PAGE 02

89 1 0
                                    

"Isang laro ang salitang 'TAYO' "

Isang laro ang salitang tayo,
Isang laro na di alam kung saan tutungo,
Isang laro na walang kasiguraduhan,
At hindi halos maintindihan.

Isang laro nga lang ba ang pag-ibig ko sayo?
O talagang wala lang ito?
Isang laro na kapag minahal ka'y....
Ako parin ang talo.



Hindi ko maintindihan ang sarili ko,
Dahil gusto ko ng sumuko,
Ngunit sabi nito'y 'huwag',
Kase...'mahal na kita'.



Isang kasalanan ba ang piliin ka?
Mali ba kung sabihin kong 'sorry, mahal na yata kita?'
Mahal kita, oo,
Pero kung talo lang din ako,
Ayoko na, tapos na'to.

ANG TULA NG PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon