Wagas na Pag-ibig

0 0 0
                                    

Pag-ibig

Wagas na pag-ibig
Saan ko nga ba matatagpuan?
Ginawa na lahat ng paraan
Para ito ay makamtan.

Hinanap sa bawat sulok ng mundo
Sa karangyaan at kasikatan
Hindi rin ito naranasan.

Paano at bakit?
Mahirap ba na ako ay ibigin?
Pag-ibig tunay na mailap sa akin.

Hanggang sa ako ay may nakilala.
Hesus ang Kanyang pangalan.
Buhay ay inalay
Sa tulad kong walang karapatan.
Pagkapako sa krus
Kanyang naranasan.

Buhay ay binuwis
Para lang kasalanan ko ay mabayaran.
Pagkatao ay nayurakan
Pangalan ay nadungisan.

Ngunit hindi  Niya ininda
Dahil ang nasa isip Niya
Ay ikaw at ako
At ang ating kalayaan na matatamo.

Kung hindi dahil sa pag-ibig,
Sa wagas na pagmamahal
Kinalimutan kung sino Siya.
Itataya ang buhay
Para lang sa aking kinabukasan.

Tunay nga ang pag-ibig ni Hesus
Ay walang kapantayan
Pag-ibig na kailanman
Sa mundo ay hindi ko nakamtan.

Salamat Hesus
Sa pag-ibig na walang kapantay
Buhay ko ay iaalay

Ako ay gamitin Mo
Maibahagi sa iba
Ang walang kapantay na pag-ibig Mo.


=====

God bless everyone. To God be the Glory!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TintaWhere stories live. Discover now