Chapter Twenty-Four

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ang pinto at gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Cadence na nasa tapat ng rest house ni Castor. Katabi niya si Zakarius at si Arken na tila nahihiya sa pinaggagagawa ni Cadence.

Cadence is holding a megaphone, he smiled at me and waved his hand. Where the fuck did he get that megaphone?!

“Hello, Ms. Mendoza... Shit, I love megaphones,” sabi pa ni Cad.

Napasapo na lang ako sa noo ko, hindi ba siya aware na nakaka-abala siya sa ibang mga tao rito sa lakas ng megaphone niya?!

“What the hell, Cadence?!” naiinis na asik ko saka tiningnan siya nang masama.

“Sorry na, Ms. Mendoza. Namomroblema kasi 'tong kaibigan kong si Zakarius dahil ayaw mo siyang kausapin. Usap na kayo, please, bago niya itumba 'yung lalaking kasama mo sa loob. Serious 'to, walang halong joke,” nakangising sabi ni Cadence.

Naglakad si Zakarius papalapit sa 'kin, hinawakan niya ang kamay ko habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.

“Angel, please, just give me even a minute to explain my side, I will--” agad kong pinutol ang sasabihin niya.

“30 seconds,” nakataas kilay na sabi ko. Halatang natigilan siya sa sinabi ko.

“I'm serious here, Angel. I just want to--”

“Okay, 15 seconds,” I said and crossed my arms over my chest.

“Angel, I'm really sincere about you. I truly love you... About Jaze, it's hard to explain it like this, if you could just give me enough time, I will--” muli kong pinutol ang sasabihin niya.

“Time's up, now leave. I don't wanna hear you gibberish talk, I don't wanna see your face, I don't want you touching me,” I said while gritting my teeth. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Biglang sumulpot si Castor sa likuran ko at hinila ako palayo kay Zak. Muli silang nagtagisan ng tingin. Bahagya pang itinulak ni Castor si Zak palayo.

“Narinig mo naman siguro, direk. Umalis ka na lang,” sabi ni Castor.

“I'm not talking to you, Castor. Get out of my way before I lose my patience and kill you right here, right now,” Zakarius said in a cold tone grabbed Castor's shirt.

“Bring it on, assh-le. Show me what you've got, baka naman puro satsat ka lang,” tila nanghahamon pang sabi ni Castor.

Zakarius' jaw clenched, he's now glaring at Castor as if he wants to kill him right on the spot. I held Castor's arm, trying to calm him down. Agad namang napatingin si Zakarius sa kamay kong nakahawak sa braso ni Castor.

“Don't touch him,” mariing sabi ni Zakarius at inalis ang pagkakahawak ko kay Castor. Natigilan ako sa ginawa niya.

I hope he's aware that he just showed his immature side. Damn, okay, kinda cute. But no.

“Hay! Wait, wait! Papasok muna kami sa loob ni Arken, nauuhaw na kami. Halika, Angel. Hayaan mo silang magsuntukan diyan.”

Natigilan kami nang bigla na lang sumingit si Cadence at Arken. Umakbay naman sa 'kin si Cadence at hinila ako papasok sa loob. Napaawang na lang ang labi ko sa ginawa niya, kung makapasok siya sa loob ay para bang siya ang may ari ng rest house ni Castor.

Nagpatianod na lang ako kay Cadence nang magtungo kami sa kusina. Umupo silang dalawa ni Arken.

“Pahingi nga tubig, Ms. Mendoza,” utos ni Cadence saka napahawak pa sa lalamunan niya.

Napairap na lang ako at sinunod na lang din ang sinabi niya. Kumuha ako ng pitsel sa ref at kumuha ng baso saka inabutan siya ng tubig.

Agad namang sumunod sa 'min sina Castor at Zak.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon