Chapter 21: This is E-Sport

Start from the beginning
                                    

I realized na tama si Vegas. Female Players need a representative para sa mga Professional Tournaments para hindi kami minamaliit ng karamihan na Male Hunters.

"Kuya, parang kino-consider kong maging Professional Player," parang hindi naman nagulat sila Kuya London sa sinabi ko at umayos lang sila nang upo. "Hindi kayo nagulat?"

"Kuya mo kami, malamang ramdam na namin na gusto mo iyon gawin." Kaswal na paliwanag sa akin ni Kuya London. "Sabi nga namin, wala naman kaming balak pagbawalan ka sa mga gusto mong gawin sa buhay. This is the perfect time na mag-explore ka kasi hawak mo pa 'yong oras mo... Kasi kapag nag-work ka na, wala na, tali na ang oras mo. Nage-gets mo ba ako?"

"Kaya ba hindi mo magawang mag-wakeboarding kahit last month mo pa sinasabi 'yon?" Tanong ko.

"Oo, tangina, imbes na mag-wakeboarding ako ay itutulog ko na lang dahil may pasok kinabukasan." Inis niyang kuwento. "Pero nasa bucketlist ko pa rin iyon. Matuto mag-wakeboard."

"Hindi naman kami kokontra sa desisyon mo, Milan. Pero itatanong ko sa 'yo, kaya mo ba?" Seryosong tanong ni Kuya Brooklyn. "Hindi ka maghihinto nang pag-aaral dahil sa pagiging Pro Player. It will be a world na dominated ng mga male players. Kaya mo ba?"

Saglit akong natahimik. "Ita-try ko pa lang naman. Kung hindi kaya, e 'di quit na agad." Paliwanag ko.

"Baliw, may contract 'yon." Naiiling na sabi ni Kuya London. "Kaya pag-isipan mo. Bakit naman ba naisip mo bigla ang bagay na iyan?"

"Gusto kong maging unang babae na makapasok sa Professional League." Parehas silang napatigil sa pagkain. "Napansin ko kasi sa Hunter Online na madalas maliitin ng mga lalaking players ang mga babaeng players. Just because they are women! Oh my God, what a sexist jerks. Kung magkakaroon ng representative ang kababaihan sa Professional League. It will be a slap to those retards na may skills din naman kami, kaya namin makipagsabayan sa mga tournament."

"That's cool." Kuya Brooklyn said. "As long as kaya mong i-manage ang oras mo, then go. Kung magkaroon ka ng fail subject next semester, ipapa-terminate ko agad ang contract mo kahit magkano pa 'yan."

"Inform Mom and Dad about your decision," kumakain na sabi ni Kuya London. "Especially to Dad. Kapag may mga Tournament ay sa Boothcamp ka titira so mawawala ka sa bahay. Bunso ka pa naman."

***

ARAW ng Sabado at heto ang araw kung saan gaganapin ang maliit na competition dito sa Robinson Malolos. Sarado pa ang mall ay mahaba na ang pila mula sa labas.

"Ganito karami ang manonood sa game?" Tanong ko kay Clyde habang nakapila kami. Akala mo ay may sikat na artista ang pupunta rito ngayon dahil sa haba ng pila.

"Since nagbukas ang new server (which is Peninsula) ay dumoble ang bilang ng players na naglalaro ng Hunter Online. Karamihan ng nandito ay siguradong players din ng game. At isa pa, may chance na makakita sila ng mga Professional Players and streamers dito dahil may mga sikat na team din na magpa-participate." Paliwanag sa akin ni Clyde.

Habang nakapila kami ay bigla na lang ako naatrasan ng mga tao sa harap namin dahil na rin nagkakagulo. Mabilis akong inalalayan ni Clyde sa balikat upang hindi ako matumba. "Okay ka lang?" Tanong niya.

"Ah, oo, nadumihan lang 'yong sapatos ko." Pinagpagpag ko ito. "Pero okay lang ako."

Seryosong tumingin si Clyde sa matabang lalaki na nasa harap ko at kinalabit ito. "P're, ingat naman. May mga babaeng nakapila sa likod mo." Bakas ang otoridad sa boses ni Clyde noong sinabi niya iyon.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now