ni Manong Guard.

"Naman!" pag mamayabang ko.

Marami akong nakakasundo sa campus na 'to. Lalo na kay Manong Bentong na guard at kay Mr. Nam. Madalas kasi akong late.

Pagkarating ko sa room ay isa palang ang istudyante na nadatnan ko at umagang umaga, kinakarma na naman ako.


"Gurang tabi tayo ah!" maingay na sabi ni Alien, hindi ko siya sinagot at umupo nalang ako sa dulo.

"Hindi ka pa ba tapos diyan sa paghihiganti mo sakin?" walang gana kong sabi.

"Hangga't hindi pa ako nakaka move on! Hindi pa ako tapos gurang!"

"'Bat ka kasi nag loko? Ayan tuloy nag dadrama ka!" nakangising sabi ko

"Kasalanan mo to! Kung hindi ka lang sana nangialam—"

"Nyenyenye ngenge nge" pang gagaya ko sakanya

"Nang aasar ka ba!?"

My Sweetest RevengeWhere stories live. Discover now