Pagkagising sa umaga
Halimuyak mo ang aking hanap
Ang maligamgam na pakiramdam
Na dulot sa aking mga labi.
Sa bawat paghigop
Dugo ay dumadaloy
Ang katawan ay sumisigla
Sa lasang pinaghalong pait at tamis.
Salamat sa iyo.
Nakakapagbigay ngiti sa aking mukha.
Araw ay gumaganda.
Ginaganahan magsimula ng panibagong araw.
YOU ARE READING
Tinta
PoetryNais kong linangin ang aking kakayahan sa pagsusulat ng mga tula. Pipilitin na makapagsulat lingo-lingo.
