Taguan

16 0 0
                                        

Sa araw na ito, lalo na bisperas ng pasko ngayon, ako ay sobrang nasisiyahan dahil kami ng mga kapatid at pinsan ko ay maglalaro ng tagu-taguan at si Tito Joaquin ang taya. Hindi ko alam kay Ate Patricia kung bakit iyak nang iyak na para bang mamamatay na siya. Pati rin si Ate Alice at si Ate Zoe na panay tulo ang kanilang mga luha parang nanonood lang ng kanilang paboritong pelikula na pinamagataang Miracle in Cell No 7. Pero ito ang mas matindi, sina Kuya George, Kuya Owen, at si Kuya Matthew umiiyak habang nagyayakapan sila. Unang beses ko pa lang itong nakita na halos sa amin ay umiiyak. Dahil nga sa gutom at matagal pa sisimulan ni Tito Joaquin ang laro, kaya tinanong ko siya, "Tito Joaquin gutom na gutom na ako, kalian po tayo kakain? At kalian po tayo magsisimula maglaro?"

"Magsisimula na tayong maglaro. Kung pagkain naman ang pag-uusapan, mamaya na tayo kakain pagkatapos ng laro natin," tugon ni Tito Joaquin sa akin na may kasamang ngiti. Tumalikod si Tito Joaquin sa amin at habang nakatalikod siya sinabi niya ang iisang panuntunan ng laro at ito ay huwag magtatago sa labas ng bahay at kung sinuman ang magtatangkang lumabag sa panuntunan niya ay mapaparusahan. Humarap sa amin si Tito Joaquin na may kasamang ngiti at tinanong niya kami, "Handa na ba kayo?" at dahil nga sa sobrang saya ko, napasigaw ako ng "Oo!"

Tumalikod ulit si Tito Joaquin at sinabi niya ang mga linya ng laro, "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, Masarap maglaro sa kadiliman ng buwan, Wala sa likod, wala sa harap, Pagkabilang kong sampu nakatago na kayo, Isaaaa, dalawaaaaaa, tatloooo." Dali-dali kaming tumayo sa aming mga upuan at dali-daling nagsitago sa aming matataguan. Hindi alam ni Tito Joaquin na ako ang pinakamagaling sa larong tagu-taguan kaya pinili kong nagtago sa laundry room. Habang binilisan ko sa paglakad papunta sa laundry room ay nakita ko si Mummy na nakaupo malapit sa laundry room na may hawak na wine glass. Hinalikan ko si Mummy sa pisngi at sinabi ko sa kanya na kamukha niya ang isang Indian dancer noong nagpunta kami sa India. Nasabi ko iyon dahil may malaking pulang butas sa noo ni Mummy. Bago ko mayakap si Mummy ay narinig ko na ang ika-sampung bigkas ni Tito Joaquin at nagsimula na siya sa paghahanap sa amin. Dali kong binuksan ang pinto ng laundry room at doon ako nagtago sa loob ng washing machine. Habang nagtatago sa loob ng washing machine bumilis ang tibok ng puso ko noong narinig ko ang parang putok ng baril at sigaw ng aking mga kapatid at pinsan. Dahil sa kaba at takot pinagpawisan ang aking kamay at paa. Mas bumilis pa ang pagtibok ng aking puso noong narinig ko ang lumalapit na sipol at yapak ni Tito Joaquin.

"Huli ka!" sigaw ni Tito Joaquin na may kasabay na ngiting nakakatakot habang ang kanyang mukha ay nakadikit sa parang circular window ng washing machine. Dahil nga sa gulat napaihi ako sa aking pantalon. "Oliver, dahil ikaw ang aking paboritong pamangkin, 'wag mong sasabihin na nahanap na kita. Diyan ka lang magtago hanggang sa matapos ang laro," sabi ni Tito Joaquin. Ngumiti ako sa kanya at nginitian rin niya ako pabalik. Pero ito ang pinagtataka ko, pagkatapos niya ngumiti sa akin ay tumayo siya saka kinandado niya ang pinto ng washing machine at pinaandar niya ito.

TaguanWhere stories live. Discover now