Pinilit kong mabuhay. Hindi ko na kaya. May mga bumubulong na hindi ko maintindihan na nag-uudyok na gawin ko na. Natatakot na akong pumikit at bumalik lahat ng nangyari sa akin. Kung mababasa niyo ito ay huwag niyo sana akong husgahan. Hindi ako baliw. Wala na rin ang mga kaibigan ko. Nilayuan na ako ng lahat. Sana panaginip lahat lang ito.
HINDI AKO BALIW
------------------------------------------------
Sino ba dapat ang katakutan? Ako ba o ang sarili ko?
Ako na lang ang natira...
Walang gustong maniwala...
Iniisip nilang baliw ako dahil sa trauma na nangyari...
Lahat sila wala na...
Bakit hindi na lang rin niya ako patayin?
Wala na akong iluluha...
Narito ako ngayon, nagdurusa sa kwadradong silid sa ospital ng mga baliw? Nakatali! Anong pinagkaiba ko sa mga nabubuhay? Wala na akong babalikan. At sa kaibigan na hindi namin inaasahang gagawin sa amin yun? Malaya at parang wala lang ang lahat sa kaniya.
Wala na sila, patay na at lahat sila pinatay sa harap ko...ni hindi man lang ako nakalaban kahit ipagtanggol ko man lamang sila. Ang hina ko. Ang duwag ko. Gusto ko ng matapos ang lahat. Bakit nangyari lahat sakin ito?
Diyos ko! Bakit binuhay mo pa ako?
Bakit patuloy akong nagdurusa? Kahit sa pagtulog nakikita ko parin ang bawat patak ng dugo na tumutulo mula sa mga namimilipit na katawan nila. Kung paano niya pinahirapan at walang awang pinatay. Kung paano niya kami iniisa-isa. Hindi niya ako binigyan ng bakas o kahit galos man lang ngunit pinilit niya akong panoorin ang pagdurusa ng bawat kaibigan ko.
------------------------------------------------
I
Madilim at nag-iisang bumbilya lang ang tumatanglaw sa amin. May salamin sa dingding kung saan hindi mo makikita ang mga taong nanonood sa kabila. Dalawa lang kami. Ako at ang taong nakasuot ng pormal. Hindi ko alam kung siya ba ang aking abugado o duktor. Hanggang leeg ko lamang siya tinitingnan, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang iangat ang mukha ko para sa kaniya.
May isang kwadradong lamesa at dalawang upuan kung saan kami nakaupo. may hawak siyang bolpen at notebook kung saan niya siguradong itatala ang pag-uusap namin.
"Pangalan?" Ang una niyang tanong.
Sa tingin ko ay halos magkasing edad lang kami. Parang nabobosesan ko siya at hindi ko maisip kung saan at kailan.
"Mikai" pabulong kong sagot.
"Buong Pangalan"
"Antony Mikai"
"Apelyido?"
"Capobres"
"Ilang taon?"
"24"
"Saan nakatira?"
"Sa tingin mo?! Saan na ba ako nakatira ngayon?!" Sagot ko na may pabalang. Wala siyang imik at parang sanay na siya sa mga ganitong sagot at tumuloy lang siya sa pagtatanong. Walang emosyon at nakatitig lamang siya sa akin habang binabasa ang aking bawat galaw mula sa pagyugyog ko ng paa, paglilipat ng kamay hanggang sa maliliit na detalye tulad ng pagngiwi, pagkunot at kung saan tutulo ang luha ko.
YOU ARE READING
Cereal Killer
HorrorPara sa mga fetus na marunong ng magbasa. Bagay sa iyo ito. Pramis!
