CHAPTER TWO

34 18 2
                                    

Diane,

Naiwan ako ngayong mag-isa dito sa bookstore habang nasa Watson's naman si Joy at Cris, kailangan daw kasi niya ng bagong shade ng lipstick at moisturizer. Sinubukan ng jowa niyang mag dahilan, mas gusto niya nalang daw maiwan sa bookstore kasama ko kesa ang samahan ang girlfriend mamili ng deo at pantinta ng mukha.

Of course di ako pumayag, lalo na si Joy, dahil alam namin pareho na sa rack ng FHM magz nanaman ito tatambay.

So eto ako ngayon, kaharap sina Bronté, Dickens, Poe and many classical writers. I know some people nowadays consider reading as a prop or weirdness, but for me it is my only escape. Napatingin ako sa katabing rack kung saan naka-piled up yung classic fairytale such as Andersen's works...my favorite one is yung kuwento ni Little Mermaid. Not the Disney version that ends up in a happy ending, the story was supposed to end in a tragic way.

Napangiti ako ng buksan yung libro, I still remember my dad when he bought me my first ever book. Nag-turo ako ng laruan that time, sinabi niya na wala siyang pambili kaya mangiyak-ngiyak akong tumakbo pabalik ng tricycle na minamaneho niya, then he came back with something in his hand naka-plastic at nang buksan ko it was a book with a beautiful hard bound cover.

That was the first time I've had a glimpse of what love is. Like the mermaid it will push you to do things na puwede nang makapagpahamak sayo. Love is dangerous and sacrificial. I am already 20 pero takot pa rin ako sa maraming bagay, that includes being in love to someone apart from my family.

Ibinalik ko na sa shelf yung libro at lumipat na ng kabilang rack. I stood in front of the young adult fiction book, from there I retrieved three books na known for steamy contents. Someone dared me to read such book once, at ngayon it became like a drug to me.

Yes, these are my guilty pleasure.

Pinasadahan ko ng marahang haplos and pabalat ng isa sa mga librong kinuha ko. Ilang minuto ang naka-lipas I am already about to finish the first chapter.

Masiyado akong naaliw sa kabanatang binabasa ko, detalyado ang pagkakahabi ng sex scenes. Napakagat nalang ako ng marahan sa ibabang labi ko when I read that line...

'I cried in pain when he suddenly thrust his fully grown bulge inside me...'

Fuck.

I know this is not the right place to read such stuff. But suck it.

"Diane?"

Halos mabitawan ko yung hawak kong libro nang marinig yung tinig ng isang lalake. Agad kong sinara yung libro at inakap ito, nakatakip ang mga braso ko sa title bago ngumiti sa papalapit na si Izan.

May hawak rin siyang books but unlike me, proud siyang ipakita ito kahit kanino. I think it is a textbook for his engineering course.

"So you're still that same book nerd way back on our senior year." Saad niya saka ngumiti at sandaling sumulyap sa librong akap ko.

Di ko malaman kung ano ang sasabihin ko. I am now having slight panic attack, yung tama lang para di ka kaagad makapag-isip ng maayos.

Izan Mariano, famous hearthrob ng campus, active sa lahat ng bagay from SSG to sports, magaling rin siyang kumanta and...sobrang goal oriented that he refused to be anyone's boyfriend noong highschool. Napansin ko na mas tumangkad siya ngayon, mas gumanda yung katawan at yung boses niya mas lumalim rin.

Ang liit nga naman ng mundo at sobrang nakakaloka ng pagkakataon. Ngayon pa kami nagkita. Muntik niya pa akong mahuli na nagbabasa ng...

"Oo, ako pa rin 'to," bahagya akong natawa na sinabayan ng mahinang bunting hininga, "matatakutin pa rin."

"Maybe it's the right time for you to try something new. Hindi sa minamadali kita, but we're at the peak of our lives na dapat maranasan na natin ang ilang bagay." Saad niya in a casual manner habang nakatuon ang pansin sa helera ng librong nasa kaharap naming rack.

Sinundan ko ng tingin ang mga daliri niya habang pinasasadahan nito yung tagiliran ng mga aklat.

"I don't think ready na akong i-handle yung mga pagbabagong sinasabi mo."

Hinugot niya yung isa sa mga libro at sandaling itinuon ang pansin sa title at synopsis nito. Nakangisi na siya nang muling ibalik ang tingin sa akin.

"How to be an Alpha Male and attract Women. Hot stuffs nowadays."

"People nowadays should stop acting what they read on the manuals."

"Oh c'mon," lumapit siya sakin habang nakatingin ng direkta sa mga mata ko, napa-ismid nalang ako nang dinilaan niya ang pang ibabang labi niya.

Yeah, seems like even this Saintly guy has turned to a different path now.

"Diane, stop acting like you don't have that fantasy."

"Fantasy na dapat manatiling fantasy lang."

Unti-unting nawala yung pangungutya sa mga ngiti ni Izan napalitan ito ng usual boyish smile na mas sanay akong makita sa kanya.

"Puwede ba kitang yayain lumabas bukas?"

Ano? Anong trip nito?

"Don't worry lahat sagot ko-,"

"Sorry pero hindi ako puwede. May pasok ako, saka ikaw may klase ka pa bukas-,"

"Diane, wala akong masamang balak. I know what you're thinking right now, and I won't ask for this kung di ko kailangan ng makakausap. Please? Let me borrow some of your time."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nito para yayain akong lumabas. Close kami dati pero ni minsan di ko siya kinakitaan ng interes sakin. Hinayaan kong lumipas ang ilang sagundo na pinag-aaralan kung ano nga ba ang intensyon niya sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata. Hindi ito ang unang pagkakataon na may mag-aaya sa akin na lumabas,pero
...for the first time papayag ako.

Di na rin naman iba sa akin si Izan.

"Sige, pag-uwi ko galing ng shift."

"Talaga?!"

Nagulat nalang ako nang matagpuan ang sarili sa mga braso niya, sandali niya akong niyakap ng mahigpit habang ako ay nabato nalang. Nanunuot yung pabango niya sa ilong ko and I can feel his toned body against mine.

"S-sorry, so I'll see you tomorrow?"

Napalunok nalang ako saka tumango. Ngayon ko lang nakita si Izan na ganito.

Ano ba ang nakain ng isang 'to?

I have to find that out tomorrow.

By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon